Kailangan Kita

3.7K 135 23
                                    

Hi guys sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita na sa wakas ni Jake ang ama niyang sobra niyang kinamuhian dahil sa ginawa nito sa kanilang mag ina.

Paanon ba makakaapekto ito sa kanilang dalawa ni Arnold magiging hadlang din ba ito sa pag-iibigan ng dalawa.

Picture of Julius Geraldo on the right========>>>>>

Song is Kailangan Kita by Gary Valenciano

===============================================================================

CHAPTER TWENTY

Jake's POV

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, gulong gulo ang isipan ko sa mga nangyari, napakaliit naman ng mundo dahil ang taong ayaw kong makita ay nakita ko nang basta basta.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na to, galit, pagkalito, lungkot at kung ano ano pang emosyon na hindi ko na maipaliwanag ang alam ko lang ay gusto kong tumakbo palayo sa lugar na iyon, palayo sa lugar kung saan naroon ang aking ama.

Kanina pa ata ako tumatakbo nang hindi ko alam kung saan ako pupunta at hindi ko na pinapansin kung may nababangga pa akong mga tao.

Bigla kong kinuha ang cellphone ko at dali dali kong dinial ang number ni Arnold, ngunit ilang ring na ang lumilipas ay hindi pa din ito sumasagot, hindi ko tuloy mapigilan ang mga luha kong sunod sunod na pumapatak sa aking mga mata.

"Please Arnold sumagot ka kailangan kita." pipi kong samo ngunit katulad kanina ay hindi nito sinagot ang tawag ko, sinubukan ko din tawagan siya sa opisina ngunit kahit anong pilit ko ay hindi binibigay ng secretary nito ang tawag ko at sinasabing nasa meeting pa din daw ang binata.

Lumong lumo ako dahil kailangan ko siya sa tabi ko ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko siya makausap.

Wala ako sa sarili ko habang naglalakad at nagulat na lang ako ng marinig ko ang malakas na busina na nanggagaling sa isang Mercedes Benz na kotse.

"Ano ba kung magpapakamatay ka sa iba mo na lang gawin!" galit na sigaw ng driver ng kotse.

"Sorry po." hingi ko nang paumanhin at bigla na namang tumulo ang mga luha ko sa nangyayari, gulong-gulo na ang isipan ko at ang taong kailanganng kailangan ko ay wala sa tabi ko.

"Jake?" maang na tanong ng pasahero ng kotse at nang tignan ko kung sino iyon ay para akong nakakita nang kakampi sa katauhan ni Julius na bihis na bihis suot ang itim na Tuxedo.

"Julius!' ang nasabi ko na lamang at dali-dali akong yumakap sa binata na hindi nag atubiling yakapin ako.

"Anong nangyari sa iyo?" tanong nito sa akin ng patuloy pa din ako sa pag-iyak sa mga braso nito.

"Please Julius ilayo mo ako sa lugar na ito." pagmamakaawa ko dito na agad naman akong sinakay sa kotse.

"Mang Cesar pakidiretso po sa condo unit ko sa Makati." ang narinig kong sinabi nito sa driver.

"Eh sir Julius ang sabi po kasi ng Daddy niyo ay dumiretso na tayo sa venue ng launching ng clothing line business ninyo." ang narinig kong sinabi ng driver nito.

"I don't care, just drive me to my condo unit NOW!" galit nitong sinabi na agad namang sinunod ng matandang driver.

Habang nasa mga braso ako ni Julius ay hindi ko mapigilan hindi makaramdam ng kapayapaan at hinayaan ko ang sarili kong tangayin ng antok dala na din marahil ng pagod ko sa kakatakbo at ng emosyonal na naramdaman ko pagkakita ko sa Tatay ko.

"Don't worry Jake, nandito lang ako." ang narinig kong sinabi ni Julius bago ako mawalan ng ulirat.

Arnold's POV

I Remember The Boy II (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon