Analogy #3

244 24 11
                                    

Analogy Number 3. 

I composed my self, "Please, tigilan mo na to. Walang dapat i-let go, kasi in the first place walang na-let go. May gagawin pa ako, and I have to go home already." sabi ko trying to push him away.

"Please Laire, let me explain." bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin pero nakahawak parin siya sa mga braso ko.

"Kung ano man yan, it will pass. Okay? Pero hindi talaga kita kilala, I have to go." 

Tinalikuran ko na siya at kinuha ang mga gamit ko. Hindi ko na siya liningon pero ayon sa peripheral vision ko, nakatingin lang siya sakin habang nakakunot  yung noo niya. Hindi naman siya umimik eh, kaya tinuloy ko nalang ang paglalakad ko until nakalabas ako ng campus. Pumara ako ng taxi at pumunta ng mall. Friday ngayon and what does that mean? magcecelebrate ako kasi wala akong love problems na inatupag ngayon.

***

Naglalakad ako habang umiinom ng kape. I like coffee so much. Dalawang cups pa nga ang hawak ko, para kung maubos na tong isa eh, may reserve pa akong isa. Sulit dba! Hahahaha.

"Laire?" may narinig akong babaeng tumawag sakin kaya napatigil ako.

"Hmm?" 

"Hindi mo ba ako naaalala?" nakangiting tanong niya.

Hmmm, familiar yung mukha niya. 

"Sorry, pero hindi eh."

"Si Rossini!" excited na sigaw niya.

"Rossini who?" 

"Ro-ro-rossini, ro-ro-rossini, ro-ro-rossini. Want your bad romance! Boom! Hahahahahaha!" tumawa siya pagkatapos niyang kantahin  yun.

Tinitigan ko lang siya, with my poker face. Seryoso? Ginawa bang knock knock ang tanong ko. Kaloka tong babaeng to. Siya nga, yung lokang babae na solve ang brokenheart nang dahil sa isang gwapong nilalang. Remember her?

"Ehem." tumikhim ako para tumigil na siya sa pagtawa, "Baka maheadline ka niyan, 'Babae: Patay kakatawa' mahirap na." 

"Aww, haha. Sorry, kumusta na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah." then lumapit siya sakin.

Para isang araw lang ha.

"Okay lang naman."

"Ang tipid mo namang sumagot, samantala nung tinulungan moko eh ang daldal at dami mong masabi." 

"Syempre, it's my job." I smiled.

"Ang seryoso mo palang tao noh?" 

Miss stating the obvious eh?

"Ah, obvious ba? Lels, ba't di ko alam." natatawang sabi ko.

"Ano palang ginagawa mo dito?"

"Same as you being here?" pabalik na tanong ko.

"You're here to boyhunt? OMG! Mahilig ka rin palang magboyhunting? Wahahaha, magkakasundo tayo." sinapak niya ako sa balikat, OO. Sapak talaga, at infairness malakas. Brutal lang eh.

She came here to boyhunt? What happened to her and to that boy? Akala ko nagkakamabutihan na sila.

"Uhh, I actually came here to treat myself and relax and not to boyhunt." nakataas kilay na sabi ko.

Love Analogy ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon