A Girl From The Past

3.9K 129 11
                                    

Hi guys chapter 16 of I Remember the boy 2 sana magtuloy tuloy na ang pag-update ko sa story na to madami din kasing mga mangyayari sa story na at ito na ang pagbabalik ng isang babaeng gagawin ang lahat upang mapaibig ang taong naging inspirasyon niya.

Yey magagamit ko na ang isa sa mga gustong gusto kong kantang time machine :)

PS Sana wag kayo magalit sa character masyado girl crush ko kasi to hehehe

Picture of Jewel Escudero on the right======>>>>

Song is Time Machine by Six Part Invention

==================================================================================

CHAPTER SIXTEEN

Jewels POV

Hindi ko mapigilan hindi maiyak dahil kahit anong gawn ko ay patuloy pa din akong inaaway at binubully ng mga classmates ko sa school kahit na wala akong ginagawa.

They are calling me names like pig, porkchop, bacon, ugly to name a few and I really hate it, inaamin ko naman na mataba ako at pangit ngunit kailangan pa ba nilang ipamukha sa akin ang bagay na iyon, kahit nga ang sarili kong pamilya ay parang ayaw din sa akin.

Imbis na umuwi agad ay naisipan kong tahimik na umiyak sa bandang tagong lugar sa playground na malapit sa school.

Hindi ko maisip kung bakit lahat ng tao ang turing sa akin ay isang walang kuwentang tao, kahit na nga ba lahat ng bagay ay ginawa ko na upang magustuhan at katuwaan ng mga tao, especially my parents, eversince na mamatay ang Ate ko ay naramdaman ko na sinisisi nila ako sa nangyari sa ate ko.

"Kasalanan mo naman talaga eh." I said to myself kahit sa batang edad ko pa lamang ay sinisisi ko na ang sarili ko dahil kung hindi dahil sa akin ay buhay pa ang pinakamamahal kong Ate Jenny, kung hindi ko hiniling dito na pasulubungan nito at hindi ito bababa ng kotse at mangyayari ang aksidenteng kumitil ng buhay nito and I hate myself more dahil kasalanan ko kung bakit wala na si Ate Jenny.

"Hoy bata bakit ka umiiyak diyan?" sigaw sa akin ng isang batang lalaki, hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil nasisilaw ako sa sinag ng araw since nakatapat ito sa side kung saan tirik ang araw.

"Ano bang pakialam mo o isa ka din sa mga mangbubully sa akin?" naiiyak kong tanong dito dahil lahat ng mga kaklase ko sa elementary school na pinapasukan ko ay iyon ang ginagawa.

"Bakit naman kita ibubully?" tanong ng batang nasa harap ko.

"Huwag mo nga akong lokohin, sa nakikita kong suot mong uniform ay schoolmate kita at huwag mong sabihin hindi mo ako kilala." galit kong sinabi dito dahil nga ako ang campus blly target ay kilala ako sa school.

"Actually kakatransfer ko lang sa school na iyon, galing kasi kaming province at since magtatayo ang Mommy ko ng negosyo dito sa Quezon City ay minabuti na niyang lumipat na din ako ng school, ako nga pala si Arnold, anong pangalan mo?."  he said sabay lapit sa akin at nang matitigan ko nang husto ang mukha ng batang lalaki ay hindi ko mapigilan magblush sa nakitang kacutean ng bata.

"Je...Jewel ang pangalan ko." nabubulol kong sinabi dito sabay abot nang inaalok nitong kamay.

Pupungas pungas ako habang nakatingin sa paligid ko dahil hindi pamilyar sa akin ang kuwartong tinutuluyan ko and then I realized na nasa condo unit pala ako ng kaibigan kong si Meagan from the US na naging kaklase ko ng college.

After for so long ay nakabalik ako sa Pilipinas at hindi ko inaasahan mapapanaginipan ko ang taong minahal ko simula pagkabata.

During elementary days ko ay ako ang naging tampulan ng tukso at bully sa school namin dahil na din sa mataba ako at lagi pa akong nagsusuot ng makapal na salamin.

I Remember The Boy II (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon