Chapter 9 :: Surprise Visit

34 0 0
                                    

[Tanya]:

Monday. Papunta na ako sa Bahay ni Gon. Talagang sineryoso ko yung planong pupunta ako sa kanila para magpa tulong sa kanta. Desperado na kasi akong matapos ito para makapag relax man lang ako kahit papa ano bago bumalik sa Maynila. Nag lalakad na ako papunta sa Gate ng Bahay nila ng may nakita akong Babaeng nag lilinis sa harap ng Bahay ni Gon. Maganda yung Babae at mukhang disente kapag tinignan. Pero hindi mo mai kakaila na may ka tandaan na din siya. Lumakad ako papa lapit sa harap ng Bahay ng napansin ako noong Babae. Tinignan niya ako na para bang ine examine niya yung buong katawan ko. Simula sa talam pakan ko hanggan sa kadulo duluhan ng mga buhok ko. Nang matapos niya akong suriin, bumalik siya sa pagli linis. Nag tataka naman akong lumapit ulit sa kanya. Nang mag sasalita na sana ako, bigla siyang nag salita. "Sino ka? Anong kailangan mo?" Mataray na tanong niya sa 'kin. For a moment there, hindi ko alam kung anong isa sagot ko. Parang ng dahil sa katarayan niya, nilipad yung kaluluwa ko somewhere far from where I am right now. Ayaw ko namang maging bastos kaya pinilit kong sagutin yung tanong niya. "Magandang hapon po. Bibisitahin ko po sana si Gon." Napa tigil siya sa ginagawa niya ng marinig niya yung pangalan ni Gon. Dahan dahan niya akong tinignan ng puno ng pag tataka. "Paano mo nakilala si Gon? Alam kong hindi ka taga dito. Ngayon lang kita nakita." Sabi niya. Sino ba 'tong Babaeng 'to? Ito ba yung Nanay ni Gon? Kung siya man, tulog pala siya noong nagka usap kami ni Gon noong nakaraang araw. "Nakilala ko po siya sa Mall noong isang araw. Napulot po niya yung Keychain ko noong nalaglag ko po ito sa isang Shop. At opo. Taga Maynila po ako. Pero dito po naka tira yung Lola po namin. Kaya nandito po kami ng mga kapatid ko ngayon." Kalmado kong sagot. Nahalata kong nag taas siya ng isang kilay at nag tataka parin. "Anong kailangan mo sa anak ko?" Mataray nanaman niyang tanong. So siya nga yung Nanay ni Gon. Medyo weird lang kasi magka ibang magka iba sila ng anak niya in terms of attitude. "Naisipan ko po kasing humingi ng tulong sakanya sa ginagawa kong kanta. Baka po kasi matulungan niya po ako." Sagot ko sakanya. Natahimik siya for about 5seconds ng biglang binuksan yung Gate. "Tuloy ka." Maikli niyang yaya sa 'kin. Nginitian ko naman siya pabalik at dahan dahang nag lakad papasok ng Bahay nila.

     Medyo may kalakihan yung Bahay at sobrang ayos din ng mga gamit. Hindi ko masyadong napansin yung Nanay ni Gon na sinabihan ako na umupo muna ako sa Sofa nila dahil napa nganga ako sa ganda at ayos ng Bahay nila. Pero ka agad din akong bumalik sa realidad ng bigla akong tanungin ng Nanay ni Gon. "Anong gusto mong inumin? Tubig o Juice?" Nagulat ako ng bigla niyang itanong sa 'kin iyon. Pero sinagot ko nalang din ka 'gad. "Kahit tubig lang po." Naka ngiti kong sagot. Sinabihan niya ulit ako na ma upo sa Sofa and that time, sinunod ko na talaga siya. Pumunta siya sa Sala ng may dalang tubig. Nag pasalamat naman ako at uminom ng kaunti. Habang umiinom ako, napansin kong umupo siya sa upuan sa harapan ko at pinag masdan ulit ako. Hindi ko na napigilang ma bother na kaunti kaya naka ngiti ko siyang tinanong. "May problema po ba?" Narinig kong huminga siya ng malalim pagka tapos kong itanong sakanya iyon. "Wala lang. Sadyang napaka bilis lang talaga ng panahon. Parang kahapon lang, ako lang yung iniintindi ni Gon. Pero ngayon, nandiyan na siya sa totoong Mundo. Marami ng kaibigan. At mukhang may Girlfriend pa." Malungkot niyang sinabi sa 'kin. Napa tulala naman ako sa kanya ng marinig yung part na may Girlfriend na si Gon. Ewan ko pero bakit parang may tumusok sa puso ko ng marinig yung mga salitang 'yon? "M... May Girlfriend na po siya? Si... Sino po?" Na uutal kong tanong. Nag hihintay ako ng sagot. Pero tinignan lang niya ako. Yung tingin na parang may ibang meaning. Binalik ko lang din sakanya yung tingin kaya nagka tinginan lang kami. Nang napag tanto 'ata niya na walang patu tunguhan at hindi ko mai intindihan yung ibig niyang sabihin sa titig niya, nag salita nalang siya. "Mukha ka kasing Girlfriend ng anak ko. Pero bakit ko ba naiisip 'yon. Eh kaka kilala niyo lang sa isa't isa noong isang araw." Seryoso niyang wika. Ewan ko kung magu gulat ako or what sa sinabi niya. Ako? Girlfriend ni Gon? Agad agad? Ni hindi ko pa nga siya kilala ng lubusan tapos kami na agad? Binigyan ko nalang siya ng ngiti at hindi na nag react pa. "Ako pala si Emilia Salvador. Ang Nanay ni Gon." Pagpapa kilala niya sa 'kin. Naalala ko siya. Siya yung sinabi ni Lola Deiya habang nag lalakad kami pa uwi from Church kahapon. Ngumiti naman ako at nagpa kilala din. "Ako naman po si Tanya Eliza Navarro, Ten nalang po for short." Ngumiti siya sa 'kin. Magta tanong pa sana ng biglang may pumasok sa pintuan. Pagka lingon ko sa may pintuan ay naka tayo doon si Gon. Kaka uwi lang niya from School. Halatang nagulat siya ng makita akong nasa Bahay niya. Binigyan ko naman siya ng mabilis na ngiti and he returned it to me as well. Lumapit naman sa kanya si Tita Emilia at binigyan niya ito ng yakap at halik. Suddenly, I remembered kung bakit ako nandito on the first place. Paano ko sasabihin sakanya na siya yung na isipan kong makaka tulong sa 'kin sa pag gawa ng kanta? Sasabihin ko ba yung exact na pang yayari kagabi or what?

[Gon]:

Nagulat ako ng makita kong naka upo sa Sofa namin si Tanya. Wala akong naramdamang iba that time kung 'di saya without any clear reason. Para bang nawala yung pagod ko sa School ng nakita ko siya. Everything's getting really weird right now. Pero bakit nga ba siya nandito? May kailangan ba siya? Binigyan ko ng halik at yakap si Mama ng lumapit ito sa 'kin. "Kanina pa nandito si Tanya. Hinahanap ka." Paliwanag ni Mama. Napa tingin naman ako kay Tanya na naka ngiti sa 'kin na para bang may iniisip. Nginitian ko naman siya pabalik at nag tanong. "Hindi ka man lang nag sabi na pupunta ka ngayon para hindi naman kita pinag hintay ng matagal." Tumayo si Tanya sa kinaka upuan at dahan dahang lumapit sa 'kin. "Okay lang iyon. Ano ka ba." Maikling sagot niya. Patago naman akong tinapik ni Mama sa likuran ko at bumulong. "Hindi mo man lang sinabi sa 'kin na may pino pormahan ka na." Nata tawa niyang tanong na ikina gulat ko naman. Ako? Pino pormahan si Tanya? Agad agad? Eh hindi ko pa nga siya lubusang kilala eh. Hindi nalang ako sumagot sa sinabi ni Mama at binigyan ko nalang siya ng maliit na ngiti. "O siya, ma iwan ko muna kayo. Tatapusin ko lang muna yung pagli linis ko sa labas." Paalam niya. Tumungo naman ako habang papa labas siya ng pinto. Ibinalik ko ang tingin kay Tanya na naka tingin din sa 'kin. Magkaka titigan nanaman ba kami? Pero kung magkaka titigan nga ulit kami, I don't mind staring at her. "Doon tayo sa kuwarto ko." Yaya ko sakanya. Binigyan naman niya ako ng nagta takang tingin. Yung tingin na para bang gusto niyang alamin kung bakit na isipan kong sa kuwarto ko kami mag usap. Binigyan ko lang siya ng mabilis na ngiti at biglaang kinuha ang mga kamay niya at nag lakad kami pa akyat sa kuwarto ko. Ewan ko kung ano yung na isip ko ng gawin ko 'yon pero bago ko pa man bitawan yung mga kamay niya para mag sorry, naramdaman ko yung response niya na hina hayaan niya akong hawakan yung mga kamay niya. Kaya imbes na bitawan ko ang mga ito ay hinawakan ko parin ito hanggang maka rating kami sa kuwarto ko.

[Tanya]:

Gulat na gulat ako when Gon suddenly grabbed my hand para umakyat sa kuwarto niya. Mas naging weird pa kasi parang willing na willing ako na gawin niya iyon imbes na magpapa palag ako. Parang feeling ko lang na super comfortable ako sakanya. He is really something, I must say.

     But mas mabuti siguro kung huwag muna akong pangunahan ng mga kung ano ano. Kailangan kong itatak sa utak ko kung bakit ba ako nandito. Kung ano man yung mga naiisip ko or even yung mga nararamdaman ko, I can settle it later. Sana nga lang, matulungan niya ako. Kasi ayon yung ini insist ng utak at puso ko simula kagabi.

·T.B.C.·

***

Author's Notes:

Hi Guys! I'm back! Haha ^^ Long Weekend ko ngayon kasi may Fiesta sa area ng School ko. Kaya makakapag focus ako dito. Yehey! Haha ^^

Sorry kung medyo matagal tagal akong nawala. Pero never nawala sa isip ko 'tong librong 'to. Good thing na may long weekend. At least, magiging smooth yung flow ng Story na 'to through the Weekend.

Anyways. Pina nindigan talaga ni Tanya na bibisitahin niya si Gon para sa kanta na matagal ng hindi matapos tapos. Ano kayang kahihi natnan ng plano ng ating Little Princess? May mabubuo kayang kanta o baka naman may mas mabuo pang pagma mahalan sa pagitan nilang dalawa ni Gon? Haha ^^

BTW, Happy 200 Reads sa ating lahat! I Loooooooooooooove You All very mats! Haha ^^ See you sa next update ^^

ask.fm: EliteFour_Gian

twitter: EliteFour_Gian

instagram: EliteFour_Gian

Lovelots! ^^



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Himig ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon