When Everybody Wanted to Come with Them

3.7K 306 52
                                    

"San kayo magde-date?" Her sister, Colleen, asks one more time.

"Sa EK nga ang kulit!"

"Sama ko! Ako na lang chaperone niyo please?"

"Para kayong high school! Haha! Sa Enchanted talaga ang first date?" Her brother Nico laughs loudly at her. "Ako nang magcha-chaperone sainyo."

"Kasasabi mo lang parang high school, ba't ikaw ang sasama? Meng, sabihin mo kay Kuya ako chaperone niyo."

"Hoy Coleng, hindi ko naman sinabi na ayaw ko ng EK. Meng, sige na, ako na ang isama niyo."

"DEAN!" Pupungas-pungas pa at nanahimik na kumakain ng pandesal ang bunso nilang kapatid na bagong gising. "DEAN, IKAW NA LANG SUMAMA SA DATE NAMIN!"

"Uy! Magde-date na kayo ni Tisoy? Saan? Kelan?"

Habang nag-aaway si Ate Colleen at Kuya Nico niya, dumating na pala ang panganay nila bitbit ang anak.

"Sa EK Ate, sa Martes."

"Ay hindi weekend?"

"Sabi kasi ni RJ mas matao pag weekend tapos pag Monday maintenance nila ng park so Tuesday na lang."

"Ba! Saulo talaga ang schedule? At bakit maingay ang dalawang to?"

"Si Kuya Nico at Ate Collen kasi nag-aaway kung sino isasama ko kaya si Dea--"

"Actually, pasama din!"

"Ha?!"

"Ang ganda ng location na yun para sa pictorial ni Matti para sa birthday niya. Teka, tatawagan ko lang si John—Hello, Mahal? Libre ka sa Martes? Date ni Meng sa EK, punta tayo nila Matti; dalhin mo camera mo."

"Meng, promise hindi ako mang-iistobo, ako na lang ang sama mo!"

"Hindi Menggay, ako na."

"WAIT, WAIT, WAIT PEOPLE! HINDI ITO FIELD TRIP! DATE KO PO ITO. TSAKA MARTES YUN WALA BA KAYONG MGA TRABAHO? HINDI KAYO PWEDENG SUMAMA LAHAT!!!"

Nagkatinginan si Nico at Colleen at Niki. "Nico, we'll take your SUV. We'll leave at—Meng, anong oras ka susunduin dito?"

"ARRRRRRGGGGHHHHH!"

Kukurap kurap na tinitingnan lang sila ni Dean habang nagdadabog si Menggay at pinagkakaisahan ng mga kapatid. Oh man, pag nakipag date siya, hinding-hindi niya sasabihin sa mga kapatid niya. Ruthless!

"Hindi naman kami sasama, saabay lang kami sainyo", sabi ni Colleen sabay high-five sila ni Nico.

And that my friends, is how RJ took the Mendoza siblings out on a date.

Tatay Teddy approved.

--

Puro tawa ang sagot ni Je nang tumawag si RJ ng tulong sa kanya. "Paps, mamaya ka na tumawa! Tulungan mo muna ko!"

"O siya, sige, pupunta ako diyan."

Kaso, dahil naka loudspeaker ang tawag, hindi maiwasang may sumawsaw.

"Kasama ba yung poging kapatid ni Maine? Pasama din ako!"

"Val! Wag ka na!"

"Ano sasama din kayo lahat?! Wag nga kayong ano uy! Ang kelangan ko lang ko lang dagdagan n'yo yung pagkain sa picnic. Wag na kayong pumunta dito."

PRO TIP: The fastest way to get people to do something is to tell them not to do it.

Nagkatinginan si Val at Je. Nagkataasan ng kilay.

"Ano? Game?"

"Ako nang bahala sa pagkain, ikaw na ang tumawag kay Papi Sam!"

"Damay-damay na to!"

Serendipitous: The EPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon