Chapter 8 :: Love Songs

70 0 0
                                    

[Tanya]:

Tuloy tuloy yung tulog ko kagabi. Para bang gumaan ng sobra sobra yung loob ko ng nagka usap kami ni Gon. I still can't believe na kapit bahay lang siya nila Lola Deiya. Maaga kaming gumising ngayon kasi Sunday. Kailangan naming mag simba. Habang nag lalakad kami pa uwi, sinubukan kong tanungin kay Lola Deiya kung kilala ba niya si Gon. "Lola Deiya, kilala niyo po ba yung kapit bahay ninyong si Gon?" Nag tatakang tanong ko sakanya. Napa tingin naman siya sa 'kin na para bang ina alala kung sino yung tinanong ko sakanya. Napa taas yung dalawang kilay niya ng ma alala niya kung sino 'yon. "Ahh. Ang pamilya Salvador. Silang dalawa ng nanay niyang si Emilia ang naka tira doon. Si Gon naman eh yung laging nakaka laro ni Rick pati ni Rod. Ang alam ko, parehas sila ng pinapa sukang School." Binigyan ko naman ng "Ahh. Gets ko po" na tingin si Lola Deiya. So kilala pala nila Rick si Gon. Logic din naman. Siyempre mag kapit bahay sila. Paanong hindi nila makiki lala ang isa't isa? Tapos magka Schoolmates pa. Medyo tanga lang siguro ako today.

Magta tanghali na ng naka balik kami sa Bahay. Doon na din kami nag tanghalian kahit pinilit ko sila Ate na sa Fast Food naman kumain. Tumanggi sila kasi nag luto si Lola ng Specialty na Mechado niya. Habang kuma kain kami, napag isipan kong yayain si Lola na tulungan ako sa ginagawa kong kanta. Feeling ko kasi na marami siyang alam pag dating sa pag-ibig. Sila pa ni Lolo! Eh ang sweet sweet niyang dalawang 'yan dati. Kaya hindi ako nag dalawang isip na tanungin siya. Napa tigil naman sa pag kain si Lola na para bang hindi alam kung papayag ba siya o hindi. Nagulat ako ng biglang nag salita si Ate Red. "Lola Deiya, subukan niyo nga pong tulungan 'yan si Ten. Medyo nahihirapan kasing gumawa ng Love Song para doon sa Band Competition nila. Tutal naman, sigurado akong marami kang hugot na itina tago." Dagdag na pilit ni Ate Red. Nang makapag isip isip ay pumayag na din si Lola na tulungan ako. Sa sobrang tuwa ko, napa tayo ako at niyakap siya. After that, bumalik kami sa pag kain.

Almost 3PM na ng hapon ng pumunta si Lola sa kuwarto ko para tulungan ako sa kanta. May binili pa daw kasi siya sa talipapa kaya medyo natagalan. Umupo siya sa kama ko at nag simula din kami ka 'gad. "Ano bang klaseng Love Song iyan Apo? Marami kasing uri ng Love Song eh." Okay. Mind blocked ka 'gad ako doon. Ngayon ko lang narinig yung iba't ibang uri ng Love Songs. "Ano po yung mga 'yon Lola?" Nag tataka kong itinanong sakanya. "May pitong uri ng Love Songs. Iba iba sa anyo, iba iba sa mensaheng gustong ipakita. Una ay yung Lonely Love Song. Ito yung para bang nag hahanap pa lamang ng pag mamahal. Ikalawa ay ang Love Song na ginawa para ipabatid ang totoong nararamdaman mo sa isang tao. Expectation Love Song naman yung Ikatlo. Ito yung mga kantang puro mga salitang nagpapa hiwatig ng mga gusto niyang mang yari sa Relasyon nila ng mahal niya. Pang apat ay ang Honeymoon. Alam mo na kung para saan 'yon. Pang lima ang Honeymoon is Over. Medyo magka pareho lang sila ng Honeymoon pero naka pokus na ito sa totoong buhay nila pagka tapos ikasal. Pang anim ay ang Pag sisisi at pag kawala. Puno naman ng hinagpis at pag sisisi ang kantang ito. Marahil kasi nawala ang mahal niya o hindi kaya nakipag hiwalay sakanya. Ang huli ay ang Love Song na binabalikan ang nakaraan. Puwedeng naka move on na o gusto lang balikan ang mga matatamis na sandali nila ng mahal niya." Mahabang paliwanag ni Lola. Naka tulala lang ako sakanya ng matapos niyang iexplain lahat. Paano ko bibigyan ng Category yung kantang pinapa gawa sa 'kin? Bakit parang mas gumulo pa yata lahat?

"Apo? Apo? Apo, nandiyan ka pa ba?" Nag tatakang tanong ni Lola kasi naka tulala lang talaga ako sakanya. Pumikit pikit ako para maka balik sa Senses ko. "Um. Opo Lola. Sorry po." Para bang nahihilo kong sagot sakanya. Napa ngiwi naman siya ng nag tanong. "Eh anong uri ba ng Love Song yung hinahanap mo Apo?" Muli niyang tinanong sa 'kin. Medyo nag isip isip ako for awhile pero hindi ko talaga mahanap kung saan ba mas fit yung kanta na gagawin ko. "Um. Lola Deiya, parang ganito po siya eh. Ang gusto po kasing mangyari ng School Activity Head po namin eh yung Love Song na nakaka kilig." Sagot ko sakanya. Natahimik si Lola at napa isip bigla. Huminga siya ng malalim bago nag salita. "Parang wala naman sa Pitong Uri ng Love Songs na sinabi ko yung gusto mong gawin. Hindi kaya Honeymoon Love Song 'yon?" Nag tataka niyang tanong. Napa taas naman yung kaliwang kilay ko. Honeymoon Love Song? Seryoso ba 'to? Bakit parang hindi bagay pakinggan? "Eh Lola Deiya, parang ang sagwa naman po kung doon po iba base yung kanta. Parang may mali lang po talaga. Napa ngiti si Lola sa 'kin at hinawakan ako sa braso. "Apo, kung sa tingin mo ay mali o hindi naba bagay sa mga ibinigay kong uri ng Love Songs yung kantang gagawin mo, isa lang ang ibig sabihin niyan." Sabi niya. Nag tataka naman ako sa ibig niyang sabihin pero nakinig nalang ako. "Ang ibig sabihin niyan eh ikaw ang dapat gumawa ng sarili mong kategorya para sa kantang iyon. Tanging ikaw lang ang nakaka intindi sa gusto mong mangyari at ikaw lang din ang makakapag bigay ng buhay diyan. Tiyaka yung mga Uri ng Love Songs na sinabi ko? Nabasa ko lang 'yan sa isang libro. At si Lolo mo naman ang nag paliwanag sa 'kin kung ano ang ibig sabihin ng mga ito." Explanation ni Lola Deiya na para bang gustong mag throwback sa nakaraan.

Kanina pa umalis si Lola para mag luto ng hapunan namin. Nandito ako sa kuwarto ko. Iniisip yung mga sinabi ni Lola. Totoo bang ako lang talaga yung makakapag bigay ng Category sa kantang gagawin ko? I can't believe na walang ibang Composer na na experience na yung ganitong moment. Kasi kung meroon man, then dapat meroon ding naba bagay na kind ng Love Song sa kanta na gagawin ko. At kung ako man yung gagawa ng sarili kong kind ng Love Song, paano ko ito gagawin? Do I need to experience it myself para lang maka gawa ako ng sarili ko? Pero how? Hindi ko naman puwedeng pilitin ang puso kong ma in love. Ugh! Bakit ba kasi ang hirap hirap para sa 'king gumawa ng mga ganitong kanta? Bakit ba hindi ko pa na experience, ever yung mga bagay na dapat dati ko pang naramdaman? Sinong mag paparamdam sa 'kin ng mga 'yon?

Muntik na dapat ako sumigaw ng para bang may biglang bumulong sa puso ko. Sinubukan kong tumahimik para marinig 'to pero tanging yung Heartbeat ko lang yung naririnig ko. Yung Heartbeat ko na para bang may kaka ibang tunog. Yung para bang may gustong ipa hiwatig sa 'kin. That's when biglang may nag flashback sa brain ko. Pa ulit ulit na nag play sa isip ko yung moment na nag kita kami ni Gon. Then sumunod na nag flashback yung moment na nag usap kaming dalawa sa harap ng Bahay namin. Para bang may sina sabi sa 'kin ang puso't isipan ko na hindi ko ma gets. Does this mean na na kay Gon ang sagot? Matutulungan ba niya ako sa pag gawa ko ng kanta?

There's only one way to find out. Pupuntahan ko nalang siya bukas. Baka sakaling matulungan niya ako.

·T.B.C.·

***

Author's Notes:

Hello Guys! Kamusta? Medyo natagalan bago ko na update yung Book. I hope naka habol kayo sa Story kahit papa ano habang wala ako ^^

Kamusta pala ang "GonYa" para sa inyo? Magiging sila kaya or what? Kahit ako, napapa isip sa ngayon. Let's just wait and see ^^

Thanks for the continuous support!

See you on the next update! ^^

ask.fm: EliteFour_Gian
twitter: EliteFour_Gian
instagram: EliteFour_Gian

Lovelots! ^^

Himig ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon