BWESIT! BAKIT KA BA NANGGUGULAT HA? AT BAKIT KA BA NANDITO SA BAHAY NAMIN? SINONG NAGPAPASOK SAYO DITO? MAGNANAKAW KA NO? LUMAYAS KA?
Anak sino yang kaaway mo? Halos mapalundag ako sa tuwa nung narinig ko ang pamilyar na boses na mahal na mahal ko. Liningon ko ang pinanggalingan ng boses na yun at hindi nga ako nagkakamali sya nga.
Huuuwaaaaa!
Halo-halo ang emosyon ang naramdaman ko ngayon hindi ko namalayan na naiyak pala ako. Huhu
Hindi ko na hinintay na makalapit sya sakin sinalubong ko agad ang lalaking unang minahal ko. Huhu
DAADDYYYY.. Huhu sobrang miss po kita huhu
Miss na din kita anak. Kayo ng mommy mo. Lalo kanang gumanda ah. Siguro maraming lalaking umaaligid sayo sa paaralan na pinasukan mo. Sabi ni daddy habang yakap-yakap ko parin sya. Speaking of lalaki. Liningon ko yung abnormal na nanggulat sa akin.
Nakangiti ang gago. Kumalas ako sa yakap ko kay daddy.
Diba sinabi ko na sayo na lumayas ka na? Napakamot sya ng ulo. May kuto ba tong bakla na ito. Tss
Anak. Wag mo ngang pagsalitaan si kenjie ng ganyan. Bisita natin sya. Tiningnan ko ng maigi si daddy na nakangiti baka sabihin nya saakin na najojok lang sya. Hindi kasi ako makapaniwala sa narinig ko baka naman pinaikot lang si daddy . Binalingan ko ulit ng tingin yung bakla naka peace sign sya. Pinapaiinit talaga ulo ko nito.
Pasok ka muna sa loob iho. Napansin siguro ni daddy na pinatay ko na sa tingin tong bisita daw namin.
Hayy. Kainis talaga!
VINCENT POV
Napakaganda nya talaga lalo na sa malapitan, hindi nya lang alam na sinusundan ko sila ng kaibigan nya. Sinadya ko talaga syang mabangga kanina para may chance akung makausap sya. Nagtagumpay naman ako. Simula pa lang ito ng paghihigante ko sayo Kenjie Lauro. Paghandaan mo ang surpresa ko sa tamang panahon. Ikaw naman ang iiyak ng dugo dahil siguraduhin kung hindi ka magtatagumpay na mapa ibig mo yung taong mahal na mahal mo. Tingnan lang natin kung hindi ka ba nya kamuhian habang buhay kapag malaman nya ang plano mo. Sayang lang, yung mahal mo hindi ka mahal. Nakakatuwang isipin kung sino pa yung lalaking hinahabol ng buong kababaihan sa campus sya namang iibig sa taong may galit sayo. Hindi ko parin nakalimutan ang ginawa mo sakin dati its been 2years since kinuha mo yung taong mahalaga sa akin pwes babalikan ko ang nakaraang iyon para ikaw naman ang makaramdam ng sakit, puot, na halos magpakamatay sa lungkot at galit.
Hindi ko kailanman tatanggapin ang kabiguan ko noon hanggang ngayon ni hindi ako magawang maging masaya habang yung dahilan ng kalungkutan ko ay masayang masaya ngayon. Nagkamali sya ng inaakala nyang nakalimutan ko na yun
Queenchie Isha Heerchem. Napakaganda nang pangalan bagay na bagay talaga sayo. Hindi mo lang alam na minahal ka ng taong hindi mo gusto sa campus nyo. Ikaw ang maging pain ko para magtagumpay ako sa paghihiganti.
***
Babs, my kwento ako sayo. Alam mo ba nakita ko na yung prince charming ko sa mall kanina tapos ang gwapo nya talaga. May pagka antipatiko sya pero para sakin nakadagdag pogi points yun. Kinikilig talaga ako. Tapos sabi pa nya kanina ako yung ka forever nya. Diba nakakakilig yun? "sabi ko Isha na abot langit ang ngiti ko hanggang ngayon kinikilig parin ako sakanya. Nag uusap kami ngayon sa skype gusto ko makita ang reaksyon nya kaso parang hindi sya masaya sa kwento ko. Tssk wala talagang support ang babaeng to. Mali pala ako ng nasabihan. Kahit iniwan nya ako kanina wala naman akung ibang masabihan ng naramdaman ko.
Binola ka lang nun. Kanina mo pa lang nakita tapos parang close na kayo. Buti pa hindi ako pumayag kay kenjie na umuwi ako para masamahan kita at makita ko yung pagmumukha ng lalaking iyon. Ngayon ka lang nagkaganyan sa isang lalaki ah, akala ko ba sabi mo dati hindi ka maniwala sa forever? "nakasimangot nyang sabi. Pero diba naman people change. Inggit lang siguro ta sakin haha.
Ewan ko din babs e. Makikita mo naman sya bukas, ipakilala ko pa sya sayo sabi kasi nya parehas tayo ng skul. "nakangiti parin ako. Sya naman hindi maipinta ang mukha. Kinikilig parin talaga ako eh. Ngayon lang ako nagkaganito sa isang lalaki.
Ay basta hindi parin ako convince sa lalaking sinasabi mo. Mas gusto ko pa si kenjie para sayo bagay naman kayo e ikaw lang tong engot na babaeng hindi pinapansin ang mala adonis nyang mukha. "marinig ko lang ang pangalan ng empaktong yun ma bwesit agad ako.
Wag nga lang natin syang pag usapan. Nakakainis naman eh. Sige kita nalang tayo bukas. Goodnight. "nag paalam din sya sakin saka nag log out ako. Inaantok na rin ako buti pa matulog na para mapanigipan ko ang ka forever ko.
Wala akung hiniling na iba simula nung nakita kita alam kung ikaw na yung babaeng gusto kung makasama habang buhay. Kahit kailan hindi ko pagsisihan na dumating ka sa buhay ko. Sabay natin abutin ang pangarap natin. Ikaw lamang ang aking iibigin pangako ko sayo walang iba na hihigit pa sa pagmamahal ko. "gusto kung maiyak sa sinabi ni Vincent. Totoo ba itong narinig ko mula sa bibig nya? Seryoso ba talaga sya sa sinasabi nya. Ito na yung hinihintay ko na sasabihin nya ang mga katagang iyon na magpapaiyak sakin mula sa taong mahal ko.
Vincent hindi ko ala-- hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil nakita ko si Kenjie mula di kalayuan na umiiyak na nakatingin sa amin. Gulong gulo ako hindi ko alam kung anong nangyari sa paligid, bakit puro hinanakit ang nakita ko sa mukha nya umiiyak sya na nakatingin samin? Anong ibig sabihin nun. Gusto ko syang puntahan at tanongin kung bakit sya umiiyak. Gusto kung malaman ang dahilan, akmang tatayo na ako para puntahan sya pero tinalikuran nya na kami at naglakad palayo. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko na hindi mapaliwanag na dahilan.
Kenjie ! Hintay. KENJIEEEEE!
Ken--shiiit! Bangungot na naman.! Pero parang totoo lahat ng nagnyari. Pero bakit sya? "hindi hindi mangyayari yun panaginip lang ito Isha! Wag kang ano. Hindi maging totoo yun. Masamang bangungot lang lahat ng iyon. Imposible yun! Halos iuntog ko yung ulo ko sa kama para matauhan ako.
Tumayo ako para kumuha ng tubig, parang bigla lang ako nakaramdam ng uhaw.
Hindi ako makapaniwala, bakit sya umiyak? Yan ang tanong na kanina pa sumagip sa utak ko.
Pinilit kung kalimutan lahat ng panaginip ko pero hindi parin ito mawala sa isipan ko.
Bakit kaya nasama sya sa panaginip ko.?
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
HumorSomeone say, you will do everything to the person who is very important in your life just to make them happy. One day, this cold heartless girl encounter this man in an unexpected time and in unplanned place. Everything seemed unfair when this man...