8th Chapter: Anger?

873 45 0
                                    

Guys, just wanna say. Yung penthouse nila dito, pinalaki ko. Maibang version lang. Alam kong, nagtaka/magtataka palang kayo. So, yes! Short lang to. Bawal ako gumamit ng phone ngayon eh. Tinatago ko lang.😆

This is for you guys!
Enjoy reading!

---

Richard POV

Ayan, nagalit. Bahala na sya.

Pero, nakukonsenya ako. May part sakin na nagsasabi na,

'Richard, hindi tama yun. Magpa-sorry ka. Hindi pwera, peke lang kayo, di mo na sya rerespetuhin.'

May isa namang part na nagsasabi na,

'Richard, hayaan mo sya. Masyado syang over acting.'

Nakakainis!

Ugh!
Okay, fine!

Ako na mali! Alam ko na dapat, hindi ko sya ginanun. San ba nagpunta yun? Pano ako magpapasorry?

Lumabas ako ng kwarto ko tsaka bumaba. Dumiretso ako sa kubo.

"Nasan si Charmaine?" Nakakunot noong tanong ko sakanila.

"Ha? Ewan? Sinundan ka nya diba?" Val

"Check mo sa kwarto ng kuya nya. Dun tumatambay yun." Sabi ni Patricia

Pumasok ako uli tsaka pumunta sa kwarto ni Kenneth.

'Nasan na yung babaeng yun?'

Chineck ko rin sa cr, wala.

Ugh!
San nagpunta yun?

Nilibot ko na yung buong penthouse. Penthouse yung tawag namin pero, mansion to. Si Tommy nagpasuno.

"Maine? Maine?" Sigaw ko.

'Shit! Wala talaga sya.'

Agad akong umalis ng bahay namin o kung penthouse na tawag ni Tommy. Di na ko nagpaalam sakanila. Bumalik ako sa resort. Agad akong dumiretso sa room namin. Chineck ko pati cr tsaka kwarto ni yaya Pak, wala talaga! Pati gamit nya, wala na! Binalikan ko yung guard sa entrance ng resort. Tinanong ko kung, pumasok si Maine dito, hindi daw.

'Charmaine, nasan kana?'

Charmaine POV

Nandito ako sa bahay. Nagpahatid ako kay Rogelia. Pinayagan naman ako ni Lola Babah eh. Kinausap ko sya.

Bwisit na Richard talaga!

Bahala sya sa buhay nya! Sya naman di ko papansinin. -.-

Nakaupo ako ngayon sa kama ko. Naka cross arms. Nang biglang narinig kong may bumukas ng pinto. Alam kong si RJ yun. Di ko syang tinignan o pinansin. Tumayo sya sa harapan ko.

"Chammy, I'm sorry. Pinakinggan naman kita eh. Masyado lang ako naapektuhan sa bwisit na dare na yun. Nagawa ko lang naman yun kase.." Tinitigan ko sya ng nakakunot yung noo. "Nagawa ko yun kase kelangan kang respituhin. Hindi ka dapat nila ginaganun. Sorry." Hindi ko parin sya pinapansin.

"Chammy. Chammy. Chammy please!" Pagmamakaawa nya.

"Wag mokong tawaging Chammy. Di tayo close." Cold na sabi ko.

Dangerous WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon