Chapter 4: Ruby

36 6 0
                                    


''Aray.'' Halos maagaw na namin yung atensyon ng ibang tao dito sa mall. ''Bakit mo ginawa 'yon?''

Tsk! Magtatanong pa siya. Pinalo ko lang naman kasi yung kamay niya . Paano ba naman sinubukan akong akbayan. Akala niya magpapaakbay ako ng ganon ganon nalang.

Tinarayan ko siya at tinawanan niya lang ako sa reaksyon ko. Wala na ba siyang ibang magawa kundi ngumiti at tumawa sa akin.

Naglalakad kami ngayon sa mall. Well, wala akong idea kung saan ba ako dadalhin ni Frost.

Medyo dumistansya ako this time sa kanya. Baka mamaya akbayan nanaman ako ng kutong lupa na 'yon.

Well, cute naman talaga siya tska gwapo. I'll admit it. Halos pinagtitinginin nga siya ng babae dito mall ehh. Ang problema lang talaga kasi... kasing presko niya yung pangalan niya. Pa cute ng pa-cute. Masyadong flirt. Well, meron naman talaga siyang ipagmamayabang, pero.... basta!

''Aray.''

Masyado ata akong busy mag-isip ni hindi ko napansin na maykasalubong ako. Muntik na akong mahulog dun ahh, buti nalang nahawakan ako ng lalaking naka bangga ko.

''Sorry...'' wika ko tska tinanggal ko yung kamay niya sa bewang ko. ''Thank you.''

Ngumiti ako dun sa lalaki at ganon din naman siya. Nakita kong maysasabihin sana siya pero sumingit na sa amin si Frost.

''Babe? Okay ka lang?.'' Singit niya. Wow huh! Ano naman ang iniisip niya? ''Diba sabi ko sa'yo hawakan mo lang yung kamay ko.'' Kinuha niya yung kamay ko tska hinawakan niya. Tiningnan ko siya ng masama pero nakatingin siya dun sa lalaking nakabangga ko. ''Pare, may problema ba?'' Maangas niyang tanong.

''Wala.'' Sambit ng lalaki kay Frost. Agad siyang tumalikod at naglakad papalayo.

Binalik ni Frost sa akin yung paningin niya.

''Ba't ang sama mong makatingin diyan.'' Sambit niya. Baliw talaga. Ang bilis pumalit ng mood niya. Natataw nanaman siya ngayon sa akin.

Tinanggal ko yung kamay ko pero 'di siya pumayag na alis ko iyon.

''Hayaan mong hawakan ko yung kamay mo.'' Saad niya.

''Ba't ko naman yun gagawin. Boyfriend ba kita?'' Tinarayan ko siya.

''Sige simula ngayon sinasagot na kita.'' Nakangiti niyang wika tska hinila niya ako upang maglakad. Ang kapal niya talaga. Magsasalita na sana ako pero pinigilan niya ako. ''Ikaw naman... 'di na mabiro.''

Ahh nagbibiro ba siya? 'Di ako natatawa ehh.

''Hamuwak ka lang sa akin. Pinagtitinginan ka ng mga lalaki.'' Panimula niya. Gusto ko sana siyang barahin na 'sanay na ako' pero mukhang nahawaan ako ng pagkapresko niya. ''Hindi mo ba napansin na sinadya ng lalaki na mabangga mo siya para lang mapansin mo.''

Ano naman ngayon!? Pakialam ba niya?

''Hindi naman sa sinasabi ko na stranger ako... pero paglalabas ka ng 'di mo gaano kilala ang kasama mo wag kang magsusuot niyan.'' Concern ba siya sa akin? ''Hindi naman sa ayoko ng suot mo. You really look prettier in that case at madali kang maka-attract ng mga lalaking kasing gwapo ko.''

Pagkasabi niya ng huling linya natawa ako. Yeah, medyo mayabang nga pero I can't help it.

''Sinong nagsabing gwapo ka?'' Pambabara ko. Napakamot siya sa ulo niya. ''Tska, alam ko bang ikaw kasama ko? All this time kasi ang akala ko si Heather ang kasama ko.'' Tinaasan ko siya ng kilay kahit nakatawa pa rin ako. ''And I never wear pretty clothes for guys, I wear it for the girls.''

Napatingin lang siya sa akin at napapangiti habang nakikita niyang natatawa ako.

''This is the first time I saw you smile.'' Nakangiti at seryoso niyang wika. ''Well I like it.''

Nagpatuloy kami sa paglakad. Halos 'di ko na nga namalayan na magkahawak pa din kami ng kamay. Aalisin ko sana yung kamay ko sa pagkakahawak niya ng bigla siyang nagsalita.

''Nandito na tayo.''

Nasa harapan na kami ngayon ng isang jewelry shop. Hinila niya ako papasok.

''Good morning po sir.'' Bati sa amin ng sales lady. ''Sing sing po ba para sa girlfriend n'yo?''

Napa 'what the' face ako.

Ito namang kasama ko bigla akong inakbayan.

''Sige... dito ako bibili ng sing sing kapag ikakasal sa kami.'' Nakangiting wika nitong Frost na 'to.

Siniko ko kaagad si frost.

''Sorry miss pero 'di niya ako girlfriend.'' Biglang sumigla yung mukha ng babae sa sinabi ko.

Mukhang type niya yung Frost na 'yon. Naglakad nalang ako papunta sa dulo. Habang si Frost pumipili ng bibilhin niya.

Habang naglalakad ako napatingin ako bigla sa isang kwintas na kulay pula. Isang Ruby...

Napatitig ako dito. Hawig niya yung kwintas na nakikita ko sa panaginip ko. Pero mas kulay pula yung nakikita ko sa panaginip ko.

''Erza.'' Nataohan ako ng biglang hawakan ni frost yung kamay ko. "come here with me." hinila niya ako papunta sa mga pinagpipilian niyang kwintas. "choose." tipid niyang wika.

napatingin ako sakanya ng masama habang siya nakatingin lang sa mga pagpipilian.

"hindi mo naman basta basta ako madadaan sa mamahaling kwintas." pananaray ko sa kanya dahandahan siyang napatingin sa akin. Ngumisi siya bigla. "hoy ano naman ang iniisip mo?"

"hindi naman 'to para sa'yo." nabigla ako sa sinabi niya. napahiya ako dun ahh. "it's a birthday present for my sister." parang inaasar pa niya ako sa tono ng boses niya. "are you expecting something from me?"

maslumapit pa siya sa akin kaya tinulak ko siya papalayo.

"whatever." tinarayan ko nalang siya at naglakad na ako palabas. mukhang di ko kayang tagalan ang kabaliwan ng lalaking iyon

medyo matagal pa akong naghinatay bago siya lumabas ng jewelry shop na iyon.

Paglabas niya kinuha niya agad yung kamay ko at naglakad kami hanggang sa makarating kami sa likod ng mall kung saan may seaside. Di ko na din napansin na madilim na pala.

"dyan ka muna bibili lang akong pagkain natin." sambit niya. umupo naman agad ako sa gilid sa may bench. napayakap ako bigla sa sarili ko ng bigla umihip ang hangin. "wear this." agad niyang sinuot saakin yung long sleeves niya kaya naka T-shirt nalang siya ngayon.

tatanggihan ko sana sya pero pinigilan niya ako.

"mamili ka... isusuot mo yan o yayakapin kita.

seryoso ba siya?

Inunat niya yung mga kamay niya upang yakapin ako... tinulak ko naman siya papalayo.

"oo na, isusuot ko na nga." tinarayan ko siya kaya bigla siyang natawa.

nakatawa pa rin siya habang papaalis siya ng lugar. tinarayan ko kaagad siya.

napatingin nalang ako sa may dagat. sobrang ganda.

naramdaman ko nalang na namamanhid yung mga kamay ko sa sobrang lamig kaya nilagay ko yung kamay ko sa loob ng bulsa ng long sleeve ni Frost.

maynaramdaman akong tumusok sa kamay ko kaya kinuha ko ang bagay na iyon. Ng nilabas ko iyon nakita ko yung ruby na nakita ko doon sa jewelry shop kanina.

napatitig lang ako sa ruby na iyon. napahaplos ako sa mukha ko at 'di ko napansin na may mga luha nang tumutulo sa mga mata ko.

Back At The Land Of Emorta [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon