Analogy #8

171 20 8
                                    

Dedicated sayo baby damulag, thankyou! Thank you & enjoy reading 

Para po sa hindi pa nakabasa sa last update ko, nasa external link po.
Sana magVOTE and COMMENT kayo. Kamsa!

~

Analogy Number Eight.

Laire's POV

Nagkita kami kanina ni nerdy boy, sabay kaming pumasok ng campus. Hahaha, sinunod niya talaga yung sinabi ko, nerd look parin suot niya eh.

"Nakakainis naman.." reklamo niya habang sinasabunutan ang buhok niya, "Bakit ba kasi ha? sagutin mo nga ako!"

 

Kanina pa 'tong babae na ito. Ano kaya nakain niya? Di naman siya ganito, except kung may problema siya or kung may nangyari na di maganda. Pero grabe naman, di parin ba siya nakaget-over dun sa secret crush niya?

"Hoy Lorriane, ikaw na babaita ka anong problema mo? Imbis na maayos ko 'tong mga tickets namin, naaano ako sayo! Aish." 

"Anong naaano? Anong ano ang sinasabi mo ha? Inaano ba kita? Kung makaano ka, parang kung ano ang inaano ko sayo. If I'm disturbing you don't mind me just ignore me. Duh, as simple as that di mo kaya? Anyare kay Laire the matalino bitch ha!?" sigaw niya.

Nagulat naman ako sa inasal niya, what the?

Nandito kami ngayon sa horror booth ko, ewan ko kay Lorraine at dito  nagstastandby. Abnormal na talaga ang babaeng 'to. Ano ba ang nangyari kahapon at para siyang may sapi ngayon? Kinakausap na naman ang sarili niya.

Nabibwisit na ako sa babaeng to, naku kung hindi ko lang 'to bestfriend malamang pinatapon ko na ito sa Mariana's Trench at linunod dun or kaya sa Bermuda Triangle para sure! 

"Ano ba problema mo? What you are sulking about? Naku, kung brokenhearted ka, ilagay mo nga yan sa lugar. yan naman kasi sinasabi ko sayo, go buy some food. Baka ngugutom ka lang, or kundi bumalik ka na sa booth mo." inis na sabi ko sa kanya.

"Hmpf!" umirap lang siya sabay talikod at naglakad na.

Seriously, anong problema niya? Ayaw niya namang sabihin sakin, kanina ko pa siya tinatanong sinasagot niya lang ako ng mga tantrums niya. Isip bata! bakit ang raming isip bata sa mundo! 

2 hours din akong nag-aayos ng mga tickets, ang rami nga naming customers eh. Hahaha, ang raming natatakot at sumisigaw, maze style kasi yung horror booth namin at WALANG GUIDE. Hahaha, ako nag-isip niyan. Galing noh? At kung hindi ka makalabas sa maze, may bigla nalan maglalagay ng sako sa ulo mo at itatapon ka palabas. Di joke, ilalabas ka habang nasa loob ka ng sako. Don't worry wala namang nahimatay, di kasi pwede ang mga may sakit sa puso or mga nerbyosa. 

"Laire!" may biglang sumigaw ng pangalan ko kaya napalingon ako.

Love Analogy ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon