Prologue

359 76 39
                                    

WARNING

This story has a mature content. If you're underage please don't read it. But if you're an open-minded person you're free to read this. Sorry for the typos and grammars. Please bare with it.

Any similar story, names, places and etc. is purely coincidental. Do not attempt to copy these story. Plagarism is a crime.

***
May mga bagay talaga na hindi mo inaasahang mangyari, akala mo tahimik na at walang komplikasyon pero dahil nga ang tadhana talaga ang nag desisyon magiging magulo ang tahimik na buhay at relasyon mo.

Ikaw ba, naranasan mo na bang magmahal ng sabay? Kasi ako OO

Alam mo kung ano ang pinakamahirap? Ay yung hindi mo alam kung sino ang totoo sa kanila. Kung niloloko ka lang ba o hindi.

Sino ang pipiliin mo? Yung boyfriend mo ba o ang taong ka kilala mo lang na hindi mo alam kung ano ang tunay na nararamdaman mo para sa kanya?

Tunghayan ang napaka komplikado kong buhay pag-ibig...

__________________

Ako nga pala si Ashley Venice Romero I'm 19 years old. Hindi naman kami mahirap ni mama at hindi rin naman kami mayaman kumbaga sa middle class lang kam saka wala na akong papa iniwan na niya kami para sa ibang pamilya niya.

At wala na akong pakialam sa kanila ang gusto ko lang ay makapag-tapos at mabigyan ng magandang buhay si mama.

"Ma! Alis na ako ah? Mag-iingat ka dito. Mahal na mahal kita."- usal ko at yumakap ng mahigpit kay mama.

"Ikaw rin anak. Mag-aral ka dun ng mabuti."

"Opo mama, saka mag hahanap na ako ng trabaho duh para na rin sa mga babayarin dun sa paaralan."

"Hay nako. Mag focus ka sa pag-aaral mo anak. Osiya sige na, baka malate ka sa sasakyan mong bus."

"Bye ma."- huling salita at hinalikan ko siya sa pisngi. Lumakad na ako palayo at nag wave ako kay mama. Ma mimiss ko ang lahat dito lalo na si mama at yung boyfriend ko. Nandon yun sa hospital at binabantayan ang papa niya, kaya hindi niya ako maihatid. At naiintindihan ko naman yon.

...

Nang makarating ako sa maynila at agad akong naghanap ng matutuluyan na malapit lang sa school.

At kapag sinusuwerte nga naman may nakita akong isang apartment, mukhang bagong tayo lang dahil yung pintura nito ay bago pa at ang estruktura nito ay mukhang kakatayo lang talaga.

"May available pa po bang rooms?"- tanong ko sa babaeng matanda na at ang sungit nitong tignan.

"Sigurado ka bang dito ka titira hanggang mag tapos ang klase diyan sa katabing unibersidad?"- nakataas na kilay nitong tanong saken.

"Opo."

"Kung ganon, ito ang susi. May roommate kana don, saka mag advance payment ka ng tatlong libo."

"T-tatlong libo po?"- aba't sobrang laki naman nun kapag ganon.

"Oo, bakit may reklamo ka? Kung ayaw mo maghanap ka na lang ng ibang apartment. Saka ito lang ang apartment na malapit sa unibersidad, hulaan ko sa katabing unibersidad ka mag-aaral?"

"Ah sige po. Ito na po yung tatlong libo. Opo, graduating na po ako."- sabi ko saka inabot sa kanya ang tatlong libo. Maghahanap na lang ako ng trabaho siguro, ayaw ko na rin namang umasa kay mama. Alam kong naghihirap din siya para sa tuition ko.

Umalis na yung matanda, ni hindi man lang nagpakilala saken. Kaya pumunta na ako sa taas dahil yung room number ko ay 8, napansin ko namang may anim na room sa baba kaya baka hanggang 6 lang doon kaya kailangan kong tignan kung nandito sa itaas ang room 8

Nakita ko naman kaagad iyon at ginamit ko ang susi para buksan ito. Bumungad saken kaagad ang isang babae na naglalagay ng lipstick sa kanyang labi. Tinignan niya lang ako ngumiti din, kaya timango ako at ngumiti din sa kanya.

A Complicated OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon