Chapter 2

36 1 0
                                    

"Uggh. Hindi ako makapaniwala. Posible bang pumangit every second? I swear pumangit siya lalo since I saw her last kaninang lunch." sabi nung co-captain ng cheerleading squad, si Victoria.

Grrrr. Nakakainis talaga siya!!

Whoo, kalma lang Maddy. Kalma lang.

"Ouch! Aray! Mata ko! Sumasakit! Pano sobrang pangit!" pangaasar ni Harry, isa sa mga basketball varsity players na tatanga tanga at bobo.

"Hahaha. Kapag hinanap mo yung word na pangiit sa dictionary, sure ako picture ng babaeng to yung illustration." gatong pa ni Leah, habang tumatawa.

Nakakabwiset. Sobrang sasama talaga ng ugali ng lahat ng member ng cheerleading squad (except kay Lila).

Maiinsulto na sana ako sa sinabi ni Leah kung naging original manlang sana siya.

"Anong sabi niyo?!" galit na sabi bigla ni Alaine, na bigla biglang lumitaw sa tabi ko.

Shit, kapag kasi iniinsulto ako ng mga tao tapos narinig ni Alaine, parang magkaka-World War Three na.

"Bingi ka ba? Narinig mo naman siguro yung sinabi ko diba? Wala na akong balak ulitin pa." sagot naman ni Leah.

#!@!$#!$$#@%#E!!!!! Tanga!! Kung akala niya, uubra siya kay Alaine, nagkakamali siya.

Hala, lagot!! Kailangan ko to pigilan, asap!

"Alaine, wag na. Kaya ko na 'to. Okay lang ako." Sinusubukan ko siyang pahinahonin pero wala eh. Di niya ako pinapansin.

"Kilala mo si Ron Marcos?" tanong bigla ni Alaine kay Leah.

Nagulat kami lahat. Pano, napaka-random naman kasi magtanong nitong bestfriend ko.

"Oo. Yung walang ngipin?" sagot ni Leah na nagtataka.

Pero nakita ko yung kamay niya, medyo nanginginig na. Hindi niya pinapakita pero nagsisimula na siyang matakot kay Alaine.

"Bitch, matutulad ka sa kanya." sabi ni Alaine.

Pause.

Play.

*BOOOGGSSSHHHH*

Sinuntok na  ni Alaine si Leah sa mukha. Tuloy tuloy lang siya hanggang sa makasigaw si Leah ng malakas na malakas. As in, sa sobrang lakas, feel ko nawalan na ng gamit eardrums ko tapos maya maya na ng onti, magigising na lahat ng namatay.

Nagsilapitan yung mga tao kung nasan nakahiga si Leah tapos nanood lang sila. Pinanood lang nila si Alaine na bugbugin si Leah. Walang nagpatigil, walang umawat. Lumapit lang sila, at nanood.

Nag-process na sa utak ko yung mga nangyayari.

"Alaine!! Tama na!!" pagpipigil ko sakanya.

"Alaine!! Natuto na siya!!" Wala pa din.

Inhale. 

Exhale.

Inhale.

Di ko na kaya, wala na talaga akong magawa. 

Deserving naman si Leah sa mga suntok ni Alaine pero ayoko nang bumalik si Alaine sa Juvie. 

Parang may napansin akong mga teacher sa gitna ng mga tao pero hindi naman niya pinigilan si Alaine. Nanood lang din siya.

Hayy. Tapos may narealize ako.

Ako may kasalanan kung bakit to nangyayari, pinagtatanggol lang ako ni Alaine.

Since sa akin naman to nagsimua, dapat ako rin tumaposs. Diba?

1.....

2.....

The MakeoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon