Chapter 3 :: Extension

34 0 0
                                    

[Tanya]:

Gaya nga ng sinabi ko earlier, hindi ko alam kung makakatulog pa ako kasi nga halos yung buong kalahating araw ko ay nakatutok sa paggawa ng kanta para sa International Competition na wala pa namang katiyakan na makakapasok talaga kami. Sinunod ko nalang si Ate Red at nag impake ng mga gamit. It's almost 7AM ng matapos ko yung pag iimpake ko. Kaya pagkatapos na pagkatapos ay naligo na kaagad ako kasi kailangan ko pang lumuhod sa harapan ni Mrs. Cath para lang mapapayag siya na umuwi muna ako sa Province namin at ipagpaliban muna yung kanta. Kaya habang nasa Shower ako, nagpa practice na ako ng magiging Dialogue ko. After kong magdrama sa Shower ay nagbihis na kaagad ako. Tapos na ako and ready to go na pero at that exact moment na lalabas na ako ng pintuan ng Bahay namin ay nakita kong may nakatayong lalaki sa labas. Hindi ko nakilala kung sino kasi nakatalikod siya. Kaya dumire diretso nalang ako sa Gate para makalabas at matanong yung lalaki kung anong kailangan niya. Pagkabukas ko ng Gate ay bigla siyang lumingon.

"O Ten! Good morning. Papasok ka na ba sa School?" Nakangiting tanong ni Renzo. Nagulat naman ako dahil nandito nanaman siya sa amin. "Um. Good Morning rin Renzo. Pupunta lang ako ng School kasi magpapaalam ako kay Mrs. Cath na hindi ko matatapos yung kanta na gagamitin namin para sa International Competition kasi uuwi kami sa Davao nila Ate." Nagulat 'ata si Renzo sa sinabi kong uuwi kami sa Davao kasi nanlaki yung mga mata niya. Pero before everything else, ito pala si Renzo Cabangon. Well, isa siya sa mga pinaka close friend ko both sa School at sa Buhay. Matagal na kasi kaming magkaibigan simula ng magkakilala kami sa School. Pero may pagka aso't pusa din kaming dalawa kasi madalas kaming mag away sa mga School Activities kasi lagi kaming naka assign sa mga gano'n. Pero simula ng mabuo ang September, hindi na kami nag aaway. Another thing is that lagi na siyang dumadalaw dito sa Bahay namin. Then lagi na akong sinasamahan sa mga lakad ko. Kaya medyo weirded out pa ako until now.

[Renzo]:

I decided na ihatid at sumabay na din kay Tanya pagpunta sa School kasi ang akala ko, papasok din siya. Nagulat lang ako na sinabi niyang magpapaalam lang siya sa Student Activity Head namin na hindi niya matatapos yung pinapagawa sakanya dahil uuwi sila ng Davao. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot kasi mahihiwalay si Tanya sa 'kin. Ewan ko din naman kung bakit ko ba dapat maramdaman yung mga bagay na iyon. Alam kong matagal ko na siyang naging kaibigan at ilang away na ang nangyari between us. Pero bakit para bang may iba akong nararamdaman sakanya ngayon?

"Ah ganon ba. Um. Sige, sabay na tayo papunta sa School. Tutal, papasok na din naman ako. Tara na." Nakangiting niyaya ko siya. Nahalata kong napaisip siya ng matagal. Probably because hindi niya alam kung sasabay ba siya sa 'kin o hindi. "Um. Mukhang kaya ko namang pumunta ng School mag isa Renzo." Tanggi niya sa pagyayaya ko. "Eh baka kung ano pang mangyari sayo kapag ikaw lang magisa ang pumunta sa School. Mas okay ng may kasama ka." Inilagay ko ang mga kamay sa dalawang bulsa ng Pantalon ko at ngumiti kay Tanya. Nagulat ako ng biglang sumulpot si Redina sa likuran namin at hinawakan sa balikat si Tanya. "Tama siya Ten. Sumabay ka na sakanya para at least siguradong safe ka. Pagbalik mo nalang dito, tiyaka ka mag solo flight." Natuwa ako kasi parang feeling ko nagkaroon ako ng back up bigla sa pag kukumbinsi kay Tanya na sumabay nalang sa 'kin. At mismong Ate pa niya yung nag insist. Kaya mataas ang feeling ko na hindi na makaka tanggi si Tanya ngayon. "Um. Sige Ate. Sasabay na ako kay Renzo. Pero basta mamaya, kapag pauwi na ako, ako nalang mag isa ha? Itetext naman kita kapag malapit na ako." Kulang nalang eh tumalon na ako sa sobrang tuwa ng marinig na pumayag na si Tanya na sumabay sa 'kin. Yung feeling na parang katumbas na din nito yung matamis na matamis na oo sayo ng Girlfriend mo kapag nanliligaw ka. Wait. Bakit ba ayon yung binigay kong example? Baka mamis interpret ako bigla. Kasi To Be Honest, gulong gulo pa yung isipan ko ngayon. Kaya medyo matagal magprocess yung realidad sa 'kin right now. Who knows? Sooner or later, maliwanagan na ako sa kung ano ba talaga itong nararamdaman ko kay Tanya.

Himig ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon