Napamulat ako ng bigla kong makapa yung malambot na kamang hinihigaan ko.Akala ko isang panaginip lang iyon at nakabalik na ako sa normal na mundo ko.
Pero, hindi.
Madilim sa paligid at tanging ang ilaw mula sa labas ang nagsisilbing liwanag.
Nagulat ako ng mapansin ko yung presence ng isang nilalang sa isang sulok. Nakatalikod siya sa akin at walang suot na damit pang itaas. Bale naka topless lng siya.
Bigla siyang napalingon ng ulo niya at mukhang napansin niyang gising na ako.
Tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan ng makita ko na ang mukha niya. Siya yung ibon na kaaway ni Winter. Maykakaiba sa kanya ngayon. Wala yung mga pakpak niya mula sa likod.
Napatayo ako at tumabo ako papunta sa pinto. Pero sirado iyon. Gusto ko na sanang magwala pero mukhang walang magagawa iyon.
Napahakbang siya papalapit sa akin kaya nagawang umatras ng mga paa ko palayo sa kanya.
"Wag kang lalapit!" Diin ko sa kanya pero di niya ako pinakinggan.
Naramdaman ko nalang ang paglapat ng likod ko sa pader kaya masdumoble yung kaba ko ngayon. Parang gusto ng lumabas ng puso ko. Napapikit nalang ako hanggang sa naramdaman kong nakalapit na siya sa akin.
Mas inaakala kong sasaktan o kaya kakainin niya ako o kahit anong masama. Pero tanging paghawak niya sa kamay ko ang naramdaman ko at nilagay niya iyon sa dibdib niya. Narandaman ko nalang yung pagkabog ng puso niya kaya napamulat ako ng mga mata ko. Una kong nakita yung mahinahon niyang mukha at... that blue eyes.
"Who are you?" Bigla nalamang lumabas iyon sa bibig ko.
Nakita ko siyang ngumisi at di niya inalis yung mga titig niya sa akin.
"Why don't you ask yourself that same question." natigil siya sandali sa pagsalita. "Yeah, I almost forgot... you can't remember a thing."
Napatulala ako sa sinabi niya. Sigurado akong siya yung bata na nakikita ko sa panaginip ko. Pero older version lang siya at mukhang magkaedad lang sila ni Winter.
"Gusto mo bang malaman kung sino ka?" tanong niya sa akin. Hindi ko magawang makasagot sa tanong niya. Ngumiti siya ng mahina bago ulit nagsalita. "You're the one who made this deep cut in my heart."
Nagulohan ako sa sinabi niya. I'm the one who made a deep cut in his heart? Naulit sa utak ko ang tanong naiyon tska ako napatingin sa bandang dibdib niya kung saan nakalapat ang kamay ko. Dahan dahan ko iyon tinanggal at nakita ko na may malalim nga na sugat doon. Pahaba ang sugat sa dibdib niya at mukhang malalim nga ang sugat.
"Gray, kailangan---."
Natigil yung babaeng nagbukas ng pinto.
Napalingon ako sa babaeng iyon habang ang tinatawag niyang Gray ay sa akin pa din nakatingin. Unang tingin ko palang sa babaeng iyon inakala kong si Winter pero hindi. Sobrang magkamukha lang pala sila ni Winter. Mas malinis nga lang tingnan 'tong babae. Maayos kasi siyang tingnan mula sa buhok hanggang sa pananamit. Samantalang si Winter ay mururuming damit at magulong buhok.
"Master." Sambit ng isang babae. At sigurado akong siya yung huli kong nakita bago ako mawalan ng malay.
Nataohan naman ang nilalang sa harapan ko at lumingon siya sa maypinto.
"Kailangan kana master doon."
Mukhang wala na din siyang nagawa kaya tahimik siyang lumayo sa akin at lumabas na siya ng silid. Sumama na din sa kanya yung babae na tumawag sa kanyang Gray na kamukha ni Winter.
Punasok naman ng silid yung babaeng nagpatulog sa akin kanina at sinarado niya ang pinto. Kinabahan ako bigla sa ginawa niya. Di ko alam kung anong klase siya ng nilalang at nagawa niya akong patulogin ng paulit ulit.
Bigla siyang napatakbo papalapit sa akin kaya nagulat ako. Bigla siyang napayakap sa akin.
"Ang tangkad muna at mas lalo kang gumanda empress." naiiyak niyang wika. "di mo na ba talaga ako maalala?" tanong niya ng harapin niya ako.
Di ko alam kung bakit pero parang sanay na ako sa presence niya. O baka nakikita ko lang sa kanya si Heather dahil mukhang magkapareho sila kung umakto.
"Kahit anong sabihin mo naniniwala akong 'di mo sinasadyang kalimutan ako." Sambit niya pa.
Napailing na lamang ako. Pinaalala ko sa sarili ko na kaharap ko ngayon ang mga kalaban. Sumang ayon na din ako sa mga plano ni Winter. Alam ko sa sarili ki na may tiwala ako sa kanya. Mas dapat kong pagkatiwalaan ang panig niya. At dahil na siguro sa naging interesado ako sa sinasabi niyang ruby na may kapangyarihan na ibalik ang buhay ng isang nilalang sa maikling panahon. Gusto ko din naman makita si mom at dad kahit ilang minuto lang sapat na 'yon para mayakap sila.
Lahat kakayanin ko para sa kanila.
"Ako pala si Zenith." sambit niya habang nakaupo ako at ginagamot niya yung sugat sa braso. Kunting galos lang iyon pero parang mababaliw na siya ng makita niya iyon. "Kilala mo na nga pala ako dati pa."
Daldal lang siya ng daldal. Naririndi na din ako pero di ko na lang ipinakita sa kanya iyon. Kailangan kong mapaniwala sila na nasa side nila ako.
"Yung babae naman kanina ay si Mistress. Si Spring." Napukaw yung pansin ko ng sabihin niya ang pangalan na iyon.
Parang.... Parang narinig ko na ang pangalan na iyon.
"Kapatid siya ni Winter." dagdag pa niya.
"Bakit siya nandito, diba dapat kapatid niya ang kasama niya." Pagkasabi ko nun 'di magawang magsalita ni Zenith at napatingin nalang siya sa ibaba.
"Kung sakaling hindi nawala ang alaala mo Empress... At kung andito ka man talaga ngayon..." Napatingin siya bigla sa akin at ngumiti ng mahina. "Di sana ganito kalala ang sitwasyon."
Tumutubig na din yung mga mata niya. Which is I don't like.
"Alam kong ikaw lang ang makakalutas ng kagulohang 'to." Hindi ko alam kong bakit pero parang naramdaman ko yung pangangailangan sa boses niya.
Should I Trust her?
Baka isang trap lang iyon.
Ginugulo ako ng mga tanong na iyon. Iniwan na din ako ni Zenith sa loob ng kwarto at hinayaan niyang nakabukas ang pinto dahil may tiwala naman daw siya sa akin na di ako tatakas. Ang galing din nilang magkunwari sa harapan ko.
Lumabas nalang ako sa silid. Paglabas ko doon ko lang napansin na nasa loob pala ako ng isang malaking puno. Di ko alam sa sarili ko pero parang nakita ko na dati pa itong lugar na 'to. Napailing nalang ako sa iniisip ko.
Sobrang lamig sa labas dahil gabi na din. Pero maliwanag naman ang paligid dahil sa liwanag mula sa dalawang buwan. Mukhang malayo din ang silid ko mula sa kanila dahil wala akong makita kahit isang nilalang sa paligid ko.
Naglakad ako papalayo doon sa lugar na iyon. Habang naglalalad ako naramdaman ko yung mga tapak ng kung sinong nilalang at parang sinusundan niya ako. Masbinilisan ko yung paglakad ko. Ba't ba ako kinakabahan ngayon sa lugar na'to? Samantalang isa naman akong gangster sa mundo namin.
"Erza..." Someone whispered my name.
Bigla nalang may dumukot sa akin at hinila ako papunta sa gilid ng puno. Sisigaw na sana ako ng bigla niyang takpan yung bibig ko pagkaharap niya sa akin bigla niya akong niyakap.
"Winter."
BINABASA MO ANG
Back At The Land Of Emorta [Book 2]
FantasyIsang panaginip ang palaging gumagambala sa akin. 'Di ko alam kung bakit palagi akong nakakakita ng anghel na babae at lalakeng may itim na pakpak. Gusto ko malaman ang dahilan kung bakit ako laging ginagambala ng mga 'yun... babalik ako sa simula k...