Meeting His Dad

3.8K 124 7
                                    

Good morning guys just update this story pero tuloy pa din ako sa pag draft ilang chapters na lang matatapos na at pagkatapos nito focus na sa May itsura hehehe sorry adik lang hehehe later punta naman SM North Edsa

Picture of Arnold Saavedra on the right=====>>>>>

Song is I Don't Wanna Wait by Paula Cole

===============================================================================

CHAPTER TWENTY FOUR

Arnold's POV

Hindi pa din ako makapaniwala sa ginawang pangloloko sa akin ng mom ko at ni Jewel and I'm such a douchebag for taking Jake for granted and I am so stupid for falling in their trap and now there is a big chance that i might loose Jake forever.

"No hindi mangyayari iyon, apat na taong kami nagkahiwalay at hindi ako makakapayag na magkahiwalay kami ng basta basta." I said to myself at pagkatapos noon ay pinaandar ko na ang kotse na may isang lugar lang na nasa isipan ang puntahan si Jake.

Halos mag iisang oras din nang makarating ako sa tinutuluyan naming apartment at kahit nasa tapat na ako nang naturang building ay parang hindi ko makayang puntahan si Jake.

Hindi ko alam kung paano ako makikiharap sa binata sa laki ng kasalanang nagawa ko.

"Damn!" galit kong sinabi sa sarili ko sabay suntok sa manibela ng kotse ko.

Hindi ako makapagdecide kung pupuntahan ko ba siya lalo na't late na din naman at malamang ay tulog na si Jake, kaya minabuti ko na lang na umuwi muna sa condo unit ko para makapagpahinga at makapag-isip na din nang maayos.

Halos mag aalas dos na nang madaling araw nang mapagdesisyunan kong umalis na sa naturang lugar, ngunit parang hindi din naman ako nakatulog dahil mag aalas sais pa lang nang umaga ay naghihintay na ako sa tapat ng apartment namin hoping to see Jake even from afar.

Ngunit inabo na ako nang hanggang alas nueve ngunit hindi pa din lumalabas si Jake upang pumasok sa trabaho at sobra na akong nag-aalala para sa binata.

I decided to walk straight to our room ngunit nang nasa tapat na ako sa kuwarto namin at handa ng kumatok ay bigla akong napatigil dahil bigla akong nakaramdaman ng takot sa kung ano ang sasabihin sa akin ni Jake.

"Arnold?" ang narinig kong tawag sa akin at nang tignan ko kung sino iyon ay nakita ko si Aling Helen na mukhang kagagaling lang sa palengke.

"Maupo ka na muna diyan, kumain ka na ba?" tanong nito sa akin ng inaya niya akong pumunta muna sa bahay nito.

Nag-iisa na lamang ito sa buhay dahil ang mga anak nito ay nagmigrate na sa US at minabuti nang matanda na mamalagi na lang sa Pilipinas kaya siguro naging magaan ang loob nito sa amin ni Jake dahil naalala niya ang mga anak niya.

"Ok lang po busog na po ako." magalang kong tanggi sa alok nito ngunit nakita ko ang pag-iling nito at pinaghandaan pa din ako ng pagkain.

Tahimik lang ang matanda habang nakatingin sa akin habang kumakain ako, hindi ko mapigilang hindi mailang dahil kita ko sa mga mata nito ang pagtatanong at hindi ko alam kung kaya ko bang sagutin ang lahat ng tanong nito.

Minabuti ko nang mabilisang ubusin ang hinanda nito and was about to leave nang pigilan ako ng matanda.

"Anak para na din kayong mga anak ko lalo na si Jake at labis akong nag aalala sa pinagdadaanan ngayon ng batang iyon." ang sinabi nito sa akin, looking at me as if asking me to tell her what''s going on.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang idetalye ang mga pangyayari, I told her kung paano ko natake for granted si Jake, pati na din ang nalaman kong nakilala pala nito ang tunay nitong ama pati na din ang ginawang pangloloko ng aking ina at kaibigan.

I Remember The Boy II (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon