Thanks for the prompt Ida! Sorry natagalan. -E xox
--
They were half-way through their set when Maine and Jan walked in the club.
It was The Wave's first gig after their concert and the room was packed to the hilt.
Tiningnan ni Je ang kaibigan nang ma-miss nito ang cue sa pasok ng bridge ng kanta.
Ang loko- abot tenga ang ngiti, sinusundan ng tingin si New York Girl as she and her friend made their way through the crowd.
"Luh!" Valeen comments, "parang hindi sila magkasama kanina oh!"
"Kala ko ba na-trauma to sa mala-subpoenang summon-slash-chaperoned date with future father-in-law kanina?" sabi ni Je kay Val.
Napailing na lang si Sam. "Papi, ipinapaalala ko lang sayo, may set pa tayo. In fact, nasa kalagitnaan pa lang tayo."
Hindi sila pinansin ng bokalista nila.
Wala. Hulog na hulog na talaga.
RIP, Papi. Paalam sa iyong katinuan.
Nagkatinginian sila nina Val at Sam.
Hala, sige, adlib na lang. Impromptu guitar solo. Ganoon muna. Hanggang bumalik ang huwisyo ni Paps.
Pero nang maka recover naman, aba pasikat ang mokong. Energy pa more.
Panay ang tingin sa table na kinatatayuan ng girly nya at sagana ang paulan ng dimples.
Kaso maya-maya lang biglang iba na ang aura ni Paps.
"Psst! Psst! Hoy Je!" sinutsutan sya ni Val at ngumuso sa isang direksyon.
Ayun pala, may mga umaaligid na tutubi kay Maine.
Linshak! haha! Ang sama ng hitsura ni RJ tuwing may lalaking lumalapit sa table nila Maine.
Nakailang balik na din ang wait staff sa mga pahatid na drinks. All politely sent back, from what he could see.
Ang malala, napansin ni Je, may mga babae ding uma-approach sa girly ni papi. Pambihira!
(Which is kinda hot, honestly.)
(Pero bro code first, so nah.)
(Pero nothing wrong with that naman.)
(Pero he could still appreciate that. In private.)
Pagtingin niya kay RJ, anak ng tinalupang tipaklong, signal no. 5 na ang stress level ng mukha ng kaibigan.
"Kalma ka lang Paps. Steady lang tayo ha" mahina niyang sambit dito.
His boy has got a fake smile plastered on his face pero nagsasalubong na ang kilay. "Let's mix things up a little bit." Kumindat ito sa kanila.
Je worriedly glanced at his band mates. Yep, they got their worried faces on too.
"All right, everybody having fun tonight?" RJ asks the crowd who answers in cheers. "Good, good... I'm gonna take a quick breather here, anybody wanna take my place for a while? Just for five."
FREAKING SH*T! Eto na siya. Wala sa usapan to pero nakikini-kinita na niya ang balak ni RJ. Ginagawa naman nila to dati- yung kukuha ng participant sa audience para makapagpahinga saglit ang lalamunan ni Paps pero may agenda kasi ang loko ngayong gabi. Bababa to sa crowd tas susugod kay bibi Maine. Lagot na.
"Come on people!" Pag-uudyok ng palalo nilang bokalista. "That's only like a song and a half. Any takers?"
Habang distracted sa pakulo niya si RJ, sinenyasan niya si Leysam na nasa gilid ng raised platform nila.
BINABASA MO ANG
Serendipitous: The EP
FanfictionThe Extended Play (EP) An EP is a musical recording that contains more music than a single, but is usually too short to qualify as a full studio album (Source: Wikipedia) This is a series of discombobulated one-shots of events after the end of S...