57;

1K 45 31
                                    


wonwoo's

Shit.

Nandito na ako sa ospital. Hindi ko alam kung bakit siya nandito.

Kaya ba siguro hindi siya nagrereply kasi may nangyaring masama sakanya? Oh please no.

Wala naman siguro kinalaman si Minsoo dito? If yes I will beat him to death, I don't care kung kapatid man siya ni Mingyu.

Sinaktan niya si Mingyu, sasaktan ko din siya. The same goes for the others.

Una akong pumunta sa information desk para tanungin kung anong room siya.

"Room 143 po sir." I thanked the nurse at dirediretso na ako para makapunta sa room niya.

Sabi nila Soonyoung susunod sila. Oh please sana walang nangyaring malala sakanya.

Sinasabi na nga ba eh, he didn't reply to any of my message. It means something.

Bakit ko pa kasi siya hinayaan umalis? Kung naisip ko lang ang psycho niyang kapatid edi sana hindi nangyari to sakanya.

Nakapunta na ako sa room niya. Im standing here at the front door. Kung ano man makita ko pagpasok I have to stay calm.

Kalma Wonwoo...

Kumatok ako ng tatlong beses atsaka pumasok.

What I've seen hit me so hard. Si Kim Mingyu nakahiga, walang malay at puro pasa ang katawan.

So nabugbog siya?

Nandito din ang mama at papa niya. Napatingin sila sakin habang umiiyak.

"You!! Kung hindi dahil sayo hindi mangyayari ito sa dalawang anak namin!" Dalawang anak?

What does she mean? Kasalanan ko??

"Kung sana hindi ka na lang nila nakilala. Edi sana...edi sana masaya kami ngayon..."

Akmang sasampalin na niya sana ako ng biglang-

"Mama, wag niyo saktan si senpai.." He's awake.

Napatigil ang mama at papa niya at tumakbo papunta kay Mingyu.

"Are you okay Mingyu? May masakit ba sayo anak?"

"Papa okay lang ako. Si Kuya Minsoo?"

"He is okay anak. Kanina pa siya nagising, may gusto ka bang kainin? Wag mo pilitin anak kung hindi mo kaya. We are here, babantayan at aalagaan ka namin."

Pinapanuod ko lang sila. Hindi ako makapag salita knowing na kasalanan ko pala kaya siya nag kaganyan. I mean 'sila'.

"Mama hindi ako gutom at okay lang ako don't worry. Pwede bang, mag-usap muna kami ni Wonwoo? I need to talk to him."

I don't want to. Natatakot ako sa sasabihin mo, mas mabuti na lang na kausapin mo ang mama at papa mo Mingyu.

"Si-sige anak. Pupuntahan muna namin ng Papa mo si Minsoo." He smiled at them at umalis na sila.

Hindi na nila ako pinansin.

The room is full of silence. Ako nakatayo, nakatungo at natatakot kung ano ang maririnig ko mula sakanya. Ayokong malaman na nasaktan siya dahil sakin.

Habang siya nakahiga sa isang kama, full of bruises and still smiling like an idiot.

"Senpai hehe kinabahan ka ba? Wag ka mag-alala--" I cutted him off by kissing him.

"I was so worried you idiot! Hindi ko alam kung ano na nangyari sayo!"

"Senpai.. wag ka naman umiyak. Kahinaan ko yan eh." Tama siya, umiiyak ako ngayon.

"Ano ba kasi nangyari..bakit ka ba puno ng pasa? And why Minsoo too?" His smile faded.

"Senpai..si kuya kasi eh..hinamon ako sa suntukan. Kung sino daw manalo makukuha ka, at kung sino matalo titira sa New York at hindi na muling babalik dito sa Pilipinas. Syempre pagkasabi niya pumayag agad ako at gumora agad sa meeting place." So I was right, ako nga ang dahilan.

"Si-sino nanalo?" Tanong ko.

"Hulaan mo~ hihi." It was so obvious.

"Ikaw?"

"Hihihi syempre! hindi ako magpapatalo! Ikaw prize eh." Napangiti naman ako.

He really is an idiot. Kahit punong puno ng pasa ang katawan, nagagawa pang ngumiti na parang walang sakit na nararamdaman.

Pabo Gyu, hahaha.

"Baliw ka talaga! Tignan mo tuloy punong puno ka ng pasa."

"Eh inunurse mo naman ako diba?" Naka pout naman siya. What do I expect, my lover is younger than me.

"Oo na. Pero kung nanalo ka at natalo si Minsoo, ibig sabihin ba nun babalik na siyang New York at permanente na doon titira?"

"Ganun na nga senpai. Sinabi ko sakanya na kahit wag na siya bumalik sa New York basta tigilan na niya tayo but he insisted. Natalo daw siya kaya gagawin niya. Huwag ka mag-alala senpai, okay na kami ni Kuya Minsoo, titigilan na niya tayo."

Pero hindi kami okay ng magulang mo is what I wanted to say, kaso biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang labing isang tao na out of this world ang mga pagmumukha. Mga alien ata.

"Mingoyyy huhuhu okay ka lang ba!?" Hoshi

"Bro lutang pagka itim mo sa white gown na yan ah!" Dokyeom

"Fafa Mingyu what happened to you? Huhuhu!" Kwan

"Hyung..okay ka lang ba? Ang dami mong pasa huhu" Chan

"Aba Mingyu penge fruits ah, gutom na gutom na talaga ako eh." Minghao

At yung iba naman mga umiiyak. Hahaha, akala mo kung ano nangyari.

Pero masaya na ako, kasi okay lang siya.

-

senpai ⇝ meanieWhere stories live. Discover now