CHAPTER EIGHT

1 0 0
                                    


Kahit aliwin ko ang utak ko sa pagbabasa ng kahit ano hindi parin maalis sa isipan ko ang tagpong iyon. Haays! Bakit ba ako nagkaganito.

Queenchie!

Empakto! Ano ba bakit kaba hilig manggulat ha? Problema mong kalabaw ka? "singhal ko sakanya. Tssk! Kanina iniisip ko lang sya ngayon nasa harapan ko na ang dahilan ng pagpupuyat ko dahil hindi na mawala sa isip ko kaya hindi ako nakabalik ng tulog kagabi. Kakainis!

Sorry! Kanina pa kasi kita kinakausap hindi ka naman nakinig, ang layo ng iniisip mo. May problema kaba?

Pakialam mo ba! "kahit kailan pakaelamero talaga tong kalabaw na to.

Sungit naman! Pinapunta ka pala ni mommy sa office nya. "nakangiting sabi nya. Tssk! Bakit ba gwapo sya ngayon. Haays ano naman ba tong nasa utak ko. Bakit daw?

Simula nung tagpong yun na pumunta sya sa bahay namin feeling close na masyado sakin pero naiinis parin ako sakanya. Doon ko lang nalaman na sila pala ang may-ari nitong paaralan na pinasukan ko. Malay ko ba. Tapos close pala ang pamilya ko sa pamilya nya? Okay edi sila na ang close. Tapos daddy nya pala yung lagi kong sinasabihan na matandang hukluban. Huhu

Hindi ko alam, wala naman syang sinabi. Gusto mo samahan kita? "pagyaya nya.

Wag na hindi ako bulag at mas lalong hindi ako lampa. "iniwan ko na sya. Bakit ba ako nakipag usap sa kalabaw na iyon. Kakainis lang! Tska bakit naman ako pinapunta ni Mrs. Lauro. Wala naman akung natandaan na kasalanang nagawa.

Kumatok na ako pagdating ko sa pintoan ng office nya. Come in! "narinig ko mula sa loob. Pumasok na ako, ano kayang kailangan nya.

Goodmorning po Mrs. Lauro. "magalang na bati ko. Bakit mabait tong ina ng kalabaw samantalang ang isang iyon ang sama.

Goodmorning iha, hindi ko gusto yang titig mo sakin. May gusto ka bang sabihin? Takte napansin pala nya kahit nakayuko sya. Iba talaga pag matanda na. Pero nasa mid-forthy pa naman ito.

Ah hehe, ano pong maipaglilingkod ko po sa inyo Mrs. Lauro? Pinapunta nyo daw po ako dito. "nahihiyang sabi ko.

I want you to be the representative of this university for the incoming CAMPUS KING AND QUEEN. You and my son ang napili ng board para sa gaganaping kompitisyon next week. Five prestigious school ang kalaban ninyo. Dapat maghanda na kayo simula ngayon. Your excuse sa mga subject mo pinag bigay alam ko na to sa mga professor mo. Dala ninyo ang pangalan ng unibersidad natin kaya kailangan kayong manalo. Dito gaganapin ang contest, dalawang taon na rin na hindi nasusungkit ng representantive ng richwood ang corona kaya naniniwala ang buong board sa kakayahan mo Ms. Heerchem. Pati ang daddy mo buong tiwala nya ang binigay nya sayo. "halos hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko ngayon, hindi agad nag sink sa utak ko ang sinasabi ni Mrs. Lauro at yung anak nya pa ang partner ko for cow's sake!

P-pero po, of all the people why me? I mean po madami naman na mas maganda pa sakin pero bakit ako yung napili nyo? "nakapagtataka naman kasi.

Simply because WE BELIEVE IN YOU. "nakangiting sabi nya. Yun lang yun believe sila kunwari sakin. Anak ng tinulang pula na blue naman eh. Kahit kailan hindi ko pinangarap na sasali sa iba't ibang contest ng pagandahan na yan ang ayaw ko talaga ay yung pagsusuot ng swimsuit sa gitna ng maraming tao. Paksheet talaga!

Look Ms. Heerchem, pinag aralan namin itong mabuti at ikaw lang ang nakapasa sa standard para manalo at madala ang corona kayo ng anak ko sana wag nyo kaming biguin. Marami kaming naniwala sainyong dalawa. Magtulungan kayo tungo sa tagumpay.

Tulala akung lumabas sa office ni Mrs. Lauro, magtulungan daw kami ibig sabihin lagi kaming magkasama? Oh nooooo! It makes me freak out!

Queenchie anong sabi ni mommy? "narinig ko ang boses nya nairita na naman ako. Hindi sa panget ang boses nya ang ganda ngang pakinggan eh pero iwan ko ba bakit kinasuklaman ko tong tao na ito. Tiningnan ko sya parang nalilito din dahi siguro kanina pa ako natulala.

Ikaw siguro kagagwan nito no? "sarkastiko kung tanong.

Wala akung alam ha, pinatawag nga din nya ako e pagkatapos nya daw na kausapin ka ako naman daw ang kakausapin nya. "tinalkuran ko nalang sya kaysa makipagtalo pa ako sa kalabaw na iyon. Wala namang naidulot na maganda ang bakulaw na iyon sa buhay ko puro kabwesitan.

Nakaramdam ako ng gutom kaya dumiritso na ako sa canteen.

Queen! Here. "kumaway si Irish sakin pinuntahan ko nalang yung table nya. Lutang parin akung naglalakd buti nalang wala akung nakabangga.

Hi Queenchie. "nag freeze lahat ng iniisip ko nung narinig ko ang pamilyar na boses nya. Bigla nalang akung tumigil sa paglalakad at sinuri ko ang taong nasa harapan ko kung hindi ba ako nanaginip. Shyeeet! Ang gwapo nya talaga.

Hey, okay lang ba? Kanina pa kita napansin na tulala ka. May problema ka ba? " ramdan ko ang boses nya na may halong pag alala.

Okay lang ako. Gustom na siguro ako. Sinulyapan ko si Irish pero nakasimangot yung mukha nya. Aah, Vincent halika pakilala kita sa bestfriend ko. "hinila ko sya palapit kay Irish.

Irish si Vi-- hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil may biglang humila sa akin.

Omaayy! Si papa Kenjie "tssk papa? Kailan pa ito nagkaroon ng anak. Sinamaan ko ng tingin ang babaeng yun dahil na inis na ako sa bakulaw na ito.

Hindi ko alam na anak ka pala nitong bakulaw na kalabaw na ito? Bakit hindi mo sya samahan kung saan man sya pupunta PARA MAKAKAIN NA AKO DAHIL GUTOM NA GUTOM NA AKO PISTE !! 'halos mapaos na ako sa kakasigaw. Lintek! Gutom na gutom na talaga ako e dahil hindi ako nag umagahan kanina dahil din dito sa deputang kalabaw na ito.

Anong anak? Tang*na! " nainis na sabi nya. At sya pa ngayon ngayon ang galit. Piste talaga.

Kinaladkad nya ako palabas ng canteen. Bwesit talaga hindi naman ako yung tipong kaladkaring babae. Kakainis talaga oh.

Hindi ko namalayan na dumating na kami sa kotse nya.

Sakay! "tiningnan ko lang sya ng why-would-i-do-that-look.

Sumakay ka o sasakay ka? " sa tono ng boses nya galit ito. Wala akung magawa kung makipagtalo ako sa bakulaw na ito. Dahil gutom na ako baka makain ko itong bakulaw na ito. Piste talaga.

Padabog akung sumakay sa kotse nya. Sumandal nalang ako sa headboard tsaka pinikit ang mga mata ko baka sakali mawala itong gutom ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Simula na ito ng kalbaryo sa buhay ko bilang studyante sa paaralang ito.

Layuan mo si Vincent Castro. "bigla nalang nawala ang antok ko sa narinig ko mula sakanya.

What did you say? At bakit ko naman gagawin yun? "takang tanong ko.

Please I beg you. "halata sa boses nya ang sinsiredad nito. Bakit naman kaya. Mabait naman sya sakin. Pinikit ko nalang ulit yung mag mata ko. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Nakakawendang ang mga pangyayari ngayon. Parang babaliw ako.

Please I beg you.

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon