Last Day

5.3K 154 19
                                    

Hi guys Chapter Five of I Remember the Boy II is here, excited na kong ituloy tuloy ang story na to sana magawa ko hehe

Naiwan natin si Arnold and Jake sa isang mainit na pangyayari kaya nga naging Rated R ang story na ito tsk tsk tsk.... :P

Listening to Regine Velasquez songs while writing this chapter

Sorry guys kung medyo maikli lang ang chapter nito sa next chapters mas madami nang mangyayari dito kasi sa first five chapters medyo relax relax lang muna hehe

Bigla lang naisip ko check niyo ang dalawang character na napadaan sa chapter na ito.... hehe

Picture of Arnold on the right======>>>>>

Song is Die Young by Kesha

==================================================================================

CHAPTER FIVE

Arnold's POV

Last day naming sa Batangas and the last five days was a blast, nabawi naming kahit papaano ang mga taon na magkakalayo kami.

Mas nakilala ko si Julian and saw how he changed Larry for the better, ganoon din ang magbest friend na naging magkasintahan at kung paano ko nakitang naging mas masaya sila sa isa't isa and of course my Jake na nakita kong mas matatag kumpara noon na walang tiwala sa sarili at pushover.

"Anong iniisip mo?" malambing na tanong sa akin ni Jake habang tahimik kaming nakatitig sa palubog na araw habang yakap yakap ko siya.

"Inisip ko lang na ang daming nangyari nang mawala ako, naging mabuti ang kalagayan ng mga kaibigan ko at ikaw mas naging matapang at palaban ka." I said admiring the new Jake, but somehow misses my sweet and fragile Jake.

"Madami man ang nagbago Arnold, may isang bagay ang hindi nagbago at iyon ay ang pagmamahal ko sayo." ang sabi ni Jake at pagharap nito ay kitang kita ko ang nararamdaman nito sa mga mata nito.

Palapit na sana ang mukha ko nang makarinig ako ng pagtikhim sa likuran ko at nakita ko ang nakakalokong ngiti ni Louie.

"Mamaya na yan guys sa kuwarto niyo na gawin." biro ni Louie sa amin.

"Tado!" I snarled at him na tinawanan lang ng mokong.

"Tara na itodo todo na natin ang huling araw natin." aya ni Louie at sabay sabay na kaming pumasok sa resort ng binata.

Sa huling araw sa resort ay nagpahanda ng engrandeng pagsasaluhan naming, iba ibang pagkain, madaming inumin at kung ano ano pa.

Nakakatuwa habang pinagmamasdan ko silang nagtatawanan at masayang magkakasama, hindi ko alam kung kelan ulit mangyayaring magkakasama kami ng ganito.

"Ano ba naman yan Arnold manonood ka na lang ba!" biro sa akin ni Larry at hinatak ako sa harapan.

"Gentlemen, humingi naman tayo ng speech kay Arnold." ang sinabi ni Larry. "Ok Pre the floor is yours." at pagkatapos nun ay iniwan na ako nito.

Gusto kong batukan si Larry dahil hindi naman ako sanay sa mga speech speech na yan, at ngayon on the spot gusto ako nitong magsalita pero wala nang magagawa kaya sinakyan ko na lang.

"First of all maraming salamat at kahit matagal tayong hindi nagkita kita ay patuloy niyo pa din akong itinuring na kaibigan." I said and heard Louie said amen.

"Second madaming salamat at muli ay nagkasama sama tayo kasama natin sa unang pagkakataon si Julian na nagpabago sa best friend kong si Larry."

"Kay Jake na kahit kailan ay hindi tumigil na mahalin ako." I said at hindi ko napigilan ang sarili kong halikan ang taong pinakamamahal ko na kahit kamatayan ay nilagpasan ko para lang makasama ang taong ito.

Nahirinig ko ang tuksuhan ngunit wala akong paki, tumagal din ang kiss naming na iyon ng isang minuto bago ulit ako magsalita.

"And lastly fuck you guys!!!!" ang sigaw ko na sinuklian ng palakpakan ng mga mokong kong kaibigan.

Tumabi na ulit ako kay Jake at tulad ng inaasahan partner-partner ang nangyari which I don't mind, nakikita ko na medyo namumula na ang mukha ni Louie at tuloy sa pagnakaw ng halik kay Ken na pilit naman umiiwas habang tumatawa lang.

"Go Louie!" sigaw ko dito na lalong nagpalakas sa loob nito hanggang macorner na nito si Ken at sa isang iglap ay nasa mga braso na nito ang nobyo at mainit na hinahalikan ito sa mga labi.

"Ok, it's our go signal na pack up na." I said sabay hatak kay Jake patayo, nakita ko ang pagtataka sa mukha nito dahil imbes na pumasok na kami sa kuwarto ay dinala ko siya sa dalampasigan.

"Akong ginagawa natin dito?" narinig kong tanong sa akin ni Jake, hindi ko namalayan na malayo layo na din pala ang nalalakad naming na wala kaming napag-uusapan.

"Wala lang gusto ko lang mas makasama ang taong mahal ko, ang sarap dito no, sana dito na lang tayo, walang problema, walang iniisip." seryoso kong sabi dito, dahil habang nandito kami nakaramdam ako ng kapayapaan sa loob.

"Kung puwede lang sana Arnold, kahit saan lugar basta kasama kita masaya ako, ngunit alam naman natin na hindi natin habang buhay maiiwasan ang naghihintay sa atin pagbalik natin sa Quezon City." Jake said seriously and I know what he meant.

"Alam ko kasing hindi pa din tayo tanggap ni Mommy, kahit na anong nangyari ay iniisip pa din niya na pagkakamali na maging tayo, maliban pa sa sinisisi ka niya sa nangyari sa akin noon." I said and saw guilt in his face.

"Please Jake, alisin mo sa isip mo na kasalanan mo ang nangyari apat na taon na ang nakakaraan, biktima ka lang nang nangyari at kahit kailan hindi ko pinagsisihan na nakilala ko ang isang Jake Angelo ang nagpabago sa buhay ko, ang taong minahal ko." nakangiti kong sabi dito.

"Thank you din Arnold kung hindi dahil sayo ay siguro hindi ko na mababago ang sarili ko." Jake replied.

Sa paglalakad namin ay may nakasalubong kaming mag-anak at sa pagkagulat namin na imbes na babae at lalaki ang magulang nang isang cute na batang babae ay dalawang guwapong lalaki ang kasama nito.

"Daddy Xavier, Daddy Marvin tara na po." ang narinig kong sinabi ng batang babae na marahil ay nasa dalawang taon na ang edad.

"Eto na nga Precious." narinig kong sinabi nung Marvin.

Hindi ko mapigilan mapangiti habang pinagmamasdan ang pamilyang iyon, nang makalagpas na sa amin ang tatlo ay saka ko lang napansin na natahimik si Jake.

"May problema ba Jake?" nag aalala kong tanong dito, ngunit umiling lang ito.

Ilang pilit din ang ginawa ko bago ito nagsalita.

"Arnold hindi mo ba naisip na magkaroon ng sarili mong pamilya having a wife and a children of your own." nag-aalalang tanong ni Jake.

Saka ko lang naunawaan ang pag-aalala nito. "Yes I have plans of having my own family, but with you of course at kung gusto ko man magka-anak puwede naman tayong kumuha ng surrogate mother." Arnold said smiling.

"Pero hindi mo ginustong magkaroon ng normal na pamilya at..." Jake said ngunit tinigil ko na ang pagsasalita nito.

"Kung hindi man normal ang magiging pamilya natin ay ok lang sa akin kung ang kapalit naman nito ay ang habang buhay namin kasiyahan." I told him at alam kong hindi pa din nawawala sa isip nito ang bagay na iyon ngunit hindi na lang ito kumibo pa hanggang makabalik na kami sa resort at pumasok na kami sa kuwarto namin.

Tomorrow will be another day, and tomorrow will be the start of my new job.

I Remember The Boy II (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon