wonwoo's"Grabe ka Woo! lakas ng tama ni mingoy ah. Ivah ka!" Sabi sakin ni Kwan, nandito kasi kami sa canteen ng university kumakain, lunch na kasi.
Nasasabi niya dahil nandito si Nognog sa canteen. Naka disguise pa ang loko at nakasuot ng punong costume. Mukha siyang tanga di ba niya alam na kita pa din mukha niya -_-
"Bakit ba kasi ayaw mong pagbigyan si Mingoy? Eh gwapo naman! Yummy naman! Atsaka alam mo ba sabi nila Woo, pag mahaba daw kamay mahaba din yung ano.. you-know hihi try mo bes baka magaling sa kam--. Aray!!" Binatukan ko si Kwan bago pa niya tapusin ang sinasabi niya dahil kung ano-ano na lumalabas sa bibig niya. Mygosh eto ba epekto ni Vernon sakanya!? Letse yan!!
"Tigilan mo nga ako Kwan! Wala akong pakielam kung mahaba man yung ano.. Ay basta!! Ayoko sakanya!" Sinabi ko na ngang tigilan ko sunod pa din ng sunod! Nakakirita lang ah.
"Naman bes! Ang gusto ko lang naman sabihin eh why don't you try? Give him a chance! Malay mo maging best choice in your whole life pa yan!"
"Alam mo Kwan hindi ganun kadali. Alam mo naman siguro kung ano nangyari dati diba. Ayoko and that's my answer. Hindi na yun magababago." Hindi naman kasi ganun kadali mag move on lalo na kapag may nangyari sayo noon na hindi mo makakalimutan.
"Im sorry Woo. Alam ko naman nangyari noon, hindi na mauulit." Naramdaman ko na Seungkwan felt really sorry.
Alam niya kasi na sensitive ako sa topic na yun. Chinage topic na niya at iba na lang pinagkwentuhan namin.
Di niya kasama si Vernon dahil iba ang schedule nila.
Tapos na kami kumain at umalis na siya. Mamaya pa next sched ko. Hayy ano naman gagawin ko?
Pag sumama naman ako kay Seungcheol puro kalandian lang nila ni Jihoon makikita ko -_- Wag na lang.
Pumunta na lang ako sa track n field dahil malamig simoy ng hangin don.
"Wonu senpai!" Letse -_- Nandito pa nga pala tong kumag na to. Bakit ko nga ba nakalimutan.
Tsk. Nakakainis.
Pumunta siya sa harap ko, naka civillian na ang loko. Buti naman dahil mukha siyang tanga sa punong costume na yun -_-
Di ko siya pinansin. Aalis siguro to kapag napagod na. Hayaan ko na lang siya. Ayoko magsayang ng laway.
"Wonu senpai iunblock mo na ako please! Di ko kayang di kita makausap huhuhu." Kaasar! Ang panget niya mag pout sarap itulak sa eiffel tower! Bwisit!!
"Wonu senpai please notice me huhuhu!!" Nakakainis na talaga ah, sinamaan ko siya ng tingin sana naman umalis na siya kung hindi mahahampas ko nanaman siya ng libro.
"Waaah! Alam kong gwapo ako pero wag mo naman ako titigan masyado! Kenekeleg eke ene be senpai!" Aba letse talaga to ah!
Kinuha ko yung libro ko at ihahagis sakanya ng bigla niyang hawakan yung kamay ko.
"Wonu senpai, masamang saktan ang taong mahal mo. Sige ka baka di na tayo magkaanak!" Aba gag* to ah!!
Shet! lakas niya di ko maalis yung pagkahawak niya sakin.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko.
"Ayoko nga! Masakit mahampas ng libro Wonu senpai. Ayoko na huhuhu"
"Isa!! Pag di mo bibitawan ang kamay ko malilintikan ka sakin!" Hindi lang libro ang mapupunta sa mukha niya kundi pati tong kamay ko! Sasapakin ko to pag di talaga ako bibitawan!
"Bakit?? Hahalikan mo ba ako para mapatigil ako?" Arghh!!
"Dalawa!! Seryoso ako! Kung di ka titigi--" Hindi ko na natuloy ng bitawan niya ako.
"Sorry.. Gusto ko lang naman makausap ka."
"Diba sinabi ko tigilan mo na ako! Ang kulit mo alam mo ba yun!?!"
"Wonu senpai gusto ko lang naman bigyan mo ako ng chance!" Chance? Para saan pa? Matagal ko ng nakalimutan ang salitang yan.
"Tatlo! Kung hindi ka aalis ngayon din talagang malilintikan ka sakin!"
"Wonu senpai please lang iunblock mo ako! Kung hindi kita makakausap o malalapitan sa personal atleast bigyan mo naman akong chance kahit sa chat lang!"
"Apat!! Umalis ka na ayokong umabot pa to ng lima!"
"Please! Senpai naman.."
"Lim--" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko.
"Im sorry.." Atsaka umalis na siya.
Teka? Ano yung nangyari??
Hinalikan ba niya ko???
-
YOU ARE READING
senpai ⇝ meanie
Fanfiction❝courting a tsundere senpai is a piece of cake for a dumbass kouhai❞ -bxb series #1. all rights reserved 2016.