Date or Meeting

4.3K 141 14
                                    

Kawai sa lahat at dahil rest day ko update muna ako ng story na ito at least bumabalik na ang gana ko ulit sa pagsusulat.

Mukhang nathreatend talaga si Arnold sa sinabi ni Julius at tignan natin kung makakabawi si Arnold sa ginawa niyang pagtetake for granted kay Jake.

Picture of Jake Angelo on the right====>>>>

Song is I Choose You by Mario

==================================================================================

CHAPTER TWELVE

Jake's POV

Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa sobrang excited ko sa out of town namin ngayong araw, nagdecide kami na sa Tagaytay na lang pumunta dahil malapit lang.

"San ka pupunta, bumalik ka na muna dito." Arnold said, eyes still closed.

"Kailangan ko nang mag ayos Arnold baka magahol tayo sa oras." ang sabi ko dito looking at his handsome face and saw him opened his eyes.

"Uhm Jake five in the morning palang, lakad natin ay bandang tanghali pa." ang napapailing nitong sinabi nang makita ang oras.

"Miski na gusto ko maging perfect ang lahat." I said stubbornly and saw him stood up and smile at me looking at m lovingly.

"With you Jake kahit saan perfect." he said and it warms my heart hearing him say that, alam ko ang reason kung bakit naisipan nitong mag out of town kami, ito ay upan makabawi ito sa mga oras na hindi kami magkasama and I really appreciate that.

Kahit pinilit ako nitong bumalik sa kama at tumabi dito ay pinili ko na lang ayusin ang mga kailangan naming dalhin na gamit, kahit dalawang araw lang kami doon ay parang limang araw kami sa dami nang dinala ko ngunit naiisip ko na lamang na mas ok nang sobra huwag lang kulang.

Mag aalis diyes na nang bumangon si Arnold at ang unang nakita nito ang tatlong bag na malalaki sa sa baba ng kama.

"Uhm Jake ano to?" natatawa nitong tanong sa akin.

"Gamit natin." maikli kong sinabi dito at nakita ko pang natawa ito sa nalaman.

"Uhm you do know na dalawang araw lang tayo sa Tagaytay at hindi isang linggo." pagpatuloy nito.

"I know, why may problema ba?" hamon na tanong ko dito.

"Wala naman, actually tama ka nga eh." he said trying to his laughter at hindi ko na din mapigilan matawa and what I did was I tickled him nonstop.

Para kaming mga bata habang pilit siya umiiwas habang kinikiliti ko siya nagpagulong gulong pa kami sa kaa sa nagyari.

Kumain na muna kami ng mag aalas onse para hindi kami magutom sa biyahe kahit na nga ba nagpalaman na ako ng sandwiches.

"Are you ready?" tanong sa akin ni Arnold nang maisakay na namin ang lahat nang gagamitin namin para sa dalawang araw na pag stay namin sa Tagaytay.

"Yes, I'm ready." I said smiling at him, hindi na ako makapaghintay na makapag bonding kami.

He started the ignition when suddenly his phoned rang.

"Wait lang sagutin ko lang. Arnold said and answered his phone.

"Hello? Yes Clarise, bakit ka napatawag I thought nagsabi ako na mag papahinga ako ng dalawang araw ah." he said and can detect irritation in his voice.

I hold his hand and squeezed it a little.

"What do you mean na nagpatawag ng meeting si Mr. Roxas ngayong araw na ito." he said and I can see na bothered ito sa nalaman.

I Remember The Boy II (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon