Erza's POV
Minulat ko yung mga mata ko kahit sobrang sakit pa ng ulo ko. Napansin kong wala na ako sa kinaro-roonan ko bago ako mawalan ng malay. Nasa masmaayos na akong lugar.
Nakita ko si Winter sa gilid na nakatayo at nakasilip sa maybintana. Mukhang malalim ang iniisip niya.
Gumalaw ako upang mapaupo at naagaw ko naman ang atensyon niya sa simpleng paggalaw ko. Ganon ba siya ka sensitibo?
"Gusto mo bang ibalik sila?" Tanong niya bigla sa akin.
Wala akong idea sa mga tanong niya sa akin ngayon kaya nagugulohan ako sa kanya.
"Ang mga magulang mo." Sambit pa ulit niya. "Gusto mo bang ibalik sila?" tanong niya ulit.
Natigil lamang ako sa mga sinabi niya. Paano ba niya nalaman ang mga bagay na iyon?
"Anong bang pinagsasabi mo?" Hindi ko nalang ipinakita na apectado ako sa mga sinabi niya.
"Isa kang tao..." panimula niya. "Hindi ito ang lugar mo. Nakapasok ka lang sa mundo na kung tawagin ay Emorta. Mapanganib ang lugar na ito para sa isang katulad mo... pero, dahil din sa lugar na ito pwede mong mabigyang ulit ng buhay ang mahal mo." mahaba niyang paliwanag.
Hindi ako umimik sa mga sinabi niya dahil di ko naman talaga alam kung anong sasabihin ko. Sinubukan kong tumayo at naglakad papalapit sa pinto pero bigla akong hinarangan ni Winter.
"Kailangan ko ang tulong mo." Sambit niya at hinawakan niya yung kamay ko. Nagulat ako at napatingin sa kanya. "Gusto ko lang ibalik ang lahat sa dati."
Parang dinurog yung puso ko ng makita ko yung mga mata. Di ko alam kung bakit ganon nalang ang epekto sa akin ng makita ko yung mga mata. 'Yon bang pakiramdam na matagal ko na siyang kilala at parang sobrang halaga sa akin ng nasa harapan ko ngayon. Iniwas ko nalang yung paningin ko upang magpigil.
"Ayoko." Tipid kong wika at di pa rin ako makatingin sa kanya.
"Kung ganon... wala na akong magagawa." Sambit niya at dahan dahan na dumulas yung kamay ko sa kamay niya at tuluyan niya na akong binitawan. "Di na kita pipilitin pa... Sisiguradohin ko pa rin na ligtas ka at ibabalik kita sa mundo mo."
Ngumiti siya sa akin tska lumabas na din ng silid.
Maykakaiba sa huling linya na sinabi niya. Parang narinig ko na dati pa ang mga binitawan niyang mga salita. Parang nangyari na to dati pa.
Winter's POV
Napasuntok na lamang ako. 'Di ko alam kung anong meron sa taong iyon at 'di ko siya magawang saktan laban kay Gray. Di ko siya mapilit sa mga binabalak kong masasama kay Gray. At parang ang lakas ng epekto niya sa akin na parang ayoko siyang masaktan ng kahit na sino. Na parang gusto ko siyang protektahan.
Napailing nalamang ako sa mga iniisip ko.
Kay Acacia ko nakuha lahat ng importmasyon tungkol sa kanya. Sa umpisa di ko akalain na isa siyang tao dahil di naman halat sa kanya iyon at nasisiguro ko na may koneksyon siya sa Emorta dahil sa tattoo niya sa kanang kamay. At alam kong siya din yung sinasabi nilang tao na mahalaga kay Gray na kinalimutan siya.
Napatingin nalamang ako sa mga kasiyahan na nangyayari sa baba. Nakita ko si Erza na kasama ang iba pang mga kauri ko at mukhang masaya naman siya. Napangiti nalamang ako sa nakita ko.
Nagulat ako ng napatingin siya sa itaas. Napatingin siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin at nagtungo sa balcony upang umiwas. Pero mukhang malabo mangyari iyon dahil nararamdaman ko na pupuntahan niya ako.
Erza's POV
Napangiti ako dahil sa pagtanggap nila sa akin. Mababait silang lahat sa akin. At kung titingnan para lang silang mga normal na tao. 'Di ko nga alam kung alam ba nila na isa akong tao. Napailing nalang ako sa mga iniisip ko.
Nararamdaman ko na may matang nakatingin sa akin kaya napalingon ako. Una akong napatingin sa itaas at doon ko nakita si Winter. Umiwas siya bigla ng tingin sa akin at umalis sa pwesto.
Kusang humakbang yung mga paa ko papunta sa lugar na iyon. Ewan ko kung bakit ako dinala ng mga paa ko paakyat sa lugar na iyon.
Nakita ko siyang mag-isa sa balcony kaya tinungo ko iyon. Tahimik niya lang na pinagmamasdan ang buwan. Hanggang sa namalayan ko nalang na nakaupo na lang ako sa tabi niya.
"Bakit ka galit sa taong ibon na iyon." iyon nalamang ang lumabas sa bibig ko.
Sandali siyang bapasulyap sa akin at tumingin ulit sa buwan. Napatingin din ako doon at namangha ako ng makita ko ang dalawang buwan. Katulad lang nga mga sinasabi sa akin ni Heather na lagi ko daw sa kanya kinikwento noon.
"Kinuha niya lahat ng mahahalaga sa akin." Sambit ni Winter. "Simula sa ama ko, si Autumn, si Summer at si Spring."
Napangiti siya ng mahina at nagpatuloy."Siya ang dahil ng pagkawasak ng palasyong ito. Ang dahilan ng pagkamatay ng ama ko at ng iba kong kapatid.... si Autumn at si Summer. Linason niya din ang isipan ng kapatid ko, si Spring. Kinuha niua lahat ng mahalaga sa akin."
"Kinuha din ng lugar na to ang mga mahahalagang tao sa akin." sambit ko bigla at napalingon agad siya sa akin. "Hindi ko alam kung bakit mahalaga sa akin noon ang lugar na 'to at ng dahil doon nawala ang mga magulang ko... dahil sa kagustohan kong bumalik dito."
Nanatili akong tahimik at bigla nalang tumayo yung katabi ko at umalis. Hindi ko alam kung galit na talaga siya sa akin o ano?
Napabuntong hinga nalang ako at pinagmasdan ko yung lugar.
Isang wasak at sirang palasyo pala ito. Halata mo sa bawat pader kung gaano kalungkot ang lugar na ito. Nagulat ako ng may makita ako sa baba. Sa labas na ng palasyo na to.
Palihim akong lumabas at hinanap ko yung maliwanag na bagay na nakita ko. Inikot ko ang paningin ko ng mapansin kong malayo na ako sa palasyo. Hahakbang na sana ako pabalik ng makita yung maliwanag na bagay na lumilipad. Binuhusan niya ako ng makikintab na bagay na humalo sa hangin dahilan ng aking pagkahilo. Naramdaman ko nalang yung pagbagsak ko sa lupa at nakita ko yung mukha ng maliwanag na nilalang na iyon habang nakangiti siya sa akin.
"Masaya ako at nakabalik ka, Empress."

BINABASA MO ANG
Back At The Land Of Emorta [Book 2]
FantasyIsang panaginip ang palaging gumagambala sa akin. 'Di ko alam kung bakit palagi akong nakakakita ng anghel na babae at lalakeng may itim na pakpak. Gusto ko malaman ang dahilan kung bakit ako laging ginagambala ng mga 'yun... babalik ako sa simula k...