CHAPTER SIX

1 0 0
                                    


Babs, hindi ka parin ba nakamove-on sa kenjie na yun, he's so gwapo kaya. "sabi ni Irish. Isa pa tong babae na ito eh. Lahat sila bukambibig ang lalaking iyon. Wala naman akung nakitang espesyal sa kanya. Kung gwapo lang naman ang pag uusapan oo na gwapo na sya pero wala namang epekto sakin yun eh ang sakin lang naman ay sobrang nakakainis lang sya. Tsaka ako pa yung naisipan nilang pagtripan. Hayy

Kumakain kami ngayon sa isang sikat na fast food chain sa mall na binilhan namin ng mga dragonballs stuff at Cinderella. Kahit iba't iba ang hilig namin ni Irish naagkasundo naman kami kahit papano.

May dapat bang e move on? "hindi ko sya tiningnan. Tinusok tusok ko lang yung ham na nasa plato ko.

Kungsabagay! . Pero bakit kaba mainit ang ulo mo dun ang pogi kaya. Kapag makikita ko sya nawawala na problema at stress ko sa skul pampagoodvives mukha nya e. 'tiningnan ko lang sya parang baliw lang wala namang nakakatawa.

Ibahin mo ako sa mga ka- hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil tumitili ang bruha, sumabay sa paligid. Tiningnan ko naman kung sino ang papasok. Uminit na naman dugo ko nung nakita ko ang mukha ng empakto.

OMAAYGAAAD! BABS! LOOK. WAAAAAAA I CAN'T HELP IT BUT TO SCREAM OUT LOUD DAHIL DITO PAPUNTA SYA SA ATIN. "hindi ko maipinta ang mukha ni Irish dahil sa sobrang nganga tila gusto nyang tumalon na para bang nanalo sa lotto. Tssk!

Pambihira. Napailing na lang ako. Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko. Bahala nga sila magpakabusog nalang ako.

Hi, "sa tono ng boses alam ko kung sino sya. Hindi ko parin sya tinitingnan na parang walang tao sa paligid ko. Nakakairita pakinggan.

Ganyan ka ba kabastos at hindi ka man lang namamansin sa gwapong taong nasa harap mo. "hindi ko makita kung ano ang reaksyon nya dahil hindi ko parin sya tinitingnan. Alam na siguro nya na hindi ko sya papansinin dahil wala na akung narinig na nagsalita sya maliban nalang sa mga bulong bulongan sa paligid ko. Pero nagkamali ako ng inakala nung nagsalita ito muli.

Hoy babae! Bingi ka ba!kinakausap kita!

Hindi pa rin ako kumibo. Uminom ako ng tubig na hindi parin sya pinapansin, umupo pala sya tssk! Hindi ko naman sya pina upo. Wala na din si Irish sa dito malamang iniwan na ako nun dahil sa empaktong ito. Tumayo nalang ako para umuwi na, dinala ko yung mga nabili namin kanina.

Hindi pa nga ako nakahakbang nung hinawakan nya bigla ang kamay ko. Ano bang kasalanan ko sayo at hindi ka namamansin ha, wala naman akung naging atraso sayo atsaka gusto ko lang naman makipagkaibigan. "mahinaon nyang sabi.

Sinong maysabi sayo na may karapatan kang hawakan ako? "walang gana kung sabi. Binitiwan nya naman. Hindi ko sya tiningnan at padabog na umalis. Tssk! Kung hindi lang ako nagpigil kanina, iwan ko lang.

LINTIK ! " singhal ko sa bumunggo sakin. kapag minamalas ka nga naman. Bumangga pa. Bwesit talaga.

Miss sorry, sinadya na mabunggo kita. "hindi ko sya tiningnan pinulot ko nalang yung mga paper bags na nabitiwan ko.

Okay lang, sige alis na ako. Paalis na sana ako nung hinawakan nya yung kamay ko.

