Agam Agam

3.7K 134 5
                                    

Hi guys listening to Patti Austin's song while drafting this chapter 18 of I Remember the boy 2.... sorry po kung parang nakakaasar na si Arnold promise babawi po siya.

Picture of Jake Angelo on the right=========>>>>>>>

Song is Tell Me A Lie by One Direction

===============================================================================

CHAPTER EIGHTEEN

Jake's POV

Excited ako ngayong gabi dahil nangako sa akin si Arnold na uuwi ngayong gabi kaya niluto ko ang mga paborito nitong pagkain, tapos nilinis kong maigi ang buong kuwarto just in case na alam niyo na.

Around nine o'clock ay natapos ko na ang lahat ng inayos ko at nakapagluto na din ng kakainin namin, alam kong mga bandang Eleven pa makakauwi si Arnold ngunit hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili kong maexcite dahil sobrang tagal na talaga nang huli kaming nagkaroon ng quality time.

I look at the wallclock and saw na alas dies na which means pauwi na ang binata nang biglang tumunog ang phone ko kaya dali dali akong bumalik sa cr kasi naiwan ko doon at cellphone ko.

Nang makita ko ang pangalan ni Arnold ay agad ko itong sinagot.

"Hello mahal kp." bungad kong bati dito.

"Sorry Jake something unexpected came up kaya medyo malelate ako ng uwi." paliwanag nito sa akin at bahagya akong nalungkot sa nalaman ngunit hindi ko na lamang iyon pinahalata dahil ang mahalaga ay uuwi ngayon si Arnold.

"Ahh ganoon ba, sige naiintindihan ko ingat ka ha, I love you." ang sabi ko dito.

"Kita na lang tayo mamaya, I love you." ang huling sinabi nito pagkatapos ay inend na nito ang call.

"Ano ba Jake, huwag ka ngang malungkot, it's not that you're not going to see him later." kastigo ko sa sarili ko trying to cheer myself at dahil mahaba pa naman ang oras ay minabuti ko na munang manood ng TV, ngunit kahit naka turn on ang tv ay hindi ko pa din mapigilan isipin si Arnold.

Minabuti na lang munang humiga at umidlip habang hinihintay ang pagdating ni Arnold, sa sobrang pagod ko sa paghahanda at paglilinis simula kanina ay mabilis akong ginupo nang antok.

"Sorry Jake hindi na kita mahal may iba na akong mahal." Arnold said.

"Pero ang sabi mo sa akin you will love me forever, please Arnold huwag mong gawin sa akin ito mahal na mahal kita."  pagsusumamo ko dito ngunit hindi nagbago ang expression sa mukha nito at ilang sandali lang ay may lumapit ditong isang babae na walang mukha and the way Arnold look at the girl made my heart ache lalo na't nakikita ko ang pagmamahal sa mukha nito na dati ay sa akin niya nakikita.

"Please Arnold don't leave me!" ang sabi ko dito, sinubukan kong tumakbo nang mabilis upang habulin sila ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko sila maabutan.

Nang una ay dalawa lang sila nang babaeng walang mukha ngunit ilang sandali lang ay nagkaroon ng dalawang bata na nakahawak sa magkabila nilang mga kamay.

Bigla akong napatigil sa nakita ko at sobrang sakit nang naramdaman ko dahil alam kong kahit kailan ay hindi ko siya mabibigyan ng anak.

"Arnold!" ang sigaw ko.

"Jake! Wake up!" narinig kong may nagsalita at nang buksan ko ang aking mga mata ay namulatan ko ang nag-aalalang itsura ni Arnold na nakatingin sa akin.

"Arnold!" ang sinabi ko dito sabay yakap nang mahigpit sa binata, hinayaan kong malayang tumulo ang aking mga luha dala ng takot at lungkot na naramdaman ko.

I Remember The Boy II (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon