When He Asked Her Father and Her Father Asked Her

7.3K 381 123
                                    

Maine was still half-asleep when her father calls her the next day.

"H'llo?" She yawns.

"There's a boy here in my office Menggay."

OH SH*T!

Biglang napabangon si Meng.

"Gwapo, meztiso, may dimple sa kaliwang pisngi?"

Hinahampas nya na ang natutulog na si Jan sa tabi nya para magising for moral support because WHAT IS AIR?!

"So you do know this boy?"

"Opo, Tay. Bakit daw po?" she giggles.

Girl, nakakahiya yung giddiness mo please.

"Nagpapaalam kung pwede daw ba kayong mag date."

AMA NAMIN SUMASALANGIT KA... Jan gumising ka! Tulungan mo kong kumalma!!!

Humihikab na bumangon finally si Jan.

Sinenyasan na ang kaibigan bago ni-loudspeaker ang call.

"Nandyan pa po ba siya? Ano pong sinagot nyo kay RJ Tay?"

Pinandilatan siya ng kaibigan.

I know, she mouthed at her.

"Aba'y ikaw ang makikipag date dito, hindi ako. Anong sasabihin ko?"

"Eh kayo nga po, anong desisyon nyo? Aprub po ba sainyo?"

Pa-suspense din itong si Tatay eh.

"Anong gusto mong sabihin ko dito? Matinong bata ba 'to? Mukha namang di ka-gwapuhan. Maputi lang. Pumili ka naman anak yung kasing gwapo ni Tatay! Type mo ba to? Magsabi ka kung hindi para kunyari di kita pinayagan."

She and Jan gave an identical offended gasp.

"Hala si Tatay?! Mabait po yan, promise! Pa-doktor kita sa mata dyan e, Mr. Pogi kaya yan. Dami kayang nagtitiliang babae kagabi sa concert nila."

"Ah so, nakatili ka rin?"

"Hindi ah! Good girl kaya ako, Tay. Behave po ako kagabi."

Tapos itong kaibigan nya, nakisawsaw.

"Sinungaling si Meng Tito. Naglaway po yan kagabi!"

"JAAAN!" Hinampas niya ang kaibigan ng unan.

"Huwag kayong maniniwala Tay. Si Jan talaga yun, hindi ako. Si Jan yung may pagnanasa kay RJ."

"Hoy!" Her friend tackles her. "Sabi nang tumigil sa pagnanasa na yan eh. Bhe, wag mo naman sabihin ng malakas kahit na totoo."

"Ahhh, oh eh bakit hindi na lang si Jan ang payagan kong makipag-date dito kay Mr. Faulkerson. Si Jan pala ang may gusto eh."

"TAY! SANDALI!" Dali-dali nyang kinuha ang phone. "Ako po may gusto po!"

Tawa ng tawa si Jan sa background. "Thank you Tito! Ako talaga ang anak nyo no? Sana lang po ako ang tinanong!"

"TAY NAMAN EH! Gusto ko po, promise! Payagan nyo na kami please?"

"Yun naman pala, ba't pinadaan mo pa to sa'kin?"

She hears a familiar snigger from her father's side of the call.

Then a sudden realization comes to her mind.

"I'm on speakerphone, aren't I?"

And then because may pinagmanahan ang pagka-bully niya, her father said,

"Oh! Ito ba yung lalaking iniyakan mo nung galing kang New York tapos ilang araw kang di naligo at bumangon sa kwarto mo tapos--"

"TAAAAAAYYYYY!!!!"

She almost couldn't hear RJ's full-blown laugh on the other side sa lakas ng tawa ni Jan sa tabi niya.

"Hi Maine!", nang-aasar na bati ni RJ. Mukhang nahawaan na ng pagka-bully ng Tatay niya.

"ARRRGHHH TATAY NAMAN EHHHHHHH I HATE YOU Bye!"

Maine drops the call. Then realized that she might have ruined her chance to win her Tatay's approval so she calls him back.

"Sorry Tay, I didn't mean it. Love you po bye! At tsaka wag nyo pong i-bully masyado si RJ! Love you po bye!"

Serendipitous: The EPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon