Chapter 1 :: Ten

82 1 6
                                    

[Tanya]:

"Hmm. Heart of... Saglit. Parang mali. What if... Love of... Hindi. Hindi! UGH!" Time out muna saglit. Medyo ang weird ng pagsisimula ng pagkukuwento ko. First of, hello! Ako si Tanya Eliza Navarro. You can call me Ten para hindi naman masyadong hassle yung pagsasabi ng buong pangalan ko. Kung nagtataka kayo kung bakit Ten yung gusto kong itawag niyo sa 'kin, well yung mga kaibigan at family ko lang yung nagimbento niyan. Sinubukan kong tanungin sila kung saang lupalok ba nila nakuha yung Ten. Sabi daw nila ayan daw yung Acronym ng pangalan ko kapag pinagsama sama. To Be Honest, hindi ko napansin 'yan. Kaya hanggang ngayon, amazed na amazed ako kapag sumasagi 'yan sa isip ko.

Anyways, yes! 17 Years Old na ako. 4th Year High School na ako ngayon. And medyo sandamakmak yung mga hawak ko ngayon. Ako kasi yung Band Vocalist ng September, School Band namin. Ever since na nabuo yung banda, ako nalang yung laging gumagawa ng mga kanta na kinakanta namin kapag may mga Activities sa School or kapag may mga Band Competitions. Pero kahit ako lagi yung natutulog ng madaling araw ng dahil sa pag cocompose ng kanta ay masaya naman ako kasi ever since na sinimulan kong gawin 'yon, itinuring ko nang Comfort Zone 'yon. Kaya from the point na nabuo ang September hanggang sa ngayon, halos lagpas twenty songs na yung nagagawa ko.

Speaking of Band, matagal ko na ding pinangarap ang mairepresenta ang buong Pilipinas sa International Band Face-Off na ginaganap sa ibang bansa. Sabi din kasi ni Mommy na kahit no'ng 4 Years Old palang ako, lagi kong inaagaw yung Microphone sakanila kapag nagvi videoke sila. Kaya long story short, gustong gusto kong kumanta. Kaya no'ng lumaki ako, lagi akong nanonood ng mga Singing Competitions. Then eventually, napadpad sa mga Band Competitions. Ayan din yung dahilan kung bakit talagang pinush ko sa Student Activity Office yung pagkakaroon namin ng School Band. Kasi feeling ko na kapag nagkaroon kami ng Banda, doon magsisimula yung pagtupad ng pangarap ko.

Kaya super duper thankful ako kay God ngayon kasi nakapasok kami sa Regional Band Face-Off. At least masasabi ko na "One Step Closer" na ako sa pangarap ko. Pero hindi talaga ito yung ikinaka torete ko as of now. Ewan ko ba. Parang sa hinaba haba ng experience ko sa paggawa ng kanta, dito ako talagang hirap na hirap. Meroon na kasi kaming gagamiting kanta sa Regional Competion. At ayon yung "Heartbeat." Ayan yung una una kong Composition. Ang ikinaka taranta ko ngayon is yung kakantahin namin para sa International Competition.

Alam ko yung mga nasa isipan ninyo. Masyado kaming assuming na makakapasok kami sa ganong kataas na Competion. Ayan din yung sinabi ko kay Mrs. Cath. Siya yung Student Activity Head ng School namin. Pero everytime na sasabihin ko iyon sakanya, ang lagi lang niyang sinasagot sa 'kin ay "Be positive! Have faith in our Lord! Makakapasok tayo sa International Competition na 'yan!" Wait, nnakalimutan kong sabihin na sa isang Catholic School ako nag aaral kaya medyo malakas talaga ang kapit ni Mrs. Cath kay God.

Kaya ito ako! Nakatulala at gustong gusto ng sumigaw sa harapan ng Table ko. Ewan ko ba naman kasi kung bakit ang hirap magcompose ng kanta na tungkol sa Love. Yung theme kasi ng International Competition this year is about Love. Pero habang lumalalim yung gabi, unti unti kong narealize kung bakit nga ba halos sumabog na ako dito sa kakaisip. Eh kasi naman, never pa akong nakaranas ng Love. I mean yung Love na makukuha mo sa Crush mo o sa Boyfriend o Girlfriend mo Ang pagmamahal lang na meroon ako ay yung galing sa Family ko. Tinanong ko naman sa mga kabanda at kay Mrs. Cath kung puwede na tungkol doon yung kanta pero lahat sila ayaw. Ang gusto nila yung may mga hugot, yung mga kapag kinanta mo, kulang nalang magmukmok ka sa sulok ng kuwarto mo ng dahil sa kilig o kasi iniwan ka niya. That's why I'm stuck here in front of my Table, gumagawa ng kanta for the past 5hours na. Ugh! Somebody please help!

·T.B.C.·

***

Author's Notes:

Hey Guys! ^^

Kung umabot man kayo sa part na ito, thank you very much kasi pinili ninyong tapusin yung First Chapter ng napaka interesting na Story na ito.

TBH, mukhang tatagos 'to sa mga mahihilig sa Music diyan. Guess ko lang naman. Haha! Pati na rin doon sa mga nagsisimula palang sa Industriya ng Lovelife.

Sana naging malinaw kahit papaano kung sino si Tanya sa Chapter na ito as well as sa magiging takbo ng buhay pati lovelife niya. Haha!

ask.fm: EliteFour_Gian
twitter: EliteFour_Gian
instagram: EliteFour_Gian

P.S. Pare pareho lang yung Usernames ko. Para mabilis tandaan. Haha!

Lovelots! ^^

Himig ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon