"Don't worry I'll be okay." Paalala ko kay Paul.
"Take care Vir." sambit ni Paul at hinalikan niya ako sa noo. Bigla naman siya napatingin kay Kent. "Take care of my cousin, Kent."
"I will... you don't have to remind me." Sambit ni Kent at napangiti siya. Para bang nag uusap sila sa mga ngiti. huh!
"I'm sorry that I can't go with you guys... I need to explain everything kay Grandma." Sambit ni Paul. "Ready na ba yung mga gamit mo?"
Pagkasabi noon ni Paul sakto naman na dumating si Heather.
"They're already..." Masayang wika ni Heather bitbit yung bag ko. Siya na daw kasi bahala sa mga gamit ko kaya hinayaan ko na siya. "They're all packed."
Maykakaiba sa pagkakasabi nun ni Heather. Para bang kinabahan ako sa tono ng pagkakasabi niya.
"Hindi ka ba sasama?" Tanong ko kay Heather at mabilis naman siyang umiling.
"Ayoko ng makaistorbo." sambit niya.
"huh... bakit naman makakaistorbo ka?"
"ahhh wala basta." Ngumiti siya ng nakakaloka kaya napatingin ako kay Kent. "Sige alis na kayo."
Tinulak na ako ni Heather papunta kay Kent. Sumakay naman agad kami sa kotse. Habang papalayo na kami sa kanila nakita kong nagbabangyan nanaman si Paul at Heather.
"Why are you laughing?" Nagulat ako ng biglang hawakan ni Kent yung kamay ko. Napailing nalang ako. "Matulog ka nalang... I'll wake you up pagnakarating na tayo doon."
Tumango ako sa sinabi niya at sinunod ko naman yung sinabi niya. pinikit ko nalang yung mga mata ko at hinayaan ang sarili na matulog.
___________
Napamulat ako ng mapansin kong di na umaandar yung kotse at nakita ko si Kent sa tapat ng kotse at may kausap.
Napalingon naman siya sa akin at pumasok sa kotse ng mapansin niya na gising na ako.
"We're here." nakangiting wika ni Kent.
Lumabas naman kaagad ako at nakita ko yung buong ganda ng dagat ng resort. Namangha ako dahil sobrang tagal ko ng di nakakapag swimming.
Hinatid muna ako ni Kent sa papunta sa magiging kwarto ko. Agad naman na linapag ni Kent sa gilid yung bagahe ko.
"If you need anything don't hesitate to call me." Sambit niya at tumango naman ako. "Sa kabila ang room ko but i'll be out... pupunta ako sa seashore. Be ready, alam kong na miss mo din ang beach ill just wait you there."
Tumango ulit ako sa kanya at ginulo pa ni Kent yung buhok ko bago pa siya umalis.
Tumakbo agad ako papunta sa gilid kung saan nakalagay yung maleta ko. excited lang talaga ako mag swimming. Pagbukas ko ng maleta ko nabura yung ngiti ko.
"OMG.."
Natulala nalang ako ng makita ko yung mga damit na inipake ni Heather.
Puros dress yung laman ng dagahe ko.
Ano to? Lalanguy ako ng naka dress?
Napapalo nalang ako sa maleta ko ng bigla ko napansin yung nakasiksik sa gilid na kung ano.
Paghila ko... Two peace?
Pambihira!!!
Sinuot ko nalang 'yon at nagtali ng maliit na balabal sa bewang ko at lumabas na din ako para hanapin si Kent.
Kaya pala kakaiba yung mga ngiti ni Heather bago kami umalis. Pinagbabalakan na pala ako ng baliw kong best friend. Dapat pala di ko siya hinayaan na mag-impake ng mga gamit ko.
BINABASA MO ANG
Back At The Land Of Emorta [Book 2]
FantasyIsang panaginip ang palaging gumagambala sa akin. 'Di ko alam kung bakit palagi akong nakakakita ng anghel na babae at lalakeng may itim na pakpak. Gusto ko malaman ang dahilan kung bakit ako laging ginagambala ng mga 'yun... babalik ako sa simula k...