Chapter 4 :: Flight Talk

32 0 0
                                    

[Tanya]:

Mag tatanghali na ng nakauwi ako sa Bahay namin. Nagmamadali din kaming umalis kasi 3PM na yung Flight namin papuntang Davao. Kaya pagka uwing pagka uwi ko ay kinuha ko na lahat ng gamit ko at umalis na din kami ka 'gad papuntang Airport. Madali naman kaming nakapunta kasi hindi naman Super Traffic. Kaya isang oras bago yung Flight namin, nakapag check in na kami. Naglibot libot muna ako sa mga Shops sa loob habang sila Ate naman ay hinihintay yung Boarding Time. Bumili lang ako ng makakain kasi wala pa akong Breakfast pati Lunch. Tapos napag isip isipan ko din na mag ikot ikot due to the hope na baka makakuha ako ng kahit maliit na inspiration para sa kanta sa mga Shops dito. Alam ko na napaka weird ng naisip ko. Pero kung ikaw yung nasa sitwasyon ko, ayon at ayon lang talaga yung tatakbo sa isip mo ngayon. Napatigil ako sa isang Shop na kung saan puro mga Teddy Bears yung binibenta nila. May mga Pins din na may mga Quotes na nakalagay. Kaya pumasok ako doon at naghanap hanap.

Ewan ko ba naman din kasi sa sarili ko. Everytime na naiisip ko yung Fact na wala akong kaalam alam sa Love na 'yan makes me wonder kung ako lang ba yung nilalang sa Mundong ito na ganito yung Experience pagdating sa ganitong bagay. Kasi, lahat ng mga Friends ko, may mga Boyfriend at Girlfriend na. Ang naaalala ko lang na kaibigan kong walang syota is si Renzo. The rest, may lovelife na. Napabuntong hininga ako ng naiisip ko ito habang nasa loob ng Shop. Pero imbes na lunurin ko pa lalo yung sarili ko sa thought na ito, I'll just make this time productive.

May mga nakita akong Pins na may nakasulat na "I Love You" at "Only For You". May mga Teddy Bear din namang may mga Hearts sa tiyan nila. Muntik na akong mapaniwala that time na totoo nga ang Care Bears. Pero nagpatuloy ako sa paghahanap. Malapit na akong matapos sa pagtingin tingin sa Shop ng bigla kong nakita yung isang maliit na Keychain na color Red malapit doon sa Stand sa may pinto. Tinignan ko kung anong nakasulat doon at baka magamit ko bilang inspiration. O baka bilhin ko nalang para hindi naman ako magmukhang tanga that time sa Shop na halos 30minutes na akong paikot ikot doon pero wala namang binili. Nang nabasa ko yung nakalagay sa Keychain ay napataas ang dalawa kong kilay at napuno ng kung anong pakiramdam yung puso ko. Nakalagay kasi doon is "Follow Your Heart." Ewan ko kung bakit ako napatulala doon for about 3minutes. Basta ang alam ko is pinipilit kong intindihin yung meaning ng Keychain na iyon. Wait lang ha? Hindi ako tanga. Naiintindihan ko naman kung ano yung word na Follow at Heart. Parang bago lang kasi para sa akin yung aura ng katagang 'yan. After awhile, I decided na bumalik na kila Ate kasi baka mahuli na ako sa Boarding Time. Pero before that, binili ko muna yung Keychain. Medyo tumagos kasi talaga sa thoughts ko yung nabasa ko. Kaya naisip ko na baka makatulong ito sa paggawa ko ng kanta pagdating sa Davao. After that, nagmamadali na akong pumunta kila Ate.

Nasa loob na kami ng Eroplano. Yung iba, pumapasok palang kaya naghihintay parin kami para tuluyan ng makalipad sa ere. Medyo nabobored ako that time kaya naisipan kong mag Sound Trip. Noong susuotin ko na yung Headphones ko eh nagulat ako ng bigla akong pinigilan ni Ate Ben. Siya kasi yung katabi ko that time kasi gusto ni Ate Red na nasa harapan siya. Kaya kami yung nasa likuran. "Puwede ba kitang makausap muna. Saglit lang naman." Sabi sa 'kin ni Ate Ben. Napatingin naman ako sakanya na nagtataka kung ano ba yung paguusapan namin. "Sige Ate. Ano ba 'yon?" Naka ngiti kong tinanong sakanya. "Ten, alam mo namang ikaw yung Bunso sa Family natin. Diba nga, ikaw yung Little Princess namin nila Mommy at Daddy? Until ngayon parin actually." Natatawa niyang sinabi sa 'kin. Medyo napasimangot ako that time kasi dati ko pa sinasabi na huwag na nila akong tatawaging Little Princess kasi for the record, 17 Years Old na ako. Hindi na ako Little at hindi na ako Princess. Nang nakita ni Ate yung mukha kong nakasimangot, nginitian niya ako. "Basta. Whatever happens, ikaw parin ang Little Princess namin." Napa ngiwi nalang ako at tinuloy ang pakikinig sa sasabihin niya. "And since ikaw yung munti naming Prinsesa, super mahalaga sa 'min yung nagiging takbo ng buhay mo sa labas. We know din ng Ate Red mo na hindi ka namin masyado nakakamusta, most especially yung sa School mo ever since na nagka trabaho kami. And we're totally sorry for that." Malungkot niyang sinabi sa 'kin. Ngumiti naman ako kay Ate Ben at tinulak siya ng mahina. "Ate naman! Ang drama mo ngayon. Okay lang naman sa 'kin na gano'n yung nangyayari. I understand naman na busy rin kayo sa mga buhay ninyo. Kuntento na ako kapag lagi ko kayong nakikita at nakakasama sa bahay."

Ngumiti sa 'kin pabalik si Ate Ben. "And since hindi ka na nga namin nakakamusta, how's School? Kamusta yung grades mo? Yung banda niyo, buhay pa ba?" Nang aasar niyang tinanong. Tinaasan ko naman siya ng kilay at natawa din. "Okay naman Ate. Medyo nakakapagod pero kilala mo naman ako, hangga't kaya, go lang ng go. Okay lang din naman yung Grades ko. Nasa Top 10 parin ako ng Class namin. And doon naman sa banda, buhay parin naman. Naghahanda lang para sa Regional Competition at International Competition. Nagtatakang tinignan ako ni Ate Ben sa sinabi ko. "Huh? Eh hindi pa nga kayo nakakapasok sa Regional, naghahanda na kayo para sa International." See? Sabi ko na eh! Medyo may sablay talaga si Mrs. Cath. Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Napatawa din siya pero nagpahabol din ka 'gad ng tanong. "Eh kamusta naman ang lovelife ni Little Princess Tanya namin? May nanliligaw na ba na hindi mo sinasabi sa 'min ni Ate Red mo?" Natulala ako sa tinanong ni Ate Ben na nadagdagan pa ng pagka gulat kasi biglang sumampa sa upuan si Ate Red para makisama sa usapan. "Oo nga Ten, meroon na ba? Ipakilala mo naman sa 'min!" Tuwang tuwa na sinabi ni Ate Red. Binigyan ko sila ng nagtatakang tingin at tsaka sinagot. "Wait lang. Wala pa akong Boyfriend. Wala pa din sa plano kong magkaroon ng isa. Masyado pa akong naka focus sa Studies ko ngayon kaya baka matagalan pa bago ako magkaroon ng isa." Bigla akong inakbayan ni Ate Ben. "At least maganda kahit papaano kasi priority mo talaga ang Studies mo. Pero remember din na hindi naman kami mahigpit pagdating sa pagkakaroon mo ng Boyfriend. Ang sa 'min lang ay piliin mo yung hindi ka iiwan, yung hindi ka papaiyakin at hindi ka lolokohin." Nakangiting sinabi ni Ate Ben. "Korek! Kaya don't be afraid to open your heart to anyone. Kasi paano mo mahahanap si The One mo kung hindi mo bubuksan ang puso mo at hindi mo tututunang magmahal. Diba?" Sabi naman ni Ate Red. Okay, medyo matagal nanamang mag process sa isip ko yung mga sinasabi nila. Pero pinipilit ko nalang intindihin para hindi naman sila mainis na sa dinami dami ng sinabi nila eh wala akong naipasok sa isipan ko. Pareho ko silang binigyan ng malaking ngiti and at the same time, nag announce na rin yung Pilot na ready to take off na kami.

Sinuot ko na yung Headphones ko at nagsimulang magpatugtog. Habang tumataas ng lipad yung eroplano eh sabay namang lumilipad yung thoughts ko. Buksan yung puso ko? Matutong magmahal? The One? Paano ko bubuksan yung puso ko kung hindi ako marunong magmahal? Paano ko matututunang magmahal kung hindi ko pa binubuksan yung puso ko? Sino si The One? Sino yung tutulong sa 'kin para matutunan kong magmahal at buksan ang puso ko? Kailan ko siya makikita? Nakita ko na kaya siya? Nasa paligid ko lang ba siya? O baka nasa banda lang namin. Too many questions at once. Kahit gusto ko mang sagutin ang lahat ng ito right now, hindi ko magawa. Pero feeling ko, soon enough, masasagot ko din itong lahat. For now, Flight Mode muna ako.

·T.B.C.·

***

Author's Notes:

Hi Guys! Naging masin sinan ang usapan ng magkakapatid sa Airplane! Sa sobrang lalim, medyo naiwan sa ere yung thoughts ni Tanya. Haha!

Though, mukhang unti unti ng nage gets ni Tanya ang "Love" ng dahil sa keychain na binili niya. Good Job nanaman for our Main Character! ^^

They're flying to Davao na! Ano kaya sa palagay ninyo ang magiging takbo ng life niya habang nandoon siya?

Let's find out together sa mga susunod na Chapters!

ask.fm: EliteFour_Gian
twitter: EliteFour_Gian
instagram: EliteFour_Gian

Lovelots! ^^

Himig ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon