Analogy #7

168 21 6
                                    

Dedicated sayo ate Yham. Thank you! Enjoy reading :*

I'm a lame feeling writer, so therefore I write lame things. Ansaveh? XD

(Lorraine's crush -------->)

~

Analogy Number Seven.

 Lorraine's POV

Si Laire, nag-eenjoy sa lakad niya at heto ako nakatunganga sa dedication booth namin. Ang unfair, dapat ako rin nag-eenjoy dba? Di yung siya lang, tsaka ako yung nagsign ng attendance niya, pati dun sa nerd na yun. Wait..Baka magkasama sila? Baka nga, pero..

Wala na akong maalala eh, napakamot nalang ako sa ulo ko.

Nabalitaan ko ring may gwapo raw na pumunta sa campus nung araw na emo-emohan ang peg ko. Tsk, sayang! Di ko nakita, baka yun na ang sagot para makamove-on ako kay crush! Pero di parin, huhuhu. Nakakahiya talaga yung ginawa ko, ganun na ba ako kadesperada? 

Di naman siguro, lubahang nagmamahal lang ako ha!

"Alis muna ako ah, naayos ko na naman lahat eh, may pupuntahan lang ako ha?" nakangiting sabi ko.

Pinayagan naman ako ng mga kasama ko na umalis, makalabas na nga lang ng campus. Kung si Laire nagsasaya, dapat ako rin! Brokenhearted man ako.. Mali, di pa nga confirm na brokenhearted ako. Nagwalk-out kaya ako pagkatapos kong sabihin sa kanya yun..

Naalala ko tuloy nung una kaming nagkakilala ng crush ko.

flashback..

(1 year ago)

Lalalala, ano kayang masayang gawin ngayon? 

"Hello, it's a brand new day. Falala, everything's gonna be alrig- Ayyy!" bigla naman akong nadapa, pagbangon ko nakita ko yung bato.

Bigla nalang nag-init yung ulo ko at tiningnan ko yung bato sabay duro.

"Ikaw na bato ka! Ikaw ang dahilan kaya natumba ako at nasira ang good mood ko! Mamatay ka sana!" kinuha ko yung bato at hinampas-hampas sa lupa.

Yan ang dapat sayo! Magdusa ka! 

"Abusado ka! Pasulpot-sulpot ka kung saan! Di ka marunong tumabi ha!?"

Itong sayo! Hmpf, mamatay ka na sana na bato ka! Malas sa buhay, bad luck! Pwee.

Aray, ang paa ko! Bwishit na bato. Hinimas-himas ko yung paa ko habang nakaupo parin ako sa lupa. May mga tao namang dumaan at tumitingin sakin, akala siguro nila baliw ako. Sisihin nila yung bato kung bakit ako nagkakaganito.

"Ang tanga ko! Ang sakit na tuloy ng paa ko..Papatayin talaga kita ikaw na bato ka!" 

ARAY! Napaatras naman ang ulo ko nang nadiinan ko yung paa ko.

"ARAY!" tiningnan ko ulit yung paa ko, "Mommy, baka nabalian na ako ng buto.." 

"Miss, are you alright?" may biglang nag-abot ng kamay niya, "You're so funny, sinisisi mo yung bato sa pagkadapa mo. Hahaha!" luuh, pinagtawanan ba ako.

Napatingala naman ako at tiningnan kung sino 'to.

"Hoy akala mo nam- Ohhhh." 

OHLALALA! Ang gwapo naman! Yung lips, hmmm, ulam! Strawberry pink ang kulay, talo lip gloss ko. Ang mata, hooo! Help I'm hyperventilating, it's so mapang-akit! Ang kilay, ang ilong, ang everything! One word is enough for a wise man, HOT siya. 

Love Analogy ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon