CHAPTER ELEVEN

1 0 0
                                    


"pfft. Hahahahah''

Ano naman nakakatawa sa sinasabi ko?. Nagpigil parin sya ng tawa. Kanina pa sya halos mamatay sa kakatawa. Andito kami ngayon sa gymnansium last day na namin tong magpraktis ng tamang paglakad bukas yung basics naman kung paano sumagot. Totoo kaya yun.

"hahahhahha, sorry pero kasi nakakatawa naman talaga eh.

*pout*

Tawa parin sya ng tawa. Kinikwento ko kasi sakanya yung una ko syang nakita nung naligaw sya sa tree house ko.

Hindi ka parin ba magseryoso dyan? Nakakainis naman kasi eh.

'haha oo na. Pero seryoso ako Ish pwede bang mamasyal ako sa tree house mo?

Hehe oo naman.

Excited na ako.

Mukha nga. Sagot ko sakanya. Lumilipas ang mga araw lalo akung napanatag at napadalas ko na syang kausap ng mahinaon. Magaan na yung pakiramdam ko sakanya at komportable na ako na kasama sya. Ang saya naman pala nya kasama eh. Nalimotan ko nga minsan na naglalaro ako.

♫♫meet me in the pouring rain♪♫

♫♫Kissed me on the sidewalk♫♫

♫♫Take away the pain♫♫

♫♫Cause i see sparks fly♫♫

♫♫Whenever you smile♫♫

Kinuha ko yung phone ko sa bag. Sino naman kaya ang tumawag.

"Nice ringtone." Komento nya. Nginitian ko nalang sya bilang sagot. Tiningan ko yung screen kung sino ang tumawag, si Vincent pala. Napangiti ako.

H-hello Vince.

[Isha, i missed you]

I mi- hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko sakanya na miss ko na din sya. Parang malumbay yung boses nya sa linya. May problema kaya sya. Tiningan ko si Rain na nakatingin sa akin na nakakunot yung noo nya.

[pwede ba tayong mag-usap mamaya? Kung hindi ka busy. Pero kung busy oky lang may susunod na araw pa naman]

Vincent kasi- bakit ba nauutal ako sa oras na to. Parang wala ako sa katinuan ngayon. Nakita ko si Rain na tumingin sa ibang direksyon. Parang nagiguilty ako sakanya.

[naintindihan ko. Sige pasensya sa isturbo. Ingat ka]

Ge. In-end ko yung call.

Rain. Okay ka lang? Kanina kasi tawa sya ng tawa ngayon naman parang iwan na yung mukha nya. Problema naman nito kaya.

Sabi ko naman sayo diba na layoan mo yung Vincent Castro na yun. Hindi parin sya nakatingin sa akin. Nakayuko parin sya. Pero curious ako kung bakit.

Bakit? Takhang tanong ko.

Basta. Sigurado akung may plano syang hindi maganda sakin tapos ginagamit ka lang nya.

A-ano? Hindi ko maintindihan. Sinisiraan ba nya si Vincent? Kung alam lang nya nya alam ko na sya ang may plano sa akin.

Galit kasi sya sakin simula nung- AISH! Ano kasi- parang hirap sya mag explain.

Bakit naman sya galit sayo? May ginawa ka bang masama sakanya? Mabait naman si Vincent eh. Totoo naman na mabait si Vincent, crush ko nga sya. Tsaka minsan nga lang ako magkacrush lalayuan ko pa.

Ihahatid nalang kita. May pupuntahan pa ako" tumango nalang ako seryoso kasi yung mukha nya.

KENJIE POV

I don't know how to start, wala akung karapatan na sabihan sya na layuan nya ang Vincent Castro na yun. Kailangan kung gumawa ng hakbang para hindi sila magkalapit.

Tahimik parin syang nakaupo sa tabi ko at tumingin sa labas. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya ngayon. Natatakot ako kung anong mangyari sa kanya alam kung komportable sya kay Castro at alam kung gagamitin lang sya para maghigante sa akin. Lagi ko syang sinulyapan alam kung nung una na pinagpustaan lang namin sya pero ang totoo minahal ko na sya simula nung una ko syang nakilala.

"Rain/Isha" sabihin ko sana na andito na kami kaso nagkasabay pala kami na magsalita.

"Ah. Hehe salamat sa paghatid ha."

"Welcome. Sunduin kita bukas" sagot ko sakanya saka ako bumaba para pagbuksan sya.

"Salamat ulit. Ingat ka sa lakad mo." Nginitian ko nalang sya bilang sagot wala kaung maisip dahil occupied ang utak ko. Pumasok na ako sa kotse at binuhay yung makina pagpasok nya sa gate nila.

Missed ko agad sya.  

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon