Chapter 8: Other Dimension

22 7 0
                                    

Inikot ko ang paningin ko para hanapin yung boses na patuloy na tumatawag sa akin. Halos kahit saan ako tumingin dinig ko ang boses na paulit ulit akong tinatawag at di ko malaman-laman kung saang banda ng lugar nagmula ang boses na iyon.

Maynakita akong mga alitaptap na parang dinadala ako nito kaya napahakbang nalang ako sa kung saan papunta ang mga alitaptap na iyon.

Huli na ng malaman kong nasa gilid na ako ng tubig na binabagsakan ng tubig at nahulog na ako doon. Sinubukan umahon pero di ko magalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. Para bang ayaw nitong umahon ako sa tubig.

Maynaaninag nalang akong papalapit na kung ano sa akin. Sinubukan kong titigan iyon ngunit nauubusan na  ako ng hangin. Sa sobrang uhaw sa hangin unti unti nalang napapapikit yung mga mata ko.

Pero bago ako napapikit naaninag ko ang bagay napapalapit sa akin.

isang dragon...

alam kong isang sea dragon iyon.

Napamulat agad ako ng mga mata ko ng maalala ko lahat ng nangyari lagabi bago ako nawalan ng malay.

Napaupo agad ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Sinubukan kong pagmasdan ang paligid.

Nasaan ako?

Mukhang di naman to ang tent ko dahil para akong nasa ilalim ng lupa.

Biglang bumukas yung pinto kaya napa lingon agad ako doon. Sa umpisa inakala kong si Kent pero ng makaharap siya ibang nilalang ang nakita ko.

Naka pantalon siyang medyo mahahalata mo ang kalumaan at hanggang tuhod lang tska yung damit niya na medyo sira na.

Natakot ako bigla ng lumapit siya habang nakangisi sa akin. Nataranta ako kaya bigla akong nahulog sa higaan. Naunang bumagsak yung pwet ko, pero kahit ganoon sinubukan kong isiksik ang sarili ko sa gilid. Nakangisi pa rin siyang pumapalapit sa akin. Dinampot ko yung stick ng kahoy sa gilid.

"Sige.... subukan mo lang lumapit." Sambit ko at tinutok ko yung stick sa kanya.

"Ano naman ang gagawin mo sa akin gamit iyan?" Natatawa niya wika. "Dapat nga siguro magpasalamat ka sa akin dahil niligtas kita."

Binitawan ko nalang yung hawak ko.

Anong niligtas?

Tumayo ako at hinarap ko siya.

"Sabihin mo... asan ako?" Tanong ko sa kanya.

Di niya ako pinansin at naglakad siya paikot ikot sa akin at dahan dahan akong pinagmasdan.

"Hindi ka taga rito... mukha kang tao pero sa nakikita ko isa kang Emortian." Sambit niya. "Sino ka?"

"Sagutin mo muna yung tanong ko." Sambit ko sa kanya at sa pangalawang pagkakataon di nanaman niya pinansin yung sinabi ko.

Nagulat ako ng naglakad siya papalapit sa akin at nakatitig sa bagay na nakasabit sa leeg ko. Yung kwintas ko na hugis pakpak ng anghel. Matagal din niya iyong tinitigan ng biglang bumukas yung pinto upang mataohan siya. Dalidali naman siyang lumingon doon.

"Lord Winter... Handa na po ang lahat." Sambit ng lalaki sa labas at tumango naman ang tinatawag niyang Winter at tska sinara na ulit ng lalaki yung pinto.

"Stay here, Erza." Sambit niya na ikinabigla ko. "Wag kang mabibigla... nabasa ko lang yung pangalan mong nakaukit sa likod ng kwintas."

Tumalikod na siya sa akin at naglakad papalayo sa akin. Lumapit ako doon sa pinto pero sirado ito. Nilapit ko yung tenga ko doon sa pinto upang marinig ang kung ano man ang nasa labas. Narinig ko nalang yung ingay sa labas na parang biglaang nagkagulo doon.  

Ginawa ko ang lahat ng paraang pwede kong gawin para mabukas ang pinto pero bigo pa rin ako. Naalala ko yung hairpin sa buhok ko. Agad ko naman iyon kinuha at ginamit pambukas ng pinto. At di naman ako nabigo dahil mabilis ko lang naman iyon nabuksan. 

Paglabas ko nakita kong nagkakagulo nga sila. Parang nagkakaroon ng isang malaking hidwaan. Ito na ang chance para makatakas ako.

Wala din namang pumapansin sa akin dahil may kanya-kanyang ginagawa ang lahat.

Nagulat ako ng makita ko ang  nilalang na kinakalaban nila. Isang malaking ibon. Natigilan ako bigla ng makita ko iyon... parang siya din yung ibon na nakikita ki sa mga panaginip ko. Ang pagkakaiba lang ay di siya ganon kabata.

Maybiglang lumapit sa akin na isang pusa at takot na takot na sumiksik sa akin. Mukhang wala na akong choice kundi isama ang kuting na ito sa akin pagtakas. Tumabok ako upang hanapin yung daan palabas habang kampante naman sa mga bisig ko itong pusa.

Nakita ko nalang yung mga kimikinang na mga bagay sa paligid ko, dahilan ng aking pagkahilo.

Habang sinusubukan kong  labanan yung pagkahilo ko napalingon ako sa likod ko at nakita ko yung ibon na papalapit sa akin. Ng tuluyan siyang makalapit bigla siya sa akin napayakap.

"Erza." sambit niya.

dahan dahan nalang sumara ang mga mata ko at tanging ang kulay blue niyang mga mata ang nakikita ko na para bang sinasabi sa utak ko na kilala ko ang ibon na ito.

____________________

Winter's POV

"Erza." Dinig kong sambit ni Gray na ikina lingon ko.

Nakita kong hawak hawak niya ang bihag ko na walang malay sa mga oras na ito. May kakaiba akong nakita kay Gray habang nakatingin siya sa bihag ko. At kung di man ako nagkakamali nakikita ko ngayon yung kulay ng mga mata sa tuwing nagiging mahina siya.

Matagal kong pinag aralan kung papaano ko mapapabagsak ang nag iisa kong kaaway. Sa mga oras na ito nalaman ko din na kahinaan niya ang aking bihag.

Dali dali akong sumugod sa kanya at kinuha ko si Erza. Madali ko naman iyong nagawa dahil hanggang ngayon wala pa rin siya sa katinoan habang nakikipaglaban.

"Master nakuha ko na ang kailangan natin." Sambit ng isa sa kanyang mga kawal.

Dahil sa nangyari wala silang nagawa kundi hatakin ang kanilang pinuno palabas ng teretoryo namin.

Napatingin ako kay Erza na wala pa ring malay hanggang ngayon.

"Lord Winter... hindi nagtagumpay ang plano natin." Panimula ng isa sa mga kawal ko. "Ano po bang susunod na hakbang ang gagawin natin."

"Wala tayon gagawin.... sa puntong ito nasa atin ang alas." Sambit ko sa kanila.

Meyo nagulohan sila sa sinabi ko. di ko nalang sila pinansin at binuhat ko nalang si Erza upang dalhin siya sa kanyang silid. Ng nilapag ko siya sa higaan niya umagaw ng aking pansin ang kwintas na nakasabit sa leeg niya.

Parang maykakaiba sa kwintas na iyon. Parang nakita ko na to dati pa. Napailing na lamang ako.

Ano bang meron sa babaeng ito at anong kinalaman niya kay Gray....

Napangisi nalang ako sa naisip ko. I can use her against the great Gray.

It feel like she's the girl they said that Gray loves the most... the girl from that other dimension

Back At The Land Of Emorta [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon