15;

1.3K 54 13
                                    


wonwoo's

"Wonu senpaii!!" What do i expect. Sa oras na mag pumayag ako na magpaligaw dito sa lokong to eh alam ko ng mabibingi ako ng maaga.

"Wag mo ako sigawan! Rinig na rinig kita."

"Ay sorry hehe excited lang ako."

"Ano first class mo wonu senpai?" Aba himala akala ko stalker na siya. Buti naman di niya alam sched ko.

"Physics, ikaw?" Tanong ko sakanya. Nandito kasi kami sa hallway inaantay si Kwan at Vernon. Kasabay ko kasi sila, edi nakitambay na din tong mokong.

A year ahead ako sakanya kaya di kami pwedeng magsabay. Atsaka iba course niya, kaming tatlo lang naman nila Kwan at Vernon ang nag accountant.

Etong mokong engineering ata kinuha. Same with Soonyoung and Dokyeom.

Hindi niya ako sinundo or whatsoever. Sabay lang talaga kami pumasok.

"Ah calculus akin hehe." Sagot niya.

"Doon ka na sa building niyo. Baka malate ka pa eh ang layo nun dito." Sabi ko para mapaalis na din siya.

"Okay lang Wonu senpai! Kailangan kong siguraduhin na ligtas at buo kang makakapasok sa first class mo." Nagpapakilig ba siya? Kasi kung oo hindi ako kinilig,kung naiinis oo.

"Ayan na sila Kwan. Umalis ka na okay na ako. Malaki na ako at mas matanda ako sayo kaya layas! Don ka na sa building niyo." Kumakaway naman si Kwan habang papalapit samin at muntik pa madapa sa kakamadali ayan madali pa.

"Mingoy!! Bakit ka nandito??" Tanong ni Kwan na kasama si Vernon.

"Ah hinahatid lang si Wonu hehe."

"Ahhh ganun ba hahaha! Mingoy pag pasensyahan mo na tong si Woo ah kahit laging nireregla yan mabait talaga siya. Nag papabebe lang yan--" Hindi na natuloy ni Kwan ang sasabihin niya dahil hinila ko na siya papuntang physics lab.

Letse talaga bibig nito. Malagyan nga ng mansanas next time para di makapagsalita.

"Wo-wonu! Text mo ko kapag tapos na klase mo ah! Sunduin kita, ingat ka!" At umalis na din siya.

"So totoo ngang nililigawan ka ni Mingyu?" Tanong ni Vernon sakin.

"O-oo eh haha." Naiilang kong sagot.
Alam niyo namang naging crush ko si Vernon hehe.

Pero matagal ng wala yun! May Seungkwan na siyang mahal at alam kong masaya sila. Hindi alam ni Seungkwan na nagkagusto ako kay Vernon. Para saan pa? Eh okay na okay naman kami at ayokong sirain to.

"Ahh haha makulit na tao yun talagang maiinis ka. Pagpasensyahan mo na haha."

"Kaclose mo si Mingyu??"

"Yeah. Kabarkada ko siya with Seungcheol hyung. Don't you remember?" Ay shet nakalimutan ko.

Ang sama sama ko naman. Malay ko ba na close sila eh puro Seungcheol sinasabi sakin ni Mingoy. Akala ko magkakilala lang sila hehe magkabarkada pa pala.

"Anyways tetext ka daw niya mamaya Woo! Mygosh! Kinikilig ako sainyo, im so happy for you bessy!!" Ingay nanaman ni Kwan at ang tagal ni Prof.Namjoon laging maaga yun ah bakit wala pa.

"Wag kang kiligin kasi hindi ako kinikilig at wag kang matuwa kasi hindi ako natutuwa."

"Harsh as always. Pero yieee ano gagawin niyo mamaya ha!?"

"Ewan." Tipid kong sagot.

Dumating na si Prof.Namjoon at pumasok na kami sa lab.

Ano nga ba meron mamaya? Anong namang trip ng mokong na yun?

-

senpai ⇝ meanieWhere stories live. Discover now