Sorry ulit. "sabi nya. Tiningnan ko lang yung kamay nya na nakahawak sa akin. Napansin siguro nya ang pagtitig ko dun kaya binitiwan nya din ito. I'm Vincent. Vincent Castro. Nilahad nya yung kamay na. Nakakahiya naman kung hindi nya ito tanggapin. Queenchie Isha Heerchem. Tinanggap ko ang kamay nya saka tiningnan ang mukha nito. Laking gulat ko dahil pamilyar ang mukha nya. Iniisip ko saglit kung saan ko sya nakita. Iba yung kaba sa dibdib ko. Haay! Abnormal na puso.

Hi Isha. Aamp pauwi kana ba? Ihahatid na kita. "poging ito napaka gentleman naman. Tanggihan ko kaya? Pero okay lang naman kung ihahatid nya ako wala namang masama doon saka hindi ko pa naman na text si Mang Arthur na sunduin ako at iniwan din ako ni Irish.

Isha? Okay ka lang. "tanong nya. Noon lang nagbalik ang katinuan. S-sige. "iwan ko sa sarili ko hindi naman ako ganito dati pero iba yung pakiramdam kapag kausap at kaharap ko ang lalaking ito kahit ngayon lang kami nagkakilala parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko.

Ako na magdadala nyan. "nakanigiting sabi nya. Hindi na rin ako tumutol sa alok nya binigay ko nalang yung paper bags.

Nagtuloy kami kung saan naka park ang kotse ni Vincent, parang matagal na kaming nagkakilala dahil kwento ito ng kwento habang naglalakad kami. Masayahin pala itong kasma eh. Buti nalang pumayag akung magpahatid.

Ano pala ginawa mo dito? Wala ka bang kasama? Tsk! Kailan pa ako naging madaldal sa lalaki. Nakakahiya naman kasi sya lang laging nagkwento simula kanina. Bawiin ko nalang kay-

Wala eh, naisipan ko lang dumaan sa mall baka makita ko yung forever ko hahah. Nakitawa na rin ako sakanya. Naniwala ka doon? "tanong ko.

Umikot sya sa kotse pagkatapos nya akung pagbuksan para pumunta sa passenger seat. OO."tanging sagot nya.

Oh tapos nakita mo ba? "lumingon sya sakin saglit bago binuhay ang makina.

OO.

Tssk wala bang alam na words ang lalaking too at OO lang ang isagot pwedi naman nya dagdagan para exciting yung pag-uusap namin. Hindi na ako kumibo pa dumungaw nalang ako sa bintana. Parang ang awkward lang dahil kanina parang close kami talaga ngayon parang naiilang na ako.

Sa Richwood ka din ba nag-aaral? "basag nya sa katahimikan.

OO. Sagot ko. Akala nya sya lang marunong ha. Natanaw ko yung bahay namin tinuro ko sakanya. Di naman kalayuan ang bahay namin sa mall na pinuntahan namin kanina ni Irish. Palaisipan pparin hanggang ngayon kung bakit nya ako biglang iniwan. Tampo na ako sakanya.

Pagkahinto ng kotse nya akmang lalabas na sana ako kaso inunahan nya ako. Hintayin m'ko. "nakangiting sabi nya.

Bumaba na ako nung binuksan na nya. Salamat sa paghatid ha. "sabi ko.

Wala yun. Magkita nalang tayo sa University. Doon din kasi ako nag-aaral e. "pagkarinig ko sa sinabi nya bigla akung napangiti. Yaay! Araw-araw pala kita makikita. Ayos aah. Wala sa sarili kung sabi. Napangiti naman sya doon nang bigla akung nakaramdam ng hiya.

Sige ah, una na ako ingat ka sa pagdrive. "tinalikuran ko na sya at nagwave.

Bye my FOREVER.. "tama bang narinig ko tinawag nya akung my forever? Lumingon ako sakanya pero huli na dahil nakasakay na sya uli sa kotse nya. Naguguluhan ako tama kaya ang narinig ko or guni-guni lang yun. Pero iba ang naramdaman ko boses nya talaga iyon.

MY FOREVER

MY FOREVER

MY FOREVER

Queenchie!

Ay forever!

Sinong forever? Ako? Ako ang forever mo? 

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon