“Mga Basang Unan”
By: Juan Miguel SeveroNoong iwan mo ako nang walang pasabi, umiiyak ako buong gabi.
Umiiyak ako ng sobrang tindi kinailangan Kong ibilad sa araw ang aking mga unan kinabukasan.
Ang sarap pala sa pakiramdam na patulugin ka ng sarili mong pag-iyak.
Naisip ko na Hindi pinakuluang dahon ng bayabas o alak ang sagot sa ganitong klaseng sakit.
Luha ang pinaka mabisang panglanggas sa sakit ng puso.
Kaya inaraw-araw ko ito.
Sinusimulan at tinatapos ko ang araw na ginagamot ang mga sugat na iniwan mo.
Binabalikan ko lahat ng ala-ala at hinahanap kung saan lahat bumaon sa puso ko.
Nakakatawa.
Akala ko noon, na kung dumating man ang panahon na 'to, puro mga away at hindi natin pagkakasunduan ang mga sugat na iintindihin ko.
Na sila ang mahirap gamutin.
Na sila ang kahit ilang balde ng luha ang aking pigain mula sa aking mga mata ay magdurugo parin.
Pero mas nagdurugo ang puso ko para sa mga tawa mo.
Mas nagdurugo ang puso ko dahil sa mga patawa mo.
Mas nagdurugo ang puso ko sa mga yakap mo.
Sa kung paano ang mga balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-dahan mo akong hinahaplos at kung paano ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita.
Wala akong kaalam-alam noong gabing umalis ka.
Pero Mas nagdurugo ako noong unang gabing pinili mong manatili.
Nagdurugo ako nung sinabi mong ayaw mo na.
Nagdurugo ako noong sinabi mong Hindi mo na ko mahal.
Nagdurugo ako, at nagdurugo ako, nagdudurugo ako at nagdudurugo ako at nagdudurugo parin ako sa alaala na ikaw pang unang nagsabi ng 'mahal kita'.
Mahal. Kita
Kung titignan ko ng maigi ang mga salitang sinulat ng lahat ng mga sugat na naiwan mo, yang dalawang yan ang mababasa ko.
Mahal. Kita
At sa inaraw-araw ang pag-bibilad ng mga unan ko, nagmamanhid na sila.
Mahal. Kita
At sa dami ng luha na pinaglanggas ko rito, naglalangib na sila.
Mahal. Kita
At sa tagal nyang kumikirot dito sa dibdib ko, medyo nakakasanay na.
Mahal. Kita
At sa tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan, sigurado magsasara na sila.
Magsasara at magiging pilit na paulit-ulit Kong mababasa at ang parati lang sasabhin ay Mahal kita.
Mahal, kung magkita tayong muli at tatanungin kung pwede pa ba, ang hihingilin ko lang sayo ay mga bagong unan.
Dahil lahat ng akin' ay kala mo naulanan dahil lahat sila ay akin nang naiyakan ng mga kwento natin at nag-iwan ng marka sakanila at ayoko na.
Ayoko nang matulog sa unan na basa at malunod sa pagtulog na alaala na mahal kita.
Mahal nga pala kita.
At sa wakas, di na kasing sakit ng dati pero mahal, masakit pa.

BINABASA MO ANG
Dangerous Woman
Fiksi PenggemarMaybe you lost someone you never expected you would lose. Maybe you lost yourself. That's even worse. When you have bad days that just won't let up, I just hope that you will look in the mirror and remind yourself of what you are and what you are no...