GISING!!" sigaw ng personal alarm clock ko.
Pero yung totoo? Si Cass lang naman talaga to eh, pero ganun na rin yun.
Sinubsob ko mukha ko sa unan ko sabay groan.
Naramdaman ko na may ice sa katawan ko.
Napaupo ako bigla tapos nakita ko si Cass na may hawak na tray ng yelo.
Dito kasi siya natulog kagabi para lang magising niya ako ng maaga.
Ughhhhhh. Ngayon kasi siya mmagsisimulang magbigay nng workout at diet routine.
Nagbato si Cass ng mga damit sa akin.
Sinuot ko na yung zebra-printed na athletic shorts pati na rin yung black sports bra.
Nice outfit. <3 <3 <3
Sinuot ko na yung adidas sneakers ko tapos tumakbo palabas ng bahay habang kumakain ng apple for breakfast. Nagkita kami ni Cass sa footbal field ng school namin.
Pagkatapos ko magstretch at magwarm up, nagsimula na akong tumakbo paikot ng football field.
Si Cass? Ayun. Napakalaking tulong kasi sigaw lang siya ng sigaw.
For example: "Move it! Kaya mo yan! Ano ka, pagong?" at "Mas mabilis pa lola ko sayo,100 years old na yun!"
Napapagod na ako kaya pinatigil muna ako ni Cass.
"Wala na bang ibibilis yun, Maddy?"
"Sorry." sabi ko with a sigh.
"Sexy ka naman na talaga eh. Swerte mo nga eh. Alam ko, you can do better."
"Sorry." sabi ko nanaman.
"Alam ko na! Kailangan mo ng motivation!" sabi niya bigla sabay labas ng chocolate chip cookie.
Nanlaki yung mata ko tapos aabutin ko na sana yung cookie ng biglang nilayo niya yun sa akin.
"5 laps around the track at full sprint. Tapos paguusapan natin itong cookie." pageexplain niya.
"Deal!" sigaw ko tapos talikod then tumakbo ako as fast as I can.
Bat ba? Gusto ko ng cookie eh.
"Done!" sabi ko pagbalik ko kay Cass. Hingal na hingal na ako..
Aabutin ko na nga sana ullit yung cookie ng biglang nilayo ulit ni Cass.
"Pero....pero.....Ugghhhhh." sabi ko nalang.
"Sabi ko paguusapan, hindi ko sinabing papayag ako." sabi niya sabay belat.
Wow. Shemay. Lahat ng yun, para lang sa wala. Nagpagod ako, para lang sa wala.
"Thank you Cass." sabi ko, yung boses ko, punong ppuno ng sarcasm.
"Welcome." nag-smirk siya.
"Now step-ups!" excited nanaman niyang sabi.
Magugulat kayo kung gano kagandang lugar ang isang football field para sa isang workout. Yung bleachers din, napakauseful.
Pinatakbo takbo ako ni Cass sa bleachers, paakyat pababa. Maya maya ng onti, di ko na maramdaman yung legs ko.
Bonus pa, natapilok ako dun sa isang step sa bleachers kaya ayun, nauna mukha ko sa dumi. Hindi naman masakit kaso ang pinoproblema ko, yung lasa. kadiri, promise! Tumigil si cass tapos biglang nagtatatawa.
Uminom ako ng sandamukal na tubig para naman mawala kahit papano yung lasa ng dumi sa bibig ko.
"Oks, feel ko, tama na yung mga ginawa natin para sa araw nato." sabi niya ng natatawa padin.