CHAPTER TEN

1 0 0
                                    


Nandito kami ngayon sa gymnasium. Magpractice daw pero yung isipan ko kung saan saan lang lumilipad. Hindi ko naman inakala na totohanin nya yung aalis sya kanina. Hindi ko din alam kung bakit ako naiinis.

Ms. Heerchem, focus on what you're doing. Narinig kung sigaw nung bakla na naturo samin. Kanina pa ako nakahalata sa baklang to ah laging nakatingin kay Rain tapos yung mokong na yun nakangisi lang. Gago!

Ms. Heerchem ano ba? Gusto mo bang manalo sa kompetisyon na ito? Ayusin mo nga yang lakad mo. Chin up! Kung saan saan ka nakatingin eh saka focus! Yun lang naman ang kailangan eh. Mahirap ba yung gawin? Inis na sabi nya. Hindi ko nalang pinansin yung mga satsat nya. Pagod na kaya ako kanina pa ako nakatayo dito ah parang pinarusahan ako nito bwesit talaga.

Pagod na ako.

Walang gana kung sabi saka pumunta sa gilid kung saan nadoon ang mga gamit ko. Wala ba itong katapusang practice na ito? Kung totuusin kaya ko naman yang simpling rampa na yan eh sadyang wala lang talaga ako sa mood ngayon. Ang dami ko nang iniisip sa araw na ito. Kagabi pa ako nagkaganito.

Bigla akung nauhaw. Pupunta nalang akung canteen.

Here.

Tiningnan ko ang mukha nung lalaking nag abot sakin ng bottled water. Ngumiti ako nung tumumbad ang gwapong mukha ng lalaking gusto kong makita araw-araw.

Kinuha ko yung inabot nya sakin. Thanks!

Mukhang pinagod ka ng baklang yun ah tapos wala namang ginawa yung partner mo.

Tiningnan ko sya pero hindi sya nakatingin sakin instead doon sya nakatingin kay Rain pero yung tingin nya parang kakain ng tao. Sadyang judgemental lang talaga ako.

Napansin ko din yun, pero sabi naman nung bakla na yun na tapos na daw si Rain late kasi akong dumating. I smiled bitterly nung naalala ko nung iniwan nya ako. Akala ko naman nandoon si Mang Ando pero umalis pala kaya nagtataxi nalang ako.

Ganun ba? Tumango nalang ako bilang sagot. Bakit ba ang pogi nya. Ang ganda ng mata nya pati yung kilay nya ang ganda ng pagkalikha. Parang may favoritism naman bakit yung iba kailangan pang magkiskis ng kilay.

Queen? Okay ka lang?

Huh? A-ako? Hehe oo naman. Pwew! Muntik na ako dun ah.

Teka. Vince bakit ka pala napsyal dito wala kang klase?

Tapos na. Sinadya talaga kitang puntahan dito gusto kasi kitang makita. Nakayuko na sabi nya. Nahihiya siguro sya. Hehe parang bakla pala to ang cute naman nya mahiya. Pero ano daw sabi nya? Gusto nya akong makita?

Tama ba narinig ko? Gusto mo akung makita? Panigurado ko. Baka naman kasi jokjok lang nya yun mapahiya pa ako.

Oo. Hindi kasi kita nakita kahapon eh. Napakamot sya ng ulo. Isipin ko na talaga na may kuto sya. Baka mahawaan pa ako nito.

Ah. Ganun ba? Hehe. Wala akung maisip na masagot sakanya. Ano naman sasabihin ko kaya? Bakit ganito yung naramdaman kapag malapit ako sakanya. Hay.

"Isha? May itatanong ako sayo wag ka sanang magalit." Ngayon nakatitig na sya sakin. Manliligaw kaya sya? Omaygaad. Ano ba dapat isagot ko. Bakit ganito kinakabahan ako. Huhu

Sige lang. Nginitian ko sya para naman hindi sya kabahan. Naramdaman ko kasi na malamig yung kamay nya. Hinawakan nya kasi yung kamay ko.

Pwede ba akung man-

Hoy babae may magpraktis na tayo!

Liningon ko yung lalaking isturbo. Sinamaan ko sya ng tingin ganun din ang ginawa nya. Lumingon ulit ako kay Vincent nakatingin din sya kay Rain ano bang problema nitong dalawa napansin kung kinuyom yung kamao ni Vince nung humiwalay sya pagkahawak ng kamay ko. Magsalita na sana ako pero inunahan nya ako.

Sige Isha, sa susunod nalang ha. Paalam nya sakin saka dali-daling tumayo. Tumayo nadin ako para magpraktis ulit.

"Sige." Nanghihinayang ako ano kayang tanong nya sakin? Kung hindi ba naman pakaelamero tong mukhang kalabaw na to. Nakakabwesit talaga! Liningon ko si Vincent pero wala na sya. Ang bilis naman nya mawala.

Hoy babae! Tatayo ka nalang ba dyan?

Pakialam mo ba! Singhal ko sakanya. Talaga namang pakealamero sya eh. Naudlot tuloy yung tanong nya.

At talagang may pakialam ako dahil nandito tayo para magpraktis sa darating campus king and queen. Tayo ang representative ng school na ito kaya dapat magfucos ka hindi yung makipaglandian. Maraming naniwala sa ati-

Cut that! Kung makasermon naman kasi, alam ko naman yun. Hindi ko nalang kaya sya susungitan? Parang napapansin ko enjoy sya na susungitan ko. Yun nalang gawin ko sa mokong na ito. Akala nya ha mapapaikot nya ako.

Ah Rain nagugutom kasi ako, kain muna tayo wag mo na kasi akung sermonan dyan daig mo pa yung nag menopausal eh, haha. "mukhang effective naman pala ang pag sweet sweet na ginawa ko. Parang nagulat pa sya. Kung makikita nyo lang hitsura nya matatawa kayo.

S-sige"nakangiti nyang sabi saka ako inakbayan papuntang canteen.

Let the game begin.  

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon