The Mission: Putting my clothing knowledge to the test.
Sinusubukan ni Lila kung kaya kong pagibahin yung good outfit from a fashion disaster. Iniisip niya na hindi ko kaya. Feeling ko naman kakayanin ko kapag sinubukan ko. Kaso ano bang pakielam ko? Wala naman akong paki sa fashion. Yun lang yun, fashion.
Wala naman kasi sa itsura yan, sa isip isip ko. Nasa ugali yan! Wala na atang nakakaintindi nun. Ang bababaw na talaga ng mga tao ngayon.
"Okay, ready?" tanong ni Lila.
"Hmm." sagot ko lang.
Inirapan lang niya ako.
"Ano ba, Maddison! Masaya kaya to!" sabi niya na parang bata na ewan.
"Para akong stalker dito."
"Shh. Lahat ng tao ginagawa to. It's just normal." pagpapatahimik niya sa akin.
Hulaan niyo kung nasan kami. Booyah, nasa labas kami ng isanng restaurant. Apparently, people watching.
Nilibot ko yung tingin ko hanggang sa may makita akong outfit na well......kakaiba at bago. Hindi ko lang sure kung maganda ba o masama.
"Siya." sabi ko para makuha ko yung attention ni Lila. Tapos tinuro ko yung batang babae na kasama yung parents pati yung lolo't lola niya.
Nagmake face lang si Lila.
"Joke yun, diba?" sabi niya.
"Um...yes? Oo naman." Ba't ba? Eh sa hindi ko alam isasagot ko sa kanya eh.
"OMG! Di ka nagjojoke!" Sabi niya bigla habang nanlalaki yung mata.
"Eh bakit ba? Anong masama sa outfit niya?" tanong ko, ewan ko ba. Basta parang dinedepensahan ko yung suot nung batang babae na hindi ko naman kilala.
"LAHAT!! MUKHA SIYANG BATANG NILUNOD SA ISANG RAINBOW!!" sigaw ni Lila sabay turo dun sa batang babae.
Lahat tuloy ng nasa restaurant, napatingin sa amin.
Biglang umiyak yung batang babae tapos kinomfort siya nung lola niya. Nag-glare naman sa amin yung parents nung bata.
"Lila!" sabi ko na parang sumisigaw/bumubulong.
"Sorry." sabi naman niya habangn namumula sa hiya.
May lumapit na waiter sa table namin. "Um, mga miss? Sorry po pero kailangan ko po kayong sabihan umalis. May mga tao po na nagrereklamo na ang ingay niyo daw po kaya nakakaistorbo daw po kayo." sabi nung waiter.
"Pero.....birthday ko ngayon." pagsusubok ni Lila na magsinungaling.
Hay nako. Nagsinungaling pa talaga. Lalo lang kaming matotrouble sa ginagawa niya eh.
"Oh. Um...wag na nga lang. Sige, hayaan ko na kayo dito pero please, pakitahimik lang ng onti?" pagmamakaawa nung waiter sa amin.
Huh? Wow. Nagwork yung pagsisinungaling ni Lila. Napaisip tuloy ako, pano kaya kung gumanda nako? Lagi na din bang magiging kapanipaniwala yung mga kasinungalingan ko?
Psh. Asa pa akong gaganda ako. Hahahaha
"Sige po, thank you po talaga.." sabi ni Lila tapos nag-salute siya dun sa waiter.
"Whoo. Malapit na yun ah? Muntik na tayong mapaalis." sabi naman ni Lila sa akin nung hindi na kami naririnig nung waiter.
"Papagalitan sana kita sa pagsisinungaling mo kaso ngayong iniisip nila na birthday mo ngayon, kailangan nilang maglabas ng libreng cake! Alam mo namang favorite ko yung cake nila dito. Libre pa!" mini-monologue ko sa kanya.
Totoo naman, ganto talaga dito sa restaurant na to. Kaya nga magandang magcelebrate ng birthday dito eh. Naglalabas sila ng libreng cake para dun sa birthday celebrant. Astig diba?
"Hmp. Lamunin mo na lahat ng gusto mo lamunin dahil once inumpisahan ka na ni Cass sa pagdadiet, hindi ka na makakakain ng masasarap na pagkain." warning niya.
Nag-sigh ako. Ohhmyyy. Pano ako mabubuhay ng walang cake?!
Biglang naglabasan yung crew ng restaurant tapos nagkantahan ng Happy Birthday habang may dalang cake. Inabot nila kay Lila yung cake tapos nagblow si Lila ngn candle.
Nung nakaalis na sila, inabutan ako ni Lila ng slice tapos syempre, dahil bestfriend ko nga naman siya, sinunod ko yung payo niya: nilamon ko yung cake.
"Okay, tara ulit tayo." pagsasuggest niya sa akin.
"Fine." sabi ko nalang since alam ko namang wala akong iba pang choice.
"Ayun!" sabi ko pa kay Lila sabay turo dun sa isa pang babae na nakasuot ng flowery dress.
"UGH! Andami mo pang kailangan matutunan, girl. Sobrang dami pa." frustrated niyang sabi.
"Ano nanaman? May ganun kang dress!" sagot ko.
Hey! Kailangan ko naman depensahan kahit papano yung mga pinagtututuro ko no.
"Iniinsulto mo ba ako, girl? Alam ko namang favorite ko yung print na floral pero yung soot niya? Panglola! Pangmatanda. Para siyang biyuda na magsisimba!" sabi niya.
Napansin ko namang hindi siya sumisigaw. Sinusubukan nga niyanng hinaan yung kadaldalan niya eh. :))
"Pwede tumahimik ka muna? Sinusubukan kong lasapin ang isa sa pinakahuli kong cake na makakain." sabi ko nalang.
Hindi na ako nagcomment tungkol dun sa babaeng naka-floral dress.
Hahaha. Talagang ganto kaming magkakaibigan. Nagiinsultuhan, nagiinisan. Pero kahit kelan hindi kami nagalit sa isa't-isa. Normal na samin yang mga Pwede tumahimik ka muna? echos na yan.
"Di pwede. Ngayon, nakikita mo yung babae dun sa gilid? Yun. Yun ang magandang outfit." Hindi niya pinansin yung pagmamahal ko para dun sa cake.
"Uhh, ang slutty kaya!" pagpoprotesta ko.
Umiling lang siya.
Yung slutty girl, nakasuot ng mini skirt tapos tank top na may glitters glitters. May kadate ata siya, kasi may katabi siyang lalaki. Siguro boyfriend niya.
"Ang isang outfit. Yun yung pagkakaiba ng mga isusuot mo kapag maglalunch ka kasama yung parents mo sa mga isusuot mo kapag maglalunch ka kasama yung boyfriend mo. Gets?" Pagtuturo ni Lila.
"Okay. Sige, kaya ko yun. Gets ko. gets na Gets ko."
Ata.
-----------------------------------------
Olrayt, spread the word, babies. :* Thanks!
Any comments? :))
Love,
Angel<3
