Unfortunate Event

3.7K 120 25
                                    

Hello chapter 17 of I Remember the Boy 2 finally nakilala niyo na ang isa sa mga major character na gagawa ng paraan para magkahiwalay sina Jake and Arnold, magtatagumpay ba siyang sirain ang isang magandang relasyon?

Picture of Arnold Saavedra on the right======>>>>

Song is Please Don't Leave Me by Pink

==================================================================================

CHAPTER SEVENTEEN

Arnold's POV

Finally natapos din ang Linggo at puwede na akong umuwi sa bahay namin ni Jake, thinking about Jake ay sobrang miss na miss ko na siya at alam kong miss na miss na din ako nang mahal ko kaya nga tinext ko siya na uuwi ako sa amin ngayon para magkasama kami.

Kinailangan kong bumalik sa condo unit ko dahil mas madaling pumasok kapag doon nanggaling maliban pa sa may parking lot at safe ang kotse ko.

Nilalabas ko na ang kotse ko sa parking lot ng building nang makareceive ako ng text mula sa mahal ko napangiti naman ako habang binabasa ko ang message nito.

"Hi mahal ko ingat sa biyahe, nagluto ako ng dinner natin, I love you." text ni Jake at minabuti ko nang huwag magreply at magfocus na lang sa pagdadrive ko.

Sa pagliko ko sa kanang side ng building ay saktong nakita ko si Jewel na dating kababata ko na halatang nag aabang nang masasakyan ngunit considering na kanina pa natapos ang trabaho ay malamang kanina pa ito naghihintay.

Nang una kong nakita ang dalaga ay nagulat talaga ako na ito na pala ang dati kong matabang kababata na lagi namin pinagtatanggol ni Larry, at lalo kong hindi inasahan na magiging assistant ko pala siya sa bago naming clothing line and I must say magaling siya sa position niya dahil marahil na din nagtrabaho siya sa Guess na kilalang kilala sa buong mundo.

Nakita ko pag ang pagkagulat nito nang biglang huminto ang kotse ko sa tapat nito at inaaninag nito kung sino ang nasa loob dahil tinted ang bintana ng kotse ko.

"Need a ride?" nakangiti kong tanong dito nang binababa ko side window ng kotse ko.

"Ikaw pala yan Arnold, tinakot mo ako."Jewel said habang nakahawak sa dibdib nito na nagpatuloy sa pagtaas baba, sa hindi ko mawari ay hindi ko agad nalayo ang tingin ko sa dibdib nito at nang marealize ko ang ginawa ko ay parang gusto kong batukan ang sarili ko sa ginawa ko.

"Sorry, didn't mean to scare you, hop in hatid na kita medyo mahirap kasi ang taxi sa lugar na ito." paliwanag ko dito at nakita ko ang pag-aalinlangan nito habang tumingin sa magkabilang side ng road at nang mapagtantong tama ako ay sumakay na itom sa passenger seat.

"Salamat." she muttered at matapos sabihin nito kung saan ito nakatira ay pinaandar ko na ulit ang kotse ko.

"I can't still believe sa laki ng pinagbago mo Jewel, I mean kapag nakita ka ni Larry siguradong hindi ka din makikilala nun." I said still focus sa pagdadrive ko.

"Maraming nagbago Arnold but there are somethings that remain the same kahit matagal na ang lumipas na panahon." makahulugan nitong sinabi at hindi ko napigilan sulyapan ito na nakatingin lang sa labas ng kotse.

Wala pang sampung minuto ay nakarating na kami sa tinutuluyan nitong condo unit.

Pababa na ito ng kotse na bigla itong may naalala.

"Arnold may gusto nga pala akong ipakita sayo." she said at agad ako nitong pinasunod sa kuwarto nito.

Pagdating sa pintuan ng kuwarto ng dalaga ay kitang kita ko ang takot sa mga mata nito nang makitang bukas ang pinto ng kuwarto nito at dali dali akong sumunod dito papasok sa loob at kitang kita ko ang panglulumo sa mukha nito habang nakatingin sa magulong condo unit nito na halatang may nagnakaw.

I Remember The Boy II (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon