[Tanya]:
After 2 and a half hours na biyahe pauwi ng Davao, nakarating din kami. Hindi ko rin namalayan na nakatulog pala ako during the Flight. At least kahit papaano, may 2hours akong tulog. Masaya na ako doon. Mamaya nalang ako babawi ng bonggang bongga kapag nasa Bahay na kami. Ginising ako ni Ate Ben at tiyaka namin kinuha lahat ng gamit namin na nasa itaas na Compartment ng Eroplano. After that, bumaba na din kami ng Eroplano. Hinintay din namin yung iba naming gamit sa Conveyor Belt. Hindi ko maiwasang mag hikab kasi medyo inaantok pa ako. Pero tiniis ko nalang kasi pare pareho kaming excited na lumabas ng Airport. After naming makuha lahat ng gamit namin, dire diretso na kaming lumabas ng Airport. Yung exact moment na nakalabas kami, nagtinginan kaming tatlo nila Ate tapos nag ngitian sa isa't isa. Hindi ko aakalain na pareho pala kami ng iniisip na gawin that time kaya nagsabay sabay kaming sumigaw tapos nagtatatalon. "Davao, we're here!" Sigaw naming tatlo. Natawa kami kasi Synchronized talaga yung pagkaka sigaw at pagkaka talon namin. After that, kumuha na kami ng Taxi para maka uwi na sa Bahay ng mga Pinsan namin.
Medyo natagalan kami along the way kasi ang bigat ng Traffic. Pero soon enough, huminto na kami sa isang bahay. Kaya nagsi babaan na kaming lahat. Kinuha ko ka 'gad yung maleta ko habang inutusan din ako ni Ate Red na buhatin yung bag niya. Medyo nainis ako kasi ang bigat ng bag niya. Ewan ko ba kung puro bato yung nasa loob. Pero hindi na ako nagreklamo at binuhat nalang. Habang kinukuha ko yung bag ni Ate sa Compartment ng Taxi ay may narinig akong sumigaw. "Daisy, nandiyan na sila Redina!" Nang matapos kong hilain yung maleta ko sa may Gate noong bahay ay hinanap ko kung sino yung sumigaw. Nagulat ako ng biglang may tumakbo papalapit sa 'kin na para bang gustong gusto akong yakapin. Nataranta ako kasi baka mamaya, tumumba ako sa sahig. Pero bago pa man ako makapag react, niyakap na niya ako. Mahigpit yung pagkaka yakap niya sa 'kin kaya hindi ako nakahinga that time. "Ten! Kamusta ka na? Na miss kita to the highest level!" Excited niyang sinabi sa 'kin. Ang naisipan ko munang gawin that time is huminga. Hindi ko pa nga tapos yung kanta na pinapagawa sa 'kin ni Mrs. Cath, mamamatay na ako ng dahil sa mahigpit na yakap. Kaya tinapik tapik ko yung likod niya. "Saglit lang. Easy muna. Hindi na ako makahinga dito." Nahihirapan kong sinabi sakanya. Nagulat siya kaya inalis niya yung yakap niya sa 'kin. Napakamot siya sa ulo at napatawa. Napatingin ako sa tumabi sakanyang matandang babae na hinawakan yung balikat niya. "Pagpa sensyahan mo na itong si Rick. Eh noong nalaman kasi niya kahapon na uuwi kayong magka kapatid eh na excite masyado na makita ka. Hindi na nga 'ata nakatulog eh." Nakangiting sinabi ni Lola Deiya.
Introduction Time muna para hindi naman kayo nagtataka kung ka ano ano ko sila. Well, itong bahay namin sa Davao is tinitirhan ng Lola Deiya at Lolo Khristoff ko. Kasama din nila yung tatlo naming pinsan dito na sila Rick, Daisy at Rod. Yung kaninang sumugod sa 'kin na akala mo eh toro is si Rick. Siya yung pinaka pinaka close kong pinsan. Simula pagka bata kasi, siya yung laging nandiyan kapag umiiyak ako o kapag kailangan ko ng kalaro. Minsan, tinatawag ni Lolo Khristoff si Rick na "Male Version" ko. Mahilig din kasi siya sa Music at sa iba pang bagay na mahilig ako. Halos limang taon na din ng huli kaming dumalaw dito. Sa sobrang tagal eh hindi na namin nakita pa ulit si Lolo. Last year kasi, pumanaw siya ng dahil sa Cancer. Eh hindi naman kami ka 'gad naka uwi dito kasi wala pa kaming pambili ng ticket that time. Kaya sila Lola Deiya at ang mga pinsan ko nalang yung nandito.
"Okay lang po Lola Deiya. Na miss ko rin naman po kayo lahat dito." Nakangiti kong sinabi sakanya tiyaka nag mano. Niyaya na ako nila Rick na pumasok sa loob ng bahay. Pagka pasok namin ng bahay, isa isa kaming binati nila Daisy at Rod. Nagulat ako ng bigla akong pisilin sa pisngi ni Daisy. Pero mas nagulat pa ako sa tinanong niya sa 'kin. "Tanya, kamusta na? Dalagang dalaga ka na ha. May boyfriend ka na no'?" Nang aasar niyang sinabi sa 'kin. Natulala naman ako sa sinabi niya at hindi alam ang isasagot. Bakit ba masyadong mahala sakanilang lahat bigla yung lovelife ko? Ngumiti nalang ako pabalik sakanya at sumagot. "Okay lang naman ako. And wala pa akong Boyfriend." Ginulo niya ang buhok ko at nang asar nanaman. "Okay lang 'yan. Siguro, 50 na ligo pa, mag kakaroon ka din." I faked a smile nalang kasi hindi naman ako interesadong pag usapan iyon ngayon. Naaalala ko lang lalo yung about sa kanta. Tinignan lang naman ako at nginitian ni Rod. Hindi kasi kami ganoon super close sa isa't isa. Silang dalawa ni Ate Red ang napaka close. After ng kamustahan, pina upo na kami ni Lola Deiya sa lamesa para mag hapunan. Pasado 6PM na kasi kami nakarating.
Pagkatapos naming mag dinner ay nag ayos na kami ng gamit sa mga kuwarto namin tapos natulog na din. Pakiramdam ko, tulog na silang lahat. Ako nalang 'ata yung gising. Kanina pa kasi ako hirap na makatulog. Naka tulala lang ako sa kisame namin. Ang alam ko lang is medyo malalim yung iniisip ko. Habang lumilipad yung utak ko, nagulat ako ng biglang mag ring yung phone ko. Nang tinignan ko ito, nagulat ako na tumatawag si Renzo ng ganitong oras. Halos 1AM na pero gising parin siya. Wala akong nagawa kung 'di sagutin 'yon. "Renzo, napatawag ka. Madaling araw na ha? Gising ka parin." Nagtataka kong tanong sakanya. "Um. Wala lang... Wala lang Tanya. Gusto ko lang... Um. Kamustahin yung Flight mo. Nandiyan ka na ba sa bahay ninyo?" Na uutal na tanong niya sa 'kin. "Okay naman yung Flight namin. Nakarating naman kami ng ligtas. Nandito na rin kami kila Lola. Salamat sa panganga musta." Nagtataka kong sagot. Never ko kasing inexpect na kakamustahin ako ni Renzo ng ganito. Hindi pa din nagsi sink in masyado sa utak ko na niyakap niya ako sa School kahapon. Mas na weirded out pa ako ngayon. "I see. Sige, matutulog na ako. Ingat ka diyan. Enjoy din. Good... Good Night. Este Good Morning pala." Natatawang sinabi sa 'kin ni Renzo. Napangiti naman ako at nag Good Night na din. Pinutol na din niya yung Call. As soon as naputol yung Call, bumalik nanaman ako sa pag iisip. Ano kayang gagawin ko bukas? Sabado naman eh. Puwede naman siguro akong gumala. Pero bahala na. Kanina ko pa gustong pakasalan itong higaan na 'to. At last, inatake na din ako ng antok. Kaya ipinikit ko na yung mga mata ko. What will happen kaya sa 7days kong pananatili dito? Sana kahit papaano, maganda ganda naman.
[Renzo]:
I can't believe that I just did that. Probably ngayon, sobrang nagtataka si Tanya kung bakit ko siya kinamusta. Kanina pa kasi ako hindi makatulog at mapakali dito sa higaan ko. Kanina ko pa din siya hindi maalis sa isip ko. Kaya siguro naisipan ko siyang tawagan bigla. Gulong gulo na ako sa mga nararamdaman ko ngayon. Bakit ba kasi hindi ko siya maalis sa isip ko? Bakit ba gustong gusto kong kausap at tawagan siya lagi? Nahuhulog na ba ang puso ko sakanya? Parang ang bilis naman 'ata. Parang kahapon lang, nag aaway lang kami ng nag aaway. Ako pa nga yung laging sumisigaw sakanya eh. Tapos ngayon, ganito na yung nang yayari. Sana talaga pag balik niya, malinaw na sa 'kin ang lahat. Kasi ngayon, gulong gulo pa ako. Kanina sa klase, halos hindi ako nakasagot sa Recitation. Puro lang ako sulat ng sulat ng pangalan niya sa likuran ng notebook ko. Kung totoo mang nagkaka gusto na ako sakanya, sana tanggapin niya 'to kapag kaya ko ng aminin sakanya.
Sana mahalin din niya ako pabalik. Pero hindi pa naman ako sigurado sa nararamdaman ko diba? Kaya ayaw ko munang mag jump in to conclusions. I just need more time. Ayon lang yung kailangan ko sa ngayon.
·T.B.C.·
***
Author's Notes:
Nasa Davao na si Tanya guys! And naging mainit ang pag tanggap sakanya pati narin sa mga kapatid niya ng mga pinsan nila at ni Lola Deiya.
Mukhang magiging mahaba haba ang Vacation niya dito. Ang tanong, magiging masaya ba o stressful din ito katulad noong nasa Manila sila?
Thanks din pala guys sa Support! Kayo yung reason kung bakit ganadong ganado parin akong gawin at tapusin itong book na 'to! ^^
ask.fm: EliteFour_Gian
twitter: EliteFour_Gian
instagram: EliteFour_GianLovelots! ^^
BINABASA MO ANG
Himig ng Pag-ibig
RomanceTanya Eliza Navarro, isang School Band Vocalist ay naatasang gumawa ng isang kanta na ipanglalaban ng kanilang Paaralan sa International Band Face - Off. Matagal ng pinapangarap ni Tanya na makarating sa Contest na ito ngunit sa hindi inaasahang pan...