Prologue

71 8 0
                                    

Isang batang babae ang aking nakita. Hindi ko makita ng kabuoan ng kanyang mukha. Naka suot siya ng puting gown. Gawa ang damit niya sa balahibo ng ibon. Kahit na 'di ko maaninag ang mukha niya alam kong mukha siyang anghel.

Nakatayo lang siya sa mataas na lugar at naka tingala lang sa bituin na parang may hinihiling siyang dumating .

May isang patak ng luha ang bumagsak mula sa mga mata niya...

Bigla naman lumiwanag ang lugar nung natuloan ang lupa ng kanyang luha. Sa pagliwanag nito ay may isang nilalang ang biglang bumungad. Isang lalake na parang ito ang kanina pang hinihintay ng batang babae. At mukhang magkasing gulang lang silang dalawa.

Katulad lamang ng batang babae 'di ko makita ang mukha ng batang lalake pero yung mata niya... nangingibabaw ang pulang kulay sa mga mata ng lalake.

May malaking itim na pakpak ang lalake. Lumapit siya sa babae at parang pinunasan niya yung mga luha sa mukha ng babae. At dun ko nakita ang pagbago ng kulay ng mata niya. Nagi itong bughaw.

Biglang napayakap ang babae sa lalake na siyang pagpalit nanaman nito ng kulay ng mata ng lalake. At nagi naman itong kayumanggi.

Gusto ko silang lapitan. Parang tinatawag nila akong dalawa. Hahakbang palang ako upang makalapit sa kanila ng biglang....

''Erza!'' Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Heather. ''Wake up gangster babe.'' Niyugyog niya pa ako.

Nakatulog lang pala ako kanina. Huh! Panira ng tulog 'to nuh.

''isuot mo na yung gloves mo... may race tayo.'' Sambit niya. Pero bigla siyang natigil ng mapansin niyang hindi ako okay. ''May problema ba.'' Bakas yung pag alala niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya tska huminga ng malalim.

''Nanaginip ako... katulad ng dati kong mga panaginip...'' panimula ko. ''Nakita ko nanaman yung mukhang anghel na babae at yung lalakeng may itim na pakpak.''

'Di ko alam kung bakit paulit-ulit akong ginagambala ng mga nilalang na iyon sa aking panaginip.

Sana walang kinalaman ang mga 'yon sa buhay ko. Sana 'di totoo ang mga bagay na napapanaginipan ko...

Sana nga...

Back At The Land Of Emorta [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon