Dedicated sayo Suzi palakain. Hihihi. Enjoy reading! ♥
~
Analogy Number Five.
"Lairy, pumunta ka ba ng mall nung Saturday?" biglang tanong sakin ni Lorraine.
Nandito kami sa cafeteria. Wala kasing breakfast si Lorraine, tsaka 8 o'clock pa naman, 10 pa yung first class namin. Also, Monday na ngayon. Ngayong gabi na pupunta sa bahay yung said friend ni Jay na hihingi daw ng tulong sakin. Hays, lately I have never gotten anything straight to the point ang daming paligoy-ligoy. Kailan kaya ako darating sa point na may thrill na ang buhay ko?
"Bakit?"
"May nagtanong kasi sakin na kablockmate natin, nakita ka raw niya tsaka may kasama ka daw." nakapout na sabi niya.
"Tas ngayon sasabihin mo sakin na nagseselos ka?"
"Eeeh, lalake daw yung kasama mo, tsaka gwapo daw! May hindi ka sinasabi sakin ah!" mas lalo pa siyang nagpout.
"Nakuu, tigilan mo nga ako Lorraine. Si nerdy boy lang yun, nagpapatulong nga dba?" then kinuha ko ung notebook ko, "Gaga ka, may wala ba akong sinasabi sayo?"
"Pero nung Friday din, may nakakita sayo sa mall. May kasama ka din daw ulit." then nagsad face siya.
Anong problema nito?
kumunot yung noo ko, "What is this about Lorraine?"
"Shut up! Nakahanap ka na ba ng kapalit sakin ha!? Huhuhu." mangiyak-ngiyak na sabi niya, "Akala ko ba ako bestfriend mo!? Bakit may iba kang kasama na babae, tsaka ang saya niyo pa, ang close niyo daw tingnan! Tas sabi pa nung nakakita sayo, nag-away ba daw tayo at hindi ako ang kasama mo sa pig-out day mo! Uwaaaaa!" umiyak siya at sinalampak ang mukha niya sa table.
"Hoy babae! Ang OA mo ha! Eh di ba nga nauna ka sakin umuwi nun, kaya syempre-"
tumingala naman siya sakin, "Kaya naghanap ka ng maipagpapalit sakin!? Ganun!? Huhuhuh, bakit ba parati kayong ganyan!"
Hays, abnormal talaga tong baabeng to oh. Malalagot sakin ang nagsabi sa kanya nun eh, mga loko. Pero unless kung..
Hala, tama nga! Hahaha, ganito din toh nung elementary pa kami eh.
"Asus, brokenhearted ka noh?" then bineletan ko siya kahit hindi niya ako nakikita.
"Huh?" pinunasan niya naman ang luha niya habang nakakunot-noo na tumingin sakin.
"Akala mo hindi ko rin alam! Hahaha, nek nek mo! May nagsabi rin sakin na nung Saturday, nagconfess ka na sa crush mo! Bleeeh, kaya huwag mo akong idaan sa ganyan. Tsaka loka ka, ba't naman kita ipagpapalit? Duh, mahal kaya kita." then nagsmile ako.
"L-laire.." sumeryoso naman yung mukha niya.
Sabi na nga ba!!
"Hmm, I know I know. Oh, kwento ka na."
Ang sama ko bang bestfriend? Hahaha, kung iiyak siya hindi ko siya dadamayan, pagagalitan ko lang siya or kundi pakikinggan kung bakit siya umiiyak. Ayaw niya kasing yinayakap or hinahagod yung likod niya, feeling niya mas maiiyak daw siya. Feeling niya din, ang hina hina niya.
"Dba alam mo naman na matagal na akong may crush." sabi niya, habang lumuluha parin. Yung mga tao naman, nakatingin samin, pero bumabalik lang rin sa mga ginagawa nila.
BINABASA MO ANG
Love Analogy ♥
Teen FictionCan we predict love? Are there any formulas that could predict it? Naisip ko lang, sino ba ang nag-imbento sa bwisit na love na yan? Walangya, ang rami ko tuloy problema sa buhay. Problema nila, ako ang namomroblema. It's ironic how people always sa...