When He Was on a Vocal Rest

3.9K 290 65
                                    

For Deedee and Liwayway. Salamat sa prompt. Maikli lang to wag kayong ano.
--

It just so happens that the next time Maine hung out with RJ, the latter was on a vocal rest.

That means no talking, no humming, no vocalizing of any kind.

Kaya naman, bilang anak ng para-paraan tong bata natin, ayun nagpapalitan sila ng fansign ni Meng.

Tinitingnan lang sila ni Je kasi naman hindi nya alam na medyo may topak din si bebe gerl ni paps.

Perfectly functional naman ang lalamunan nito pero nakiki vocal rest din. Hay ewan, ganyan siguro talaga pag magka frequency ang sayad ng magka significant others.

Sinilip nya ulit ang dalawa.

'Ano ang sabi ni letter P kay letter B?' sabi ng bond paper ni Papi.

Natatawang sumulat ng 'Ano?' na sagot ang kausap nito.

Potek. Nagbabatohan pala ng joke. Lang kwentang mga joke pa.

Wala pang punchline parang sayang-saya na sila sa mga sarili nila. Mga baliw.

"Sam alis na ko, ma keso dito baka dagain tayo." Nginuso nya ang dalawang may sariling mundo. "Ayokong magka leptospirosis."

"Hoy bumalik ka. Hindi pa tapos yung arrangement nung chorus natin sa 'Fifth Mambo' dude!"

"Oo na, oo na. Mabilis lang. Yosi break."

Tsk. Wala kasi si Valeen. Walang makukulit. Kainggit tuloy sa lumalablayp.

Inubos nya lang ang isang stick sa labas bago bumalik sa studio. He really should kick the habit but ehh.

Pagbukas nya ng pinto, si Sam naman ang nakasalubong nya palabas.

"Sam?"

"Bigla kong namiss si Pat, tatawagan ko lang saglit." Nakatungo itong lumabas, hawak hawak ang phone na tila umiiwas ng tingin.

"Okay?" Anong nangyari dun?

Pagtingin nya sa lovebirds, ay linshak! ang mga haliparot, halos magkandungan na at sa katawan na ng isa't isa nagsusulatan.

Tapos si Papi RJ, may tape na ang bibig.

"Maine girl? Anyare?"

"Ha?" Tiningnan siya nito at napansin wala na din si Sam na kanina ay kasama nila sa kwarto. "Uy anong nangyari? Umalis na pala si Sam?"

"Bakit naka-tape ang bibig ni Paps? May balak ka bang kidnapin yan? Naku hindi mo na kelangan busalan ang bibig nyan. Kusa at willing na sasama sayo si Paps."

At ang walangya, mabilis ang tango. Wala, hulog na hulog na to. Wala ng hiya e.

"Makulit e. Nagsalita ba naman. Nakalimot ng vocal rest."

"So tinape mo?"

"So tinape ko."

"E bakit may lipstick ang tape?"

"Huy! Issue ka! Wala ah!" Wala daw e bakit may buburahin?

E si Paps mabilis ang kamay, hinuli agad para hindi mabura. Sows! Baka itago pa sa baul yan tapos sisinghutin ala adik. Mga adik.

"Don't me bebe gerl. Don't me."

"Ewan ko sayo Je. Uuwi na nga ako."

Binato sya ng nilukot na papel ni Paps.

"Ano??" Tanong nya dito.

Tinaasan lang sya ng kamao bago hinabol palabas si Maine girl.

Bumalik itong ngingisi ngisi.

"Paps may lip-is-tick ka pa sa labi."

Dude just ripped the tape from his mouth and kissed the kissmark on the tape.

"Haliparrrot! My God! Lord pengeng lablayp!"

The next day, Papi RJ texted him asking after the tattoo artist who worked on his ink.

After three days, may dalawang stick figure ng namamahay sa braso ni Paps.

Je recognized the familiar handwriting.

When their handler asked about it, RJ said, "'tong batang patpatin na to, hindi na mag-isa. May kasama na syang patpatin din."

He looked so smug about it. Ang laki ng ngiti ng loko. Pashneya.

 Pashneya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Serendipitous: The EPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon