When Her Father Called Him

3.7K 288 48
                                    

"I am sensing a pattern here."

Sam comments during a break on the band's studio session.

"Una, nag-date kayo kasama lahat ng mga kapatid ni Maine girl. Tapos, yung Mommy nya naman."

"'Lam mo na next, Papi..." gatong ni Je. "Sunod na dyan yung daddy nya."

"Hala ka!"

"Tapos next yung mga barkada n'ya naman", dagdag ni Val.

"Tapos sunod yung mga kapit-bahay nila!"

"Hahaha! Good luck Paps!"

"Kayo ha, magsi-tigil! May tinatapos kasi tayong album o. Focus naman guys!"

"Wushuuu! E bakit iniiba ang usapan? Yang tataa Paps, kinakabahan ka na no?"

"Pero seryoso 'tol, how do you even date with a girl's father?" Je suddenly turns a pensive gaze at RJ.

"Aba malay ko, tanungin mo si Samir!"

"Bakit Je? Pumayag na ba si Val?" Sam says.

"OY! KAYO HA!" Val exclaims from her corner "BAT NYO KA SINASALI SA USAPAN? 'LA NAMANG GANYANAN"

"So hindi pa." Sam concludes.

"E bakit defensive?" RJ teases their drummer.

"Hay RJ, ewan ko sayo." Val shakes her head at him. "Wag ako ang problemahin mo. Ang problemahin mo kung anong gagawin mo pag sumama ang Daddy ni Maine sa next date nyo."

"Para namang siguradong-sigurado kayong mangyayari yun. Mukha namang hindi ganung klaseng tao si Mr. Mendoza."

His phone rings.

Lahat sila napatingin sa biglang umiilaw na screen ng phone ni RJ na nakapatong sa beatbox.

Maine's dad is calling.

"Lagoooooot!" Je wags a finger at him.

"You were saying Papi?" Val raises an eyebrow.

RJ nervously picks up his phone.

Sam pats his back. "G'luck Paps. Tibayan mo ang loob mo!"

Tiningnan ni RJ ang mga kaibigan na parang humihingi ng tulong.

"'Wag mong paghintayin ng matagal yan bro. Baka lumala ang sentensya mo!" Sam advises.

"Pordalab, Paps!" Je raises a fist in support.

Tumango lang si Val.

Huminga sya ng malalim bago swinayp ang phone.

"Hello po?"

"Hala biglang hinhin ang boses ng loko" Je whispers loudly to the rest of the band.

Pinidilatan ito ni RJ habang sinasaway ni Val at Sam na obviously interesadong nakikinig sa tawag niya. Mga tsimoso talaga, hay.

"Mr. Faulkerson, gusto mo bang ipaliwanag kung bakit nakikita ko ang mukha ng apo ko sa ipinambalot ng tuyo kaninang umaga?"

Serendipitous: The EPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon