I Resign

3.7K 127 32
                                    

 Good eve guys hays naiwan akong mag-isa sa bahay dahil may cater sila sa Tagaytay for three days so hanggang sabado mag-isa lang ako oh well.

Naiwan natin si Jake na nagpanggap na may bago nang karelasyo at iyon nga ay si Julius ngunit wala na ba talagang pag-asa ang dalawang mag-ayos alamin sa nalalapit na pagtatapos ng love story ni Arnold Saavedra at Jake Angelo.

Picture of Jake Angelo on the righ=======>>>>>

Song is Giving Up by Silverstein

===============================================================================

CHAPTER TWENTY SEVEN

Jake's POV

"Jake, ok ka lang ba?" ang tanong sa akin ng mga taong nakikita akong tulala, matapos ko kasi kaninang makita si Arnold at sabihin dito na may iba na ako ay lalong nagugulo ang isipan ko, di ba dapat maging masaya na ako dahil alam kong hindi na ako guguluhin ni Arnold pero kabaliktaran non ang nararamdaman ko ngayon, ang sakit, sobrang sakit.

Mas lalong nagulo ang isip ko nang makasalubong ko si Mr. Navaro nang kumuha ako ng tubig sa pantry, pinilit ko man siyang iwasan ay sinalubong pa din ako nito.

"Kamusta ka na?" nag aalangan nitong tanong sa akin.

"Ok naman po Mr. Navaro." malamig kong sagot dito at sinubukan ko ulit lagpasan ang matanda ngunit naramdaman ko ang pagpigil nito sa braso ko.

"Jake please we need to talk." pagsusumamo nito ngunit kahit anong pagpapakumbaba nito ay pinatigas na ng panahon ang nararamdaman ko dito lalo na ngayong may labis akong pinagdadaanan.

"Sorry Sir pero oras ng trabaho ngayon, maiwan ko na kayo." I said pulling my arm from his grasp at naiwan itong tahimik lang na nakamasid sa akin.

I tried to focus sa ginagawa ko ngunit kahit anong gawin ko ay binabagabag ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, mabuti na nga lang at tapos na blue print para sa pinapatayong bahay ng mag asawang Lim at hindi ko kaiangan pang irevise.

"Argghhh!" asar kong sinabi sa sarili at minabuti ko na munang pumunta muli sa pantry upang magpalamig sakto naman nandoon si Jordan at ilan sa mga katrabaho namin at saktong nag-uusap usap ang mga ito.

Sa pagpunta kong iyon ay bigla kong narinig ang pag-uusap ng mga ito patungkol sa akin.

"Ano kayang nangyayari kay Jake parang wala siyang focus ngayong araw biruin mo apat na araw din siyang absent." narinig kong sinabi ni Ana sa grupo.

"Baka may problema lang iyong tao." I heard Rico said.

"Anong may problema baka sabihin ninyong may attitude na iyong taong iyon, isang project palang ang nahahandle pero sobrang laki na ng ulo." narinig kong sinabi ni Jordan.

"Hindi naman siguro magaling naman si Jake ah." kastigo ni Ana kay Jordan bilang pagtatanggol sa akin.

"Magaling? Are you kidding kung hindi lang sipsip yan sa Dad ko malamang hindi naman mabibigyan ng break yan and for sure sisipsip din yan kay Mr. Navaro." he said, biglang nagpantig ang tenga ko nang marinig ko ang komentong iyon mula kay Jordan, kung noon hinahayaan ko na lamang ito ngunit ngayon ay hindi na ako makakapagtimpi sa mga pinagsasabi nito.

"Ano na namang pinagkakalat mo Jordan!" galit kong sinabi dito at kita kong ang pagkagulat sa mukha nitong nang makita ako.

"Sinasabi ko lang naman ang totoo ah!" maangas nitong sagot sa akin.

"For your information Jordan wala akong ginagawang masama, at kung pinagkatiwalaan man nila ako sa isang project ay dahil malaki ang tiwala nila sa akin." depensa ko sa sarili.

I Remember The Boy II (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon