Unexpected Meeting

3.7K 132 8
                                    


Good morning guys since gusto ko na talagang matapos at malaman ninyo ang ending ng IRTB2 kaya ito na muna iaaupdate ko sana magustuhan ninyo.

Listening to Philpop 2013 Top 12 songs

Finally one of my favorite chapter sa story na to kung bakit basahin ninyo at sana makapag comment kayo:)

Picture of Jake Angelo on the right==========>>>>>>>>>

Song is Kailangan Kita by Gary Valenciano

===============================================================================

CHAPTER NINETEEN

Jake's POV

"Konting tiis na lang Jake, kaya mo yan." ayan ang paulit-ulit kong sinasabi habang lumilipas ang mga araw na hindi kami nagkikita ni Arnold.

Bukas na kasi ang grand launching ng clothing line ng business venture nila with the Geraldo's kaya puspusan na ang pag-aayos ng lahat kaya mas lalong madalang kong makita si Arnold which is naiintindihan ko naman.

At kahit naman ako ay nagiging busy na din sa trabaho lalo na't binigyan na nila ako ng sarili kong project at sobrang excited akong ipakita sa kanila ang blue print nang unang project na ihahandle ko.

Just like today pumunta kami sa site upang mapag-aralan namin ang kailangan adjustments para sa itataong two storey house nang mag asawang Lim.

"Ang gusto ko Achitect may tatlong kuwarto tapos may malawak na hardin para kapag nagka anak na kami ay may mapaglalaruan sila." ang sinabi ni Mr. Lim

Looking at Mr. Lim ay hindi ko maiwasang hindi mainggit sa magiging mga anak nito dahil mukhang responsable itong tao at mahal na mahal nito ang asawa nito, hindi ko tuluyan maisip ang sarili kong ama na iniwan ang Nanay ko nang maipagbuntis ako.

"Don't go there Jake, matagal mo nang natanggap na iniwan ka ng Tatay mo." bulong ko sa sarili trying to focus sa gagawin kong project.

Inikot namin ang buong lupain kung saan itatayo ang dreamhouse nang mag asawa at nang magkasundo na sa mga minor and major changes ay nagpaalam na ako sa kanila at ganoon din sila sa akin.

I checked my watch at nakita kong magtatanghalian na pala kaya naisipan kong itext si Arnold na huwag magpalipas ng gutom.

Dumaan na muna ako sa Jollibee upang kumain ng lunch, at matapos akong makakain ay bumalik na ako sa office.

"Nakabalik ka na pala Jake, I need you to get ready for tomorrow kasi bukas ang balik ni Mr. Navaro from the US.

Si Mr. Navaro ang may ari ng pinapasukan ko at sa duration nang pagtatrabaho ko dito ay hindi ko pa siya nameet kahit isang beses dahil nga nasa US daw ang matanda.

"Talaga." ang nasabi ko na lamang habang tinitignan ang papalayong si Ana.

Base sa mga kuwento ni Architect Eric ay mabait namang tao si Mr. Navaro but when it comes to work istrikto itong tao.

For some reason ay bigla akong kinabahan na makita ito dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya sa isang baguhang katulad ko.

Minabuti ko na munang tapusin ang ginagawa kong blueprint para sa mag asawang Lim upang magkaroon na ng final sa plans.

Hindi ko namalayan ang oras at nagulat na lamang ako nang tapikin ako ni Jordan na alam kong mainit ang dugo sa akin.

Pinapatawag ka ni Architect Eric sa opisina niya." Jordan said then left without a word, napailing na lang ako dahil kahit anong gawin kong pakikipaglapit dito ay parang walang nangyayari.

I Remember The Boy II (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon