Dedicated 'to sayo, thank you sa nakakatuwang comments at support Jenn! Enjoy reading :*
P.S. Si baby Jay ang nasa gilid. Yeeee! Ang gwapo niya ♥ ------>
Short update lang po ito, sana po pagtyagaan niyo. Sorry for disappointing.
#GodblessLeyte
~
Analogy Number Six.
Tiningnan ko ang wrist watch ko. Ilang minuto na ba akong naghihintay sa lalakeng yun? May usapan kasi kami ni nerdy boy na magkita dito sa mall, sa may Mcdo ako naghihintay. Wala namang klase ngayon kasi intamurals namin kahapon half day lang nga yung mga klase kasi naghanda pa yung student council, sulit din kasi wala naman daw sinalihang sports si nerdy boy, same rin sakin kaya pwede kaming di pumasok, sign lang ng attendance. Si Lorraine na ang bahala d'on.
Hindi pa naman kalat sa buong campus ang pagbabagong anyo ni nerdy boy, yung mga tao lang sa cafeteria, hahaha! Kaya baka, ulam ang aming surprise attack para kay Rossini. Oh dba? May surprise agad. Malapit na pala magtanghali, asan na kaya ang lalakeng yun?
"Paging, paging."
May ilan namang napahinto sa paglalakad at nakiramdam sa pager.
"Miss Laire Cross. Paging, Miss Laire Cross. Andito na po yung kaibigan niyo, huwag ka daw magalit kasi late siya may ginawa lang daw siya. Thank you customers and enjoy shopping."
Ngeeek! Talagang pina-announce pa talaga, hahaha. Sa bagay, Van nga naman siya.
Imbis na ipa-announce, bakit di nalang siya pumunta dito at harapin ako kasi nagugutom na ako at anong oras na at kanina pa ako naghihintay sa kanya! Naiinis na ako, namamnhid narin yung paa ko kakatayo. Bwisit, yung sikmura ko.
"Laire!" may isang sigaw na tumawag sa pangalan ko.
Hinanap ko naman kung sino yun, asan ba?
"BOOOO!"
"Ay pink na butiki!" gulat na sigaw ko, paglingon ko nakangisi siya sakin, pagagalitan ko sana siya kaso bigla namang kumunot ang noo ko sa nakita ko, "Ano naman to? Ba't ka bumalik sa dati mong gaya?"
"Ahh, i-ito b-ba?" kinamot niya ulo niya, "Eh, n-namimiss ko kasi dating a-ayos k-ko eh. Hehe."
Nagpacute pa ang loko, di bale bagay naman. Pagbigyan na :P
"Sus, ang sabihin mo kumapal na yang mukha mo kasi gumwapo ka na. Hahaha!" pagloloko ko sa kanya, pero syempre biro lang. Mabait naman siya eh.
"M-mukha ang m-makapal or itong s-salamin ko?" pagbibiro niya.
"Uy, aminin may improvement ka na. Hahahaha! Pero, nerdy boy umuutal ka na naman, what is wrong with you? May sakit ka ha? Umayos ka nga!" tinusok ko siya sa tagiliran.
Ngumiti lang siya sakin, "Yes ma'am! Mas bagay sayong nakangiti, imbis na parati kang nakasimangot at nakataas ang kilay. Minsan nga, naiisip ko. Parati ka bang may dalaw, pero naiisip ko din. Anla, nature mo lang siguro yan." diretsong sabi niya.
Pinaglololoko talaga ako ng isang to, kanina may pautal-utal pang nalalaman ngayon naman diretso nang nagsasalita.
Pero parating may dalaw? Loko to ah.
Tinap ko likod niya, "Pasalamat ka good citizen's day ngayon kundi pinatid na kita sa planetang Mars." tas kinusi ko yung tenga niya.
BINABASA MO ANG
Love Analogy ♥
Novela JuvenilCan we predict love? Are there any formulas that could predict it? Naisip ko lang, sino ba ang nag-imbento sa bwisit na love na yan? Walangya, ang rami ko tuloy problema sa buhay. Problema nila, ako ang namomroblema. It's ironic how people always sa...