I'm Your Son

3.8K 136 18
                                    

Hi guys at ito na naman ako kakaupdate ko lang ngayong araw pero mag aaupdate na naman ako pagpasensyahan niyo na ako tinatamad kasi akon umalis nang bahay masyadong mainit.

Wala sumuko na si Jake sa pag-ibig niya kay Arnold mahirap pero kailangan niyang gawin ito, kailangan niyang hanapin ulit ang sarili niya.

Picture of Arthur Navaro=========>>>>>

Song is Papa, Can You Hear Me by Barbra Streisand

===============================================================================

CHAPTER TWENTY TWO

Jake's POV

I opened my eyes at katulad ng mga nakaraang araw ay nanatili lang akong nakatulala sa kisame ng tinutuluyan kong kuwarto at katulad ng dati ay hindi ko mapigilan hindi maiyak dahil aminin ko man o hindi ay sobrang namimiss ko si Arnold ngunit hindi ko na talaga kayang binabalewala nito, mas nanaig ang kagustuhan kong lumayo dito dahil sa nangyaring nakita ko ang Ama ko, sobrang sakit nang naramdaman ko at sa oras na kailangan kailangan ko siya ay hindi niya ako nabigyan ng kaunting oras.

Para akong isang robot na kumikilos lang ngunit parang walang emosyon, ilang araw na ba ako ganito, isa, dalawa, tatlo, apat na araw tumawag na din ako sa mag asawang Lim na hindi muna ako makikipag meet sa kanila at naintindihan naman daw nila at sabihin ko lang daw kung kelan ako puwede since flexible naman daw ang kanilang schedule.

Sa loob na apat na araw na lumipas ay hindi ako nagkalakas ng loob na tumawag sa opisina matapos ko ngang tawagan ang mag-asawang Lim ay minabuti ko na lang i-off ang phone ko dahil hindi ko alam kung makakaya kong makipag-usap sa kahit na kaninong tao.

Ilang beses akong pinuntahan ni Julius sa tinutuluyan ko at sobra ko naman nag aappreciate ang effort na ginagawa ng binata ngunit sa nararamdaman ko ngayon ay parang wala akong balak na pumasok na naman sa isa pang relasyon, all I want to do is just stay home and be in my miserable world just like before bago ko makilala si Arnold Saavedra.

"Three, two, one and there's Aling Helen knocking in my door." bulong ko sa sarili ko dahil hindi nagmimintis ang matanda na magdala ng pagkain sa akin tuwing tanghalian at hapunan at alam kong nag-aalala sa akin ang matanda dahil sa mahigit apat na taon kong pag istay sa apartment niya ay naging malapit na ako sa matanda.

"Sandali lang po Aling Helen." ang walang buhay kong sinabi at pinilit ko ang sarili kong tumayo kahit na ang gusto ko lang ay humiga at walang gawin buong maghapon.

"Sinabi ko naman po sa inyo na hindi niyo na po ako kailangan dal....." I said ngunit parang nalunon ko ang dila ko pagkakita ko sa huling taong gusto kong makita sa tanang buhay ko.

"Mr. Angelo, we need to talk." ang seryosong saad nito habang nakatingin sa akin, ang aking ama na umabandona sa aming mag-ina.

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya kaya hinayaan ko na lamang siyang makapasok at umupo sa isang bakanteng silya

His eyes survey the whole room na nagbigay sa akin ng pagkakataon pagmasdan ang matandang lalaki na nasa harap ko.

Malaki man ang itinanda ng itsura nito ngunit hinding hindi ko malilimutan ang itsura nito nang makita ko ang pinakakatagong larawan ng Nanay ko.

Mula nang magkaisip ako ay inasam kong makilala ang tunay kong ama ngunit kapag nagtatanong ako sa Nanay ko ng tungkol sa ama ko ay agad itong umiiyak at ayaw na ayaw kong makitang umiiyak ang aking ina kaya napagdesisyonan ko nang ibaon na lang sa limot ang tungkol sa aking ama dahil kung gusto kami nitong makita ay hahanapin kami nito at dahil nga wala itong intensyon na hanapin kami a namuhay kaming wala ito sa piling namin hanggang mag-asawa si Nanay at nagpakamatay eventually.

"So where to begin?" ang sinabi nito nagpabalik sa aking huwisyo at saka ko lang narealize na kanina pa pala ito nakaupo at kanina pa nakatingin sa akin.

"What are you doing here?" nag aalangan kong tanong dito matapos kong mahanap ang kakayahan kong magsalita.

"Well you been absent for four days already Mr. Angelo, I'm not sure kung nasabi ba sa iyo ni Eric na istrikto ako pagdating sa trabaho and I don't tolerate unprofessionalism sa kumpanya ko." he said coldly.

"Naiintindihan ko po." ang mahina kong nasabi dahil nararamdaman ko ang muling pagpatak ng luha sa aking mga mata.

"Well mabuti naman at nagkakaintindihan tayo Mr. Angelo and i'm expecting you tomorrow morning." he said and started to get up.

Akma itong lalabas na, ngunit napatigil ito dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko na sumabog, lahat ng sama ng loob ko lahat ng galit ay sabay sabay lumabas nang hindi ko na kinayang itago ang nararamdaman ko.

"Bakit mo nagawa sa amin iyon." ang nanginginig kong sinabi dito pati pagsasalita ko ay gumagaralgal sa tinitimpi kong nararamdaman.

"What are you talking a......" balik nito ngunit napatigil ito nang makita ang itsura ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak sa sama ng loob na nararamdaman ko.

"Paano niyong nagawang iwan ang isang walang laban na babae na dinadala ang iyong anak, hindi ka man lang naawa kung anong mangyayari sa kanya lalo na sa magiging anak ninyo." pagpapatuloy ko at nakita ko ang pamumutla ng mukha nito ng marinig ang mga sinasabi ko.

"Hindi... kita maintindihan Hijo, maari mo bang liwanagin ang sinasabi mo?" naguguluhan nitong tanong sa akin.

Huminga muna ako ng malalim trying to contained the emotion that I am feeling at this very moment.

"Ako ang anak ni Lydia Angelo, ang anak mo kay Lydia Angelo." napahagulgol kong sinabi dito at kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha nito sa nalaman.

"Ikaw ang anak ko kay Lydia?" naguguluhang tanong nito sa akin.

"Ako nga! ako ang anak mo sa babaeng tindera sa Davao na pinaibig mo lang at pinaglaruan at nang makuha mo na ang gusto mo ay basta mo na lang iniwanan." I said.

"How could you leave us like that, bakit hindi mo man lang inalam kung buhay pa ako, hindi mo ba sa buong buhay ko ay hindi ako nawalan ng pag-asa na hahanapin ako ng sarili kong ama, na ipagtatanggol ako sa mga taong nanakit sa akin ngunit nasan ka bakit hindi mo man lang ako hinanap." puno ng panunumbat kong sinabi dito.

"Anak...." ang gumagalgal nitong sinabi hindi alam kung anong gagawin, ramdam kong gusto ako nitong lapitan ngunit alam kong nag-aalangan nito.

"Anak? Alam mo bang matagal ko nang gustong marinig yan mula sa tunay kong ama at umasa akong balang ara ay babalik ka upang kunin kami sa impyernong buhay na kinasadlakan namin ngunit walang nangyari at kung dati pagmamahal ang nararamdaman ko ngayon pait at galit na lamang ang nanatili sa puso ko." pagpapatuloy ko.

"Sige po Mr. Navaro huwag po kayong mag-alala hindi ko po bibitin ang negosyo niyo makakaasa kayong tatapusin ko ang project na binigay sa akin, good day sir." ang sinabi ko dito at pinagtulakan ko ang matanda.

"Please anak let me explain." pagsusumamo nito ngunit hindi ko ito inintindi at matapos kong masiguradong nakakandado ang pinto ay para akong nawalan ng lakas na napasandal sa pinto.

"I'm so tired." ang nasabi ko sa sarili ko habang sinusuntok ko ang sarili ko sa ulo trying to inflict a different pain in myself kaysa maramdaman ko ang sakit na nararamdaman ko sa aking puso.

"Please God kung pagsubok man ito, ipakita ninyo sa akin kung anong kailangan kong gawin dahil parang hindi ko na kaya." patuloy kong dasal.

At lalo akong nahihirapan dahil wala si Arnold, si Arnold na nagparamdam sa akin na kahit paano ay may nagmamahal sa akin sa mundong ito, na may tao pa din na nagpapahalaga sa akin ngunit ngayong wala na siya ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

Dala marahil nang pagod ko sa kakaiyak ay agad akong nakatulog at ang huling salitang namutawi sa mga bibig ko ay ang pangalan ng pinakamamahal kong tao sa mundo.

"Arnold."

I Remember The Boy II (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon