8;

1.4K 71 23
                                    


Mingyu: WONWOO KO

Mingyu: sabi na nga ba di mo ako matitiis eh hehe

Wonwoo: wag kang feeling

Wonwoo: nagmakaawa lang si kwan kaya ko to ginawa

Wonwoo: di ka special kaya wag kang mag assume

Mingyu: aray ko naman wonwoo ko

Wonwoo: wag mo nga akong tawagin na parang sayo ako

Wonwoo: may magulang ako at sakanila lang ako

Mingyu: ang hard mo sakin

Wonwoo: kasi di ako malambot

Wonwoo: atsaka bakit pa kayo sumunod sa mall kanina?

Mingyu: gusto kasi kita makita

Wonwoo: nababaliw ka na

Mingyu: baliw sayo hehe

Wonwoo: tigilan mo nga ako

Wonwoo: baka gusto mong maging dalawa pasa mo sa mukha

Mingyu: ehhh

Mingyu: gusto lang naman kita kaya kami sumunod

Wonwoo: tigilan mo ko mingyu

Wonwoo: wala kang mapapala sa isang katulad ko

Wonwoo: ngayon pa lang sinasabi ko na sumuko ka na dahil wala kang pag asa ni katiting

Mingyu: pero gusto talaga kita

Mingyu: actually mahal na ata kita hehe

Wonwoo: teka

Wonwoo: ano ba nagustuhan mo sakin eh napakasama ko tignan mo nga sinasaktan kita at pinagmumura

Wonwoo: nagsasayang ka lang ng oras

Wonwoo: seryoso ako mingyu

Wonwoo: tigilan mo na ako

Mingyu: nagustuhan kita kasi ang bait mo

Mingyu: di ko alam kung natatandaan mo pero

Mingyu: nung grade 10 ka nakita kita sa may baba ng bridge

Mingyu: di ko nga alam trip ko eh umuulan non

Mingyu: tas wala ka pang payong, akala ko nga baliw ka eh

Mingyu: pero yun pala nung tinignan ko nililigtas mo lang yung pusa na basang basa sa ulan

Mingyu: nakilala kita dahil sa uniform at bag mo, hinanap kita at nalaman ko na mas matanda ka pala sakin

Mingyu: first time ko makakita ng taong kayang gawin ang ganung bagay, akala ko nga sa tv ko lang siya mapapanuod

Mingyu: simula nun lagi na kitang tinitignan at napansin ko ngang di ka mahilig ngumiti pero kapag kasama mo si seungkwan yung kaibigan mo napapangiti ka niya na realize ko sa pagseselos ko na tuluyan na akong nahulog sayo

Mingyu: naiinggit nga ako sakanya nun, may point nga na gusto ko siyang hamunin sa suntukan eh kaso baka magalit ka kaya di ko na tinuloy

Mingyu: nahihiya ako non kaya di kita malapitan, tas narinig ko na crush mo daw ako

Mingyu: syempre kinilig ako dun di nga ako nakatulog halos one week eh tapos nalaman ko na joke lang pala yun

Mingyu: pero kahit ganun gusto pa din kita, ang bait mo at totoo ka sa sarili mo

Mingyu: ene be yen kenekeleg tuloy ako sa sarili ko hihi

-

senpai ⇝ meanieWhere stories live. Discover now