"Unfortunately, hindi laging nagwowork yung pangbabara." sabi ni Alaine habang nagsasigh.
"Edi ano nalang gagawin ko?" tanong ko.
Kinabukasan na kasi ngayon kaya next lesson na kami.
"You use the force." sabi niya na parang sobrang obvious nun tas ang tanga tanga ko kasi hindi ko alam yun.
Grabe naman tong babaeng to, pano ko naman kasi malalaman yun, e hindi naman ako fan ng starwars. -__-
"Yung katulad ng sa star wars?" tanong ko para manigurado.
Medyo naguguluhan pa din naman ako eh. Hahaha. Pano, wala naman kasio akong powers. Weird netong babaeng to.
"Tanga, hindi!" sabi niya sabay batok.
Aray, makabatok?!
"Hindi naman totoo yung starwars eh." sabi niya.
"Malay mo....."
"Uggh!"
Frustrated agad? Galit na galit? Gigil na gigil?
"Ano ba kasi ibig mong sabihin?
"Ang ibig kong sabihin, bugbugin mo nalang."
"Ayoko makasakit ng kahit sino."
"Masaya kaya."
"Tinatakot mo na ako."
Nagshrug lang si Alaine.
"Look, kung gusto mo, isang beses mo lang naman yun kailangan gawin e or twice. Magegets na ng mga tao not to mess with you."
"Kailangan ba talaga?"
"Oo, halika na nga. Sama ka sakin." sabi niya.
Pinasakay niya ako sa kotse niyang Black Honda Accord tas sumakay naman ako sa passenger seat.
Nagdrive siya papunta sa pinakamalapit na gym in ten minutes.
"Hoy teka! Pasado na ako sa exercising ah? Diba nga kay Cass.....?"
"Hindi yun. Makikita mo rin gagawin natin mamaya." nagsmirk siya.
Ano kaya balak nito?
Nag log in siya dun sa front desk tapos dun sa locker room na pangbabae.
Nagpalit kami ng damit into sports bra and sofies.
Dinala ako ni Alaine papasok sa isang kwarto kung saan may punching bag. May lalaking nakatayo sa tabi nun.
"Hello. My name is Mark and I will be your boxing instructor for the day."
Inabot niya sa akin yung blue na gloves tapos nagabot din siya ng red na gloves kay Alaine.
"Aahh, kulay dugo." sabi bigla ni Alaine.
Baliw lang ang peg?
Ano kaya nangyayari sa isip ng babaeng 'to?
Nagtinginan kami ni Mark habang nagdedaydream si Alaine tungkol sa mga bagay na ayokong isipin at lalong ayokong iimagine sa sobrang morbid.
"Okay, tingnan natin kung ano nang alam mo....." naputol yung sasabihin niya kasi bigla ata niyang narealize na hindi pala niya alam pangalan ko.
"Maddison." sabi ko.
"Okay Maddison, suntukin mo yung punching bag as hard as you can."
Parang kung titingnan ko, madali lang naman. Naginhale ako, then exhale.
Sinapak ko yung punching bag. Feel ko, onti nalang mababali na yung buto ko sa sapak ko.
Hindi manlang gumalaw ng kahit kapiranggot yung punching bag.
"You can do better than that." sabi ni Mark.
"I don't think so." sagot ko.
"Kaya mo yan, Maddison! Makasuntok ka naman, para kang lola ko! Hindi naman tao yan eh. Wag kang matakot na baka masaktan mo yan!" sabi ni Alaine.
Biglang nagring yung phone ni Alaine, sinagot naman niya.
"Hey Cass!"
"Cass, help!" sigaw ko sa phone ni Alaine.
Nag-glare na naman sa akin si Alaine.
Grabe, kung may piso lang talaga akong natatanggap everytime na nagge-glare sa akin si Alaine, shemay, mayaman na mayaman na mayaman na'ko.
"Alaine, ano naman ginagawa mong kabalastugan sa kawawang bata na yan?" narinig kong tanong ni Cass.
"Nothing that you wouldn't approve of."
"OA mo naman magexplain girl. Napakadetalyado!" sarcastic na sagot naman ni Cass.
"Boxing. I hate it." sigaw ko pa lalo.
"Oh, good. Magandang exercise yan. Suportado ka, Alaine. Baka nakakaistorbo na'ko. Bye." sabi niya sabay baba ng telepono.
Makikipagpustahan ako kahit kanino na tumatawa yun ngayon hanggang sa maluha-luha na siya.
Ano, call? Anyone?
Grabe talaga tong mga bestfriend ko. Napakalaking mga tulong.
Nagusap usap ata silang gawing impyerno buong summer ko eh.
"Try again." sabi ni Alaine sa akin.
Tumango naman si Mark. Feel ko, tahimik lang siya. Hahaha
Nagbuntong hininga ako tas sinuntok ko ulit yung bag habang nagdadasal; na sana kahit papano eh mas malakas naman yun kesa dun sa una kong suntok.
This time, gumalaw na. Actually, nagswing lang siya ng nagswing.
Ewan ko kung bakit pero parang ang sarap lang sa pakiramdam na nagawa ko yun.
Na naachieve ko yun sa isang suntok lang.
Don't get me wrong ah? Hindi naman ako magiging basagulera or sukdulang palaaway at morbid katulad nitong si Alaine. Hahaha
"Nice!" sabi ni Alaine habang nagtathumbs up. Ewan ko kung pano, basta inalis na niya yung isang gloves niya.
Ngumiti lang si Mark. Oo nga, tahimik ka lang talaga siya.
Tinuloy tuloy ko lang yung pagsuntok sa punching bag.
Natuto rin ako ng pagsipa, pagiwas, pagilag tapos other easy yet violent techniques.
Consider it self-defense. Hahaha. Pero ang cool kaya ng mga natutunon ko ngayon.
Nagpromise naman sa akin si Alaine na bibilan daw niya ako ngg punching bag na ikakabit niya sa basement namin para makapagpractice ako araw araw, para daw gumaling ako lalo.
"Thanks Mark!" sigaw ko nung nakapagpalit na ulit kami nng damit tapos palabas na kami ng gym.
Two words: Pagod na'ko.