Chapter 2 :: Unexpected Vacation

46 1 3
                                    

[Tanya]:

Maghahating gabi na. And I'm still stuck here in front of my Table. Ewan ko ba kung kahit isang salita man lang ay may maisusulat ako. May pasok pa ako bukas pero gising na gising parin ako ngayon. Ewan ko din kung gusto ko bang matulog. Kasi feeling ko, wala lang din namang mangyayari sa 'kin. Super ikli nalang ng tulog ko. All in all, tulala parin ako.

"Paano kaya kung ganito. Love of... Hindi parin eh. Ito nalang kay..." Naputol yung napakalalim kong pagiisip. Yung sa sobrang lalim, talo ko pa yung mga Tibetan Monks sa Tibet sa pagme meditate. May kumakatok kasi sa pinto ng kuwarto ko. Nagulat ako kasi ang alam ko tulog na sila Ate. Pero since may kumakatok sa pinto ko, malamang isa sakanila is gising pa. I mean, ano pa bang explanation ang puwede? Wala namang multo dito sa bahay. Pero dahil gustong gusto ko talagang matapos yung kanta, bumalik ako sa pagiisip. Pero tuloy tuloy talaga yung pagkatok. Kaya nainis ako sabay napasigaw.

"Ano ba 'yon!?!? Sabi ko 'wag muna akong iistorbohin eh! Bukas nalang!" Naiirita kong sigaw. Laking gulat ko na may sumigaw din. "Lakas maka 'wag istorbohin! Ate Red at Ate Ben mo 'to! Buksan mo muna 'to. May kailangan akong sabihin sa 'yo!" Iritang irita akong tumayo papalapit sa pinto para buksan si Ate. Pero bago pa mapadpad sa kung saan man, ipapakilala ko muna sila Ate. Well, yung sumigaw sa 'kin pabalik na akala mo alas tres palang ng hapon is si Ate Redina, Red for short. Siya yung panganay sa aming tatlo. May pagka weirdo siya To Be Honest. Kasi one time, sabi niya na ayaw niya yung mga pormahang may Rubber Shoes. Pero after awhile, hindi siya gumagala ng walang suot na Rubber Shoes. Weird diba? Then yung pangalawang panganay naman ay si Ate Benilde, Ben for short. Siya naman yung masasabi kong "Crime in Tandem" ko. Lagi ko kasi siyang kasama sa mga galaan kaya most of the time, sabay din kaming napapagalitan ni Ate Red. At yes, sila lang yung kasama ko dito sa Bahay namin. Sila Mommy at Daddy kasi, nasa ibang bansa. Kaya kami lang ang magkakaramay dito. But enough of Introductions. Ito na yung nangyari the moment na binuksan ko yung pinto.

"OMG Ten! OMG! OMG!" Natatarantang sigaw ni Ate Red habang nakahawak sa dalawa kong braso. "Ate, kalma muna. Kalma lang. Ano ba 'yon?" Gulat kong reply sakanya. "Eh kasi naman binilhan tayo ng Ticket nila Mommy at Daddy papunta sa Davao para bisitahin yung mga kamag anak natin doon bukas". Nakangiting sagot ni Ate Ben. For a second, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kasi unang una, matagal na din naming hindi nabibisita yung mga pinsan namin sa Davao. Pangalawa, gustong gusto din namin nila Ate magpapak ng mga Durian sa Bahay namin doon. Pero biglang nawala itong mga 'to sa isip ko ng biglang sumagi sa kaluluwa ko na una, may pasok pa ako bukas, pangalawa is kulang nalang ay amagin na yung papel ko sa Table na dapat doon ko isusulat yung kantang dapat kanina ko pa natapos at ang huli, bukas pa pinapapasa ni Mrs. Cath yung kanta. Kaya ng bumalik na ako sa senses ko, napasigaw nalang din ako bigla.

"Ate! OMG, nakaka excite. Saglit. Hindi puwede. Pero yung Durian. Saglit, yung kanta!" Nagtatatalon kong sinabi sakanila. Tinignan lang nila ako doon na para bang nakakita sila ng Kangaroo na nagsasalita. Tumigil ako sa pagpapanic at tumingin sakanila. "Saglit lang Ate. Eh, gustong gusto ko talagang bumalik ng Davao bukas. Pero kasi, may pasok pa ako diba? Tapos yung pinapatapos pa na kanta ni Mrs. Cath para sa Competition. Baka hindi ako makas..." Nagulat ako na biglang tinakpan ni Ate Red ang bibig ko sabay ngumiti. "Nagpaalam na kaming dalawa ng Ate Ben mo sa Adviser at Principal ng School mo na hindi ka makakapasok the whole week.. And pumayag naman sila. Nagsabi pa nga ng enjoy eh." Nagulat ako sa narinig ko. Muntik na akong sumigaw sa tuwa kasi akala ko may kawala na din ako kay Mrs. Cath ng biglang binungadan ako ni Ate Ben. "Pero yung kay Mrs. Cath na 'yan, hindi pa namin nasasabi at wala kaming balak sabihin kasi hindi naman namin sakop 'yan."

"Wait. Saglit nga lang. So may tsansa parin na hindi ako makasama sa inyo. Kasi hindi pa ako nakakapag paalam kay Mrs. Cath." Malungkot kong sinabi na para bang namatay yung Happiness sa buong katawan ko. Bigla akong hinawakan ni Ate Red sa dalawang balikat. "That's why you'll go muna sa School mo tomorrow morning para magpaalam sakanya. Kasi hapon pa naman yung Flight natin papunta sa Davao. Kaya gamitin mo yung buong umaga sa pag mamakaawa sakanya. Pero sa ngayon, mag impake ka muna ng mga gamit." Natulala ako sa sinabi ni Ate. Ako pa pala yung gagawa ng palusot para lang makasama at makauwi ako sa Probinsya namin na kasama sila. Napa oo nalang ako sabay sarado ng pinto.

Dumami nanaman yung iniintindi ko. Akala ko naman mababawasan kahit papaano. Paano ako magpapalusot kay Mrs. Cath bukas para lang payagan niya ako? Itutuloy ko ba yung paggawa ko ng kanta o mag-iimpake na ako. Ugh. Hindi ko na alam yung uunahin ko.

·T.B.C.·

***

Author's Notes:

Hi Guys!

Second Chapter na tayo! Sabi ko sa inyo na right around the corner lang ito eh. Haha!

In this Chapter, marami tayong nakilala na bagong tao sa life ni Tanya. Nalaman pa natin kung saan ang Province nila! Full Package ba? Haha!

The Story keeps on going as mas marami pa kayong malalaman about sa magiging takbo ng buhay ni Tanya sa Chapter 3 ^^

ask.fm: EliteFour_Gian
twitter: EliteFour_Gian
instagram: EliteFour_Gian

Lovelots ^^

Himig ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon