Chapter 6 :: Keychain

24 0 0
                                    

[Tanya]:

Saturday ngayon. Ang saya ng gising ko kasi naka bawi din ako sa pagtulog. Feeling ko kasi kapag hindi pa ako naka tulog, magkaka roon na ako ng Giant Eyebags. Naka ngiti akong bumaba sa Living Room at nagulat ako ng si Lola Deiya palang yung gising. Mukhang inenjoy talaga nila Ate Red at Ate Ben yung tulog nila. Lumapit ako kay Lola na nag luluto ng agahan. Binati ko siya at binigyan ng mabilis na halik sa pisngi. "O Apo, gising ka na? Nakatulog ka ba ng maayos kagabi?" Nakangiting tanong ni Lola. "Opo Lola Deiya. Buti nga po, hindi ako tinanghali ng gising eh." Masayang sagot ko sakanya. "Ganoon ba. O sige, maghintay ka na diyan sa lamesa. Malapit ng matapos itong iniluluto ko. Ikaw nalang muna yung kumain. Tirhan mo nalang yung mga kapatid at pinsan mo." Sabi ni Lola. Napakamot ako sa ulo at sinubukang mag isip kung paano ako magpapa alam sakanya. Naisipan ko kasing pumunta sa Mall ngayong araw para makapag libot libot man lang muna ako ng mag isa at magka roon ng Free Time. Kahit isang araw lang. Nagtaka si Lola Deiya kung bakit hindi pa ako umuupo. Doon ko na hinigop lahat ng lakas ng loob ko para magpa alam. "Eh Lola Deiya. Gusto ko po kasi sanang pumunta sa Mall ngayong araw. Gusto kong makapag libot libot dito kahit papaano. Kung puwede po sana, payagan niyo ako." Nakatulala lang si Lola for about 5seconds sa 'kin. Iniisip 'ata niya kung papayagan ba ako o ano. "Sigurado ka ba diyan Apo? Eh wala kang kasama. Baka mapahamak ka lang diyan." Nag aalalang sinabi ni Lola Deiya. Binigyan ko naman siya ng ngiti at ng "Kaya ko yung Sarili ko" na tingin. "Lola, malaki na po ako. Kaya ko na po yung sarili ko. Tiyaka promise po, mag iingat po ako. At before mag alas singko ng hapon, nandito na po ako." Nagmama kaawa kong sinabi. Nag isip isip naman si Lola for awhile. Pero pinayagan na din niya ako. Basta lang daw, tumupad ako sa binigay kong usapan. Binigyan ko siya ng isang mabilis na yakap tiyaka nagpa alam para maligo.

Super excited akong gumala ngayon. Para akong isang bata na first time maka punta sa isang Amusement Park. Mabilis akong naligo at nagbihis para ma maximize yung oras ko sa Mall. Napansin ni Ate Red na kaka gising lang na parang aalis ako kaya tinanong niya ako kung saan ako pupunta. Sinabi ko na pupunta ako sa Mall para mag libot libot. Nag alala ng k'unti si Ate Red pero pumayag din ka 'gad. Bago ako umalis, tinignan ko kung may naiwan pa ba akong gamit na dadalhin ko sa Mall. Inilagay ko yung Phone ko sa pocket ng Pantalon ko. Naisipan ko ding dalhin yung Keychain na binili ko sa Airport sa Maynila at nilagay din ito sa pocket na kung saan doon din naka lagay yung Phone ko. Baka kasi maka tulong mamaya kapag naisipan kong mag relax sa Mall at gawin ulit yung kanta. Nag mamadali akong nag paalam sakanila at nag mamadali ding umalis.

Pasado 11AM na ng makarating ako sa Mall. Sobrang tuwang tuwa ako ng maka pasok ako. Parang feeling ko kasi na ang tagal tagal ko ng hindi nakaka punta sa Mall o nakaka gala ng dahil sa dinami dami kong ginagawa sa School. Kaya susulitin ko talaga 'tong araw na ito. Naglibot libot ako sa mga Shops. Bumili din ako ng k'unti para sa sarili ko like yung mga T-Shirt at Pouch. Bumili din ako ng bagong Headphones na matagal ko ng pinag iipunan. Medyo pasira na kasi yung Headphones na ginagamit ko sa ngayon. Habang tumitingin naman ako ng pasalubong ko kila Ate at kila Lola pati narin sa mga pinsan ko, biglang nag ring yung Phone ko. Kaya ka 'gad kong kinuha ito. Nag text lang pala si Ate. Mag ingat daw ako and umuwi ka 'gad. Nireplyan ko nalang siya tiyaka nag resume sa pag hahanap.

After almost 1hour na pag iikot, I decided na mag pahinga muna at tumigil sa isang Coffee Shop. Umorder na ako ka 'gad tapos naupo na din sa isang table sa labas ng Coffee Shop. Puno kasi yung loob kaya wala akong mahanap na upuan. Kaya dito nalang ako sa labas. Then, hinanap ko sa bag ko yung notebook ko kasi hinihintay ko pa yung isang order ko. Kaya naisipan kong subukan ulit gawin yung kanta. Hindi ko na alam kung pang ilang attempt ko na ito sa paggawa. Pero sure ako na hindi na mabibilang ng sampung daliri ko 'yon. Iinom na dapat ako sa Coffee ko ng biglang may kumalabit sa 'kin at nagsalita. "Um. Miss, sa 'yo ba itong Keychain na ito?" Napatigil ako sa pag inom at dahan dahang lumingon doon sa kumalabit sa 'kin. Pagka lingon ko sakanya, nagka tinginan kaming dalawa habang dahan dahan kong ibina baba yung Coffee ko. Hindi ko ma explain kung ano yung nangyari. Para bang bumilis yung tibok ng puso ko na para akong nanonood ng isang karera na pumusta ako ng isang milyon at mukhang matatalo na ako. Aaminin ko, ang awkward that time kasi parang halos isang minuto na kami nagka titigan. I don't know kung isang minuto na ba talaga yung nag daan. Ewan ko kung bigla bang bumilis o bumagal yung oras ng nakita ko siya. Anong nangyayari sa 'kin?

[Gon]:

Kanina ko pa sinusundan itong babae na 'to. Simula palang noong nasa Souvenir Shop palang siya. Napansin ko kasing nalaglag niya yung Keychain niya noong kinuha niya yung Phone niya. Noong pinulot ko at isasa uli na sakanya eh bigla siyang umalis. Buti nalang, tumigil siya sa isang Coffee Shop kasi medyo pagod na ako sa kaka sunod sakanya. Kanina ko pa naman siya tinatawag na Miss pero hindi 'ata naririnig kasi sa lakas ng Music sa Mall. Napag desisyunan kong kalabitin siya ng naka upo na siya sa labas ng Coffee Shop. "Um. Miss, sa 'yo ba itong Keychain na ito?" Nagtataka kong tinanong sakanya tiyaka ko inabot yung Keychain. Dahan dahan siyang humarap sa 'kin. Noong nakita na niya ako eh napa tulala siya sa 'kin. The same thing happened to me. But that's not all. Parang pakiramdam ko eh biglang tumigil yung Mundo ko. Yung parang lahat ng tao sa paligid ko, nawala tapos siya lang yung nakikita ko. Halos isang minuto na 'ata kaming nagkaka titigan ng biglang may nag excuse me. Yung Waiter pala 'yon. Dinala lang niya yung order ng Babae. Nag sorry ito at kaagad ding umalis. Siguro nag sorry siya kasi nasira niya yung moment naming dalawa nung Babae?

After makuha nung Babae yung order niya, bumalik yung tingin niya sa 'kin at tinignan ko rin siya pabalik. Ewan ko ba pero bakit parang hindi ako na boboring kapag tumitingin ako sa mata niya? It's like I can stare at it for an entire day ng hindi nag rereklamo. That girl is just beautiful. And I must admit, she's making me feel the feeling I never experienced, nor dealt before. Kakaiba lang talaga 'tong moment na ito. Pero pakiramdam ko na masyado ng awkward yung moment kaya binalik ko yung usapan. "Miss, sayo ba 'tong Keychain na ito? Nakita ko kasing nahulog mo sa Souvenir Shop kanina pagka kuha mo ng phone mo. Hindi ko lang sure kung sa 'yo nga." Tinanong ko sakanya. Naka tulala parin siya sa 'kin pero ka agad ding pinikit ang mga mata niya at huminga ng malalim. Tinignan niya yung Keychain na nasa kamay ko. Nabigla siya ng mapag tanto niyang sakanya nga 'yon. Kinapa pa niya yung bulsa niya sa pantalon para ma double check. Then napangiti siya sa 'kin. "Um. A... Akin nga 'yan. Hind... Hindi ko 'ata napansin na nalaglag ko. Pasen... Pasensya na kung naabala pa kita." Nauutal na sabi niya sa 'kin. Pakiramdam ko na kinakabaha siya. Kasi medyo pinag papawisan na din siya. Kaya binigay ko na ka 'gad yung Keychain niya sakanya. Nag pasalamat siya sa 'kin at ngumiti naman ako sakanya pabalik. "Ang ganda ng naka sulat diyan sa Keychain mo ha." Nakangiti kong sinabi sakanya. Nag tatakang tinignan naman ako ng Babae pabalik. "Na iintindihan mo yung meaning nito?" Nag tataka niyang tinanong sa 'kin. Tinaasan ko naman siya ng kilay at napa ngiti. "Oo naman. Ang ibig sabihin niyan eh Sundan mo lang yung Puso mo. Kung saan masaya ang puso mo, doon ka din magiging masaya." Seryoso niyang tinignan yung Keychain niya at biglang binalik ang tingin sa 'kin. "Ano palang pangalan mo?" Tanong niya. Napangiti naman ako. "Ako pala si Gon. Gon Salvador. Ikaw? Anong pangalan mo?" Balik kong tinanong sakanya. "Tanya. Tanya Eliza Navarro. You can call me Ten." Naka ngiti niyang sagot. Tumango naman ako sakanya at binigyan siya ng ngiti.

Muli siyang nag pasalamat sa 'kin at nagpa alam na din ako. Kailangan ko na kasing umuwi sa 'min. Kaya nag mamadali akong umalis. Pero kahit na naka layo layo na ako sa Coffee Shop, hindi parin maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Kaka ibang pakiramdam talaga 'yon. Parang ang sarap balik balikan. Pero ang pinaka pinag tataka ko lang talaga sa ngayon, bakit ko ba naramdaman sakanya 'yon? Sana mas may oras pa ako para makilala siya ng lubusan. Sana magkita pa kami.

[Tanya]:

Pa uwi na ako sa 'min. Habang nasa Taxi, naka tulala lang ako sa bintana. Hindi ko ma alis sa isip ko yung nangyari kanina. Para bang kusang nagre rewind yung moment na 'yon sa utak ko. Plus that feeling pa na parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sakanya. In fact, super gaan. Gusto ko sana siyang yayain mag coffee kanina kaso nagmama dali siyang umalis. Sino ba siya? How did he made me feel that way? Did I mention na may pagka charming din siya? Parang ang sarap sarap tignan ng mga mata niya. Ano ba naman kasi 'tong nararamdaman ko? This is totally new to me. Is this what they call Love? For the first time ba na after 17 Years na nabuhay ako sa Mundong ito, am I falling in Love with someone? OMG. I don't know what to do! Gon Salvador, will we meet again?

·T.B.C.·

***

Author's Notes:

That Keychain is really weird. Haha! Yung bagay na binili lang ni Tanya para lang hindi siya mag mukhang tanga sa Shop noong nasa Airport pa siya ay ang parehong bagay na makakapag tagpo sakanila ni Gon. Tadhana nga naman. Haha!

Simula na ng "GonYa" guys! May bago ng love team sa Fantasy World na 'to. Haha ^^

Maraming maraming salamat sa tuloy tuloy na Support guys! Hindi ko talaga papabayaan 'tong Story na 'to!

ask.fm: EliteFour_Gian
twitter: EliteFour_Gian
instagram: EliteFour_Gian

Lovelots! ^^

Himig ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